Anumang naisin mo ay matutupad ngayong taon ng Red Fire Rooster! Ang taong ito ay pumapabor sa bagong negosyo at bagong trabaho. Kung ikaw ay nagpaplanong magpakasal ngayong taon ay pinaka mainam para sayo.
Ang pina-plano mong pagbabago sa iyong buhay ay posible basta't maging masigasig ka lamang.
Karera, Trabaho at Negosyo: Kung ikaw ay nasa propesyonal na trabaho, ang huling tatlong buwan ng taon ay magiging mabusisi. Ang mga taong naghahanap ng trabaho ay magtatagumpay basta maging masigasig.
Kalusugan: Sa gitna ng buwan ng Hunyo at Oktubre ay kelangang maging maingat sa madaming trabaho upang maiwasan ang pagka stress. Maglaan ng panahon upang maalis ay iyong mga bisyo tulad ng paninigarilyo na nakakasama para sa iyong kalusugan. Karagdagan atensyon din ang ilaan para sa tamang pagkain at pang kalusugan. Magkakaroon ka ng mabuting kalusugan sa buong taon basta panatilihin lamang ang wastong pagkain, ehersisyo, at tamang pahinga.
Love Life: Anumang pagkakataon upang makabuo ng isang relasyon ay di dapat palampasin. Hindi ka dapat magpaapekto sa mga pagsubok at pagkakamali na iyong pinagdaanan habang bumubuo ng bagong pag ibig.
Ano klaseng Monkey? Metal Monkey - Born in 1980, Water Monkey- Born in 1992, Wood Monkey- Born in 1944, Fire Monkey- Born in 1956, Earth Monkey- Born in 1968.
Updated: January 2017