Ano Katangian ng Babae na gusto ng Lalaki? Paano ko malaman kung gusto ako ng lalake?

Buhay OFW
is a OFW group representative in the Philippines

Kung pag-uusapan natin ang atraksyon, hindi kasama dito ang tungkol sa pagnanasa (na isa ring uri ng atraksyon). Ang lalaki ay maaring magkaroon ng atraksyong pisikal sa isang babae, na walang nararamdamang pag-ibig, at ang ganitong uri ng atraksyn ay makamundo at kumpletong nakatuon sa “katawan” ng babae. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang atraksyong katulad ng pag-ibig. Ang mga relasyon ay nabubuo sa atraksyong nagmumula sa pag-ibig, kaya ang importante ay alamin ang mga katangian sa babae na sa tingin ng mga lalaki ay siyang pinaka-attractive, na nagiging dahilan para sila’y umibig.

Paano nga ba malalaman ang katangian ng babae na kaakit-akit sa mga lalake? Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian na sa tingin ng mga lalaki ay attractive sa mga babae. Ang listahan ay hindi naka-order ayon sa kung ano ang gusto, at maaaring sabihin na ang 10 factors na ito ay may sabay-sabay na impact.

Malambot na Kalooban.

Mas mahuhulog ang mga lalaki sa mga babaeng malambot ang puso, kaysa sa babaeng hindi. Gusto ng mga lalaking inaalagaan, kaya mas nahuhulog sila sa babaeng malambing at maalaga. Ito ang masasabing pinaka-attractive para sa mga lalaki.

Pagkamahinhin

Nahuhulog ang mga lalaki sa mga babaeng mahinhin, at nagnanasa lamang sa mga babaeng “hot o sexy”. Ang pagiging mahinhin sa kilos, pananamit at pananalita ang hinahanap ng mga lalaki sa makasama nila ng pangmatagalan at pakasalan. Kahit sa tingin ng mga lalaki na attractive ang mga “sexy” women, ito nama’y pisikal lamang at nawawalan rin sila ng interes pagkatapos. Para rin sa mga lalaki, ang “hot” women ay hindi masyadong maasahan, at may maraming pangangailangan. Sa madaling salita, gusto ng mga lalaki ng babaeng maiuwi nila sa bahay sa kanilang nanay.

Karakter

Naa-attract ang mga lalaki sa mga babaeng may katatagan sa karakter at integridad. Ang pagiging “tapat” ay unti-unti nang nawawala sa mga kababaihan sa panahon ngayon, na noong panahon ay sinasabing mas loyal kaysa sa mga lalaki. Kaya hinahanap ng mga lalaki ang babaeng maipapakita ang kanyang tiwala sa pamamagitan ng kanyang matatag na karakter.


Boses

Taglay ng mga babae ang natural na ganda ng boses na sobrang attractive sa mga lalaki. Gusto ng ibang lalaki ang buong boses sa isang babae, ang iba’y gusto ng malumanay na boses, na may mababang tono. Ang ibang babae ay may boses na husky at maraming lalaki ang naa-attract dito. Ayon sa survey, binababa ng mga babae ang kanilang boses kapag nakakapag-usap sa potensyal na kasintahan, na hindi nila sinasadya.


Facial Features

Hindi masasama sa artikulong ito ang ang lahat ng facial features na dahilan ng atraksyon, pero ang ilan dito ay ang mga mata, labi, hugis at korte ng mukha, ilong, at laung-lalo na ang ngiti.

· Ngiti - Ang ngiti ay madaling makabihag sa puso ng lalaki. Kung, bilang babae, at palagi kang nakangiti, ikaw ay mas lapitin ng mga lalaki kaysa malungkot o nakasimangot na mukha.

· Labi - Sinasabi sa mga survey na ang mga buong labi ng babae ay mas attractive dahil ito daw ay reflection ng kanilang kalusugan at pagkakababae.

· Mga Mata at Kilay - Kasunod ng ngiti at mga labi, ito rin ay isa sa facial features na nagpapa-attract sa mga lalaki. Ang ibang mga lalaki ay madaling mahulog sa mga mata ng babae. Ang maganda at natural tingnan na mga kilay naman ay nakakadagdag rin ng atraksyon. Hindi nangangahulugan na kailangang sobrang nipis nito, ang natural tingnan at hugis ay mas attractive, kumpara sa sobrang nipis na nagmumukhang artificial na.

Buhok

Karamihan sa mga lalaki ay naa-attract sa mahabang buhok, o hanggang-batok na taas ng buhok. Marami din sa kanila ang naa-attract sa mga babaeng may maikling buhok.


Iba pang Physical Features

Kung ang pag-uusapan ay physical features, naa-attract ang mga lalaki sa skin tone, taas, bigat, at hugis nga katawan ng babae. Pero kailangang isaalang-alang na ang atraksyon sa mga nabanggit na mga katangian ay subjective at nagkakaiba sa lahat ng kultura.

Ilan lang ito sa mga importanteng katangian na ikina-aatract ng mga lalaki sa mga babae. Pero sa uulitin, ang bawat lalaki ay may kanya-kanyang gusto. Ang mga nabanggit ay common sa karamihan ng lalaki, pero hindi lahat. Maaaring hinahanap ng lalaki ang katangian na wala o kulang siya. Halimbawa, ang isang matapang na lalaki ay maghahanap ng malambot o malumanay na babae. Sana nakuha ninyo ang ideya.


Tandaan na may isang lalaki para sa bawat babae, kaya relax and look out for him.

About the author

Buhay OFW

Buhay OFW statements are prepared by medical experts of BuhayOFW.
Profession: Admin
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)