Ang 2017 ay taon ng malaking pagbabago sa buhay mo. 'Wag mong hayaan ang pagod o stress ang siyang magbigay sayo ng karamdaman.
Dapat maging maingat sa paggastos ngayong 2017. Ang magandang panahon para sayo na paghahanap ng trabaho at pagbabago ay sa pagitan ng Hunyo at Setyembre.
Negosyo: Imbes na gumawa ng maraming bagay, magpokus o concentrate sa konte pero mas importanteng bagay, para maabot mo ang tagumpay sa negosyo.
Pera: Maging maingat sa mga pinagkakagastusan. Ang mga bagay na di naman kailangang gastusan, ay dapat itigil.
Kalusugan: Magiging mabuti ang iyong kalusugan sa buong taon. Mas magiging busy ka sa kalagitnaan ng taon, at kailangan din mag-relax para maiwasan ang konsumisyon.
Relationships: Bigyan mo ng atensyon ang iyong social life o pakikipagugnayan sa ibang tao. Bigyan mo rin ng pagkakataon ang iyong sarili para makasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.
Love life: Ang may asawa ay magkakaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan ng buwan na Mayo at Agosto 2017. Ito'y mareresolba sa pamamagitan ng pagbibigayan at pag-uunawaan. Paglalaan ng oras na makasama ang iyong asawa o kabiyak ay makakatulong upang mas tumibay ang inyong pagsasama.
Iba’t ibang klaseng Ox: Metal Ox- Born in 1961, Water Ox- Born in 1973, Wood Ox- Born in 1985, Fire Ox- Born in 1937,1997 Earth Ox- Born in 1949.
Updated: January 2017