Palmistry: Paano manghula ng kamay? Pagbasa ng Palad at Kapalaran

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Gusto mo bang malaman ang iyong kapalaran? Ang pagbasa ng palad ay matagal nang ginagawa sa loob ng libo-libong taon at ito ay popular pa rin ngayon. Saan ka man galing, lahat ng tao ay nagtataka kung ano ang sinasabi ng kanilang palad.

Ang pinakamagandang paraan upang makalikha ng kapalarang ikakasiya mo ay ang paggawa ng positibong aksyon araw-araw. Ngunit kung gusto mong subukan ang metaphysical na bahagi ng mga bagay, ang pagbasa ng iyong kapalaran ay maaaring kasiya-siya!

Lahat ay dapat mayroong party trick. Ang pagbasa ng kapalaran ang isa sa mga pinakamaganda dito.

Ang pagbasa ng palad ay madaling matutunan, at tulad ng ibang form ng fortune-telling, magiging mahusay ka kung paghuhusayin mo pa ito.

Ito’y mahusay na bagay para sa mga mahiyaing tao, dahil napipilit ka nitong makipag-ugnayan sa iba at binibigyan ka nito ng isang bagay na maaaring mapag-usapan.

Ito ay isang simpleng gabay sa pagbasa ng palad. Maraming iba pang mga linya, mounts, bumps at mga pahiwatig na maaari mong basahin, ngunit ginawa ko itong simple... At may ilang mga link sa dulo kung nais mong mapahusay pa ang iyong skills dito!



Hands
Anong palad ang dapat mong basahin? Ang mainam nito, dapat mong basahin ang parehong palad. Ang teorya dito, ang kaliwang kamay ay nagpapakita ng potensyal, habang ang kanang kamay ay nagpapakita kung ano ang nagawa mo sa mga potensyal na ito. Ilan sa mga mambabasa ng kapalaran ay naniniwala na ang "kaliwang palad ay bigay ng diyos sa iyo, ang kanan ay kung ano ang gagawin mo dito".

May apat na pangunahing uri ng mga kamay na may kaugnayan sa mga elemento. Ang iyong astrological sign ay maaaring maging isang Earth sign, halimbawa, ngunit ang iyong mga kamay ay maaaring hindi! Narito ang kanilang mga uri...

Ang Earth hands ay malawak, parisukat na mga palad at mga daliri, makapal o magaspang na balat, at mapula ang hitsura. Ang haba ng palad ay karaniwang katumbas ng haba ng mga daliri.

Ang mga taong may Earth hands ay karaniwang napaka-praktikal at mahinahon. Mas gusto nilang lumabas at mag-enjoy sa mundo sa halip na malaman ang tungkol dito. Sila’y maaaring maging medyo konserbatibo at mas gustong lumabas. Kung ikaw ay may Earth hands, hindi mo gustong makulong sa isang sulok lang!

Ang Air Hands ay may square o hugis-parihabang mga palad na may mahabang mga daliri. Madalas , sila ay mayroong nakausling knuckles, mababang hinlalaki, o dry skin. Ang haba ng palad ay karaniwang katumbas ng haba ng mga daliri.

Ang mga taong may Air Hands ay masyadong intelektwal, laging curious at puno ng mga ideya. Sila ay may pagka-nerbiyoso, at madaling kapitan ng pag-alala at stress. Ang mga taong may Air Hands ay mahusay na communicators, ngunit maaari nilang masyadong i-internalize ang kanilang mga damdamin. Ito ay maaaring humantong sa mga problema sa kanilang mga relasyon.

Ang mga taong may Water Hands ay may maikli, minsan ay oval na palad, na may mahaba at flexible na mga daliri. Ang kanilang palad ay karaniwang mas malawak kaysa mahaba, at ang mga daliri ay katumbas ng taas ng palad.

Ang mga taong may Water hands ay napaka-emosyonal. Sila’y palaging naghahanap ng kapayapaan at lubos na masining. Maaaring mahirap para sa kanila ang paghandle sa stress, at sila ay motivated ng kanilang mga damdamin.

Ang Fire Hands ay may parisukat o parihabang palad, flushed o kulay-rosas na balat, at maiikling mga daliri. Ang haba ng palad ay karaniwang mas malaki kaysa sa haba ng mga daliri.

Ang mga taong may Fire Hands ay masipag at laging on the go. Kailangan nila ng variety, at maaaring maging walang pasensya at intolerant! Sila’y matatapang at mahuhusay na lider.

Kung ang iyong mga kamay ay nanlalamig at basang-basa, ikaw ay tamad at hindi matatag, ngunit well-intentioned. Kung ito’ maiikli, ikaw ay wild at matagumpay, ngunit maaaring maging insincere. Kung ang iyong mga kamay ay malamig, ikaw ay matulungin, reserved at may pagka hermit o matanda ang isip!

Mga Linya
Ang linyang puso ay tungkol sa lahat ng bagay sa pag-ibig.

Kung ang iyong heart line ay nagsisimula sa ilalim ng iyong hintuturo, magkakaroon ka ng isang kasiya-siyang buhay pag-ibig. Kung ito ay nagsisimula sa ilalim ng iyong gitnang daliri, ikaw ay makasarili sa pag-ibig. . Kung ito ay nagsisimula sa isang lugar sa pagitan ng iyong unang daliri at ang iyong gitnang daliri, madali kang mahulog sa pag-ibig!

Ang isang maikling heart line ay nagsasaad maliit na interes sa pag-ibig. Mas gugustuhin mong gawin ang ibang mga bagay! Kung ang iyong heart line ay nasasagi ang iyong life line, ito ay nangangahulugang madaling masaktan ang iyong puso. Ang isang mahaba, curvy na heart line ay nangangahulugang ipinapahayag mo ang iyong mga damdamin na may husay at tact. Ang isang tuwid na heart line na kahilera sa iyong life line ay nangangahulugang ikaw ay exceptionally practical sa pag-ibig. Ang paalun-alon na heart line ay nangangahulugang magkakaroon ka ng maraming mga mangingibig, ang ilan sa kanila ay seryoso! Kung mayroong isang bilog sa iyong heart line, nagpapahayag ito ng kalungkutan o depression. Ang isang broken heart line, o maliit na linya na tumatawid sa iyong heart line, ay nagpapakita ng isang uri ng emosyonal na trauma.

Ang head line ay nagpapakita ng iyong talino o karunungan.

Sa pangkalahatan, ang isang curvy line ay nagsasaad ng pagkamalikhain at spontaneity, habang ang isang tuwid na linya ay pagiging praktiko at may structure. Ang maikling head line ay nangangahulugang gusto mo ng mga pisikal na tagumpay kaysa sa mga intelektwal na tagumpay; mas gugustuhin mong mag hiking kaysa magsulat ng isang sanaysay. Ang kulot na linya ay nagpapakitang mayroon kang maikling panahon para magbigay ng pansin, habang ang isang malalim, mahabang linya ay katibayan ng isang malinaw at focused na pag-iisip. Ang isang tuwid na head line ay nangangahulugang ikaw ay isang realist o totoo sa buhay.

Kung ang iyong head line ay pinaghihiwalay mula sa iyong life line, ito’y nangangahulugang ikaw ay uhaw sa buhay at pakikipagsapalaran!

Kung may isang bilog o cross sa iyong head line, nagsasaad ito ng isang emosyonal na krisis. Ang maraming mga krus ay nagpapakitang ikaw ay may malalaking desisyon sa iyong buhay.

Ang life line ay linya ng tadhana.

Ipinapakita nito ang iyong karakter, pati na rin ang anumang mga mahahalagang kaganapan na mangyayari sa iyong buhay. At huwag mag-alala: salungat sa paniniwala, ang haba ng linya ay hindi nagpapakita kung kailan ka mamamatay! Kung ang iyong life line ay napakalapit sa iyong hinlalaki, ito ay nangangahulugang mayroon kang mababang enerhiya at madalas ay pagod. Sa kabaligtaran, ang isang malawak, curvy na life line ay nagpapakitang ikaw ay may sobra-sobrang enerhiya. Kung ito ay sumisisid sa isang semi-circle, ikaw ay malakas at masigasig. Kung ito ay tuwid at nananatiling malapit sa gilid ng iyong mga palad, ikaw ay maingat sa iyong mga relasyon.

Ang mahaba at malalim na life line ay nagpapakita ng iyong panloob na lakas, habang ang isang maikli at mababaw na life line ay nangangahulugang ikaw ay madaling manipulahin ng iba.

Kung mayroong isang bilog sa iyong life line, ito ay nagpapakita na ikaw ay maho-hospitalized o masusugatan. Ang isang patlang sa linya ay nagpapakita ng malaking pagbabago sa buhay.

Ang linya ng kapalaran ay maaaring basahin kasama ng life line upang maipakita ang kapalaran.

Hindi lahat ay mayroong fate line, kaya huwag mag-alala kung wala ka nito!

Ang isang malalim fate line ay nagpapakitang ikaw ay kontrolado ng tadhana. (Nasa sa iyo kung maniniwala ka rito o hindi!) Kung may patlang sa iyong fate line, ito ay nangangahulugang may mga panlabas na pwersang babago sa iyong buhay ng maraming beses.

Ang fate line na karugtong sa life line ay nagpapakitang ikaw ay isang aspirational at self-made. Kung ang iyong fate line ay nagsisimula sa ilalim ng iyong mga palad, madalas mong makikita ang iyong sarili sa mata ng publiko!

Mounts
Ang pagbasa sa mounts ang kasunod na hakbang sa pagbasa ng palad, at ito ay medyo madali. Sa ibaba ng bawat daliri ay may isang spongy pad (malambot na parte)- isa itong bahagi ng iyong knuckle. Ang dapat mo lang gawin upang 'basahin' ang mount ay tingnan ito at sukatin ang taas. May tatlong taas ito, mataas, mababa o flat. Kung gaano gaano kataas ang mount, ito ang magsasabi sa iyo ng lahat ng kailangan mong malaman! Kung mahirap sabihin ang laki ng iyong mounts, gawing hugis-tasa ang iyong kamay nang bahagya at tingnan ang kabila nito. Madaling makita kung aling mounts ang mas malaki kaysa sa iba!


Ang Venus mount ay nasa ilalim ng iyong hinlalaki. Ito ay ang medyo matabang parte kung saan pumapalibot ang iyong life line. Ang Venus mount ay may kinalaman sa pag-ibig, intuwisyon, sigla, sensuality at tagumpay.

Ang isang mataas na Venus mount ay nagpapakita ng pagiging walang ingat at overindulgent. Maaari silang maging obsessed sa mga madaliang kasiyahan. Ang isang normal, well-developed na Venus mount ay tumutukoy sa mga taong makapangyarihan at madamdamin sa mga sining. Kung ang iyong Venus mount ay flat, ikaw ay may maliit at halos walang interes sa buhay pamilya. Ang mga taong ito ay may posibilidad ding maging mapuna sa iba.

Ang Jupiter mount ay nasa ilalim ng iyong hintuturo.

Sinasabi nito ang iyong personal philosophies, mga paniniwala at mga kakayahan sa pamumuno.

Ang isang mataas na Jupiter mount ay nangangahulugang ikaw ay makasarili at agresibo sa punto ng pagiging dominante. Kung ang iyong Jupiter mount ay normal sa taas, ikaw ay matalino, mapag-adhika, at natural na lider. Ang isang mababa o flat Jupiter mount ay nangangahulugang hindi ka magkaroon ng masyadong self-confidence.

Ang Saturn mount ay nasa ilalim ng iyong gitnang daliri. Ito’y tungkol sa kung gaano ka kapasyensoso at responsable.

Ang isang mataas na Saturn mount ay nagpapakita ng katigasan ng kalooban at isang ugali na maging mapag-isa, nalulumbay, mapang-uyam at nahihiya. Kung ang iyong Saturn mount ay normal sa taas ng elevation, ikaw ay responsable, masipag, magiliw at pinagkakatiwalaan mo ang mundo. Kung ito ay mababa o flat, ito ay nangangahulugang ikaw ay mababaw at disorganized.

Ang Apollo (o Sun) mount ay nasa ilalim ng iyong palasingsingan. Ang Araw ay may kinalaman sa pagiging creative at matalino, pantasya, imahinasyon at kaligayahan. Ang isang mataas na Sun mount ay nangangahulugang ikaw ay mapagmataas, na gustong-gustong pabilibin ang iba, maging mapag-aksaya at madaling magalit. Ang isang normal na Sun mount ay nagpapakita ng isang taong madaling makibagay, outgoing o palakaibigan at may tiwala sa sarili. Ang mababang Sun mount ay nangangahulugang ikaw ay may maliit na imahinasyon. Maaaring mahirapan ka sa paggawa ng mga desisyon.

Ang Mercury mount ay nasa ilalim ng iyong maliit na daliri. Ang Mercury ay tungkol sa kayamanan, talino at paglalakbay.

Ang isang overdeveloped na Mercury mount ay tumutukoy sa isang taong masyadong maraming salita at maaaring maging di-makatotohanan. Sila’y maaaring maging sakim. Ang isang normal na Mercury mount ay nangangahulugang ikaw ay maalalahanin, maraming nagagawa, at maraming mga interes. Sila’y may posibilidad na maging mahusay sa negosyo at pati na sa pakikisalamuha sa ibang tao. Ang isang mababang mount ng Mercury nagpapakita ng taong mahiyain, hindi nakikipag-usap, at hindi nagkakaroon ng maraming pera.

Ang Luna (o Moon) mount ay nasa kahabaan ng labas ng iyong palad. Nagsisimula ito sa ilalim ng iyong maliit na daliri, at nasa kahabaan ng gilid ng iyong kamay. Ang Buwan ay sign ng imahinasyon, pagkamalikhain at emosyon . Ang mataas na Moon mount ay isang taong nakatira sa kanilang imahinasyon at nawawalan ng katotohanan. Kung mayroon kang magandang Moon mount, ikaw ay may pambihirang creative abilities. Gustung-gusto mo ang mga sining, pagiging matulungin, at mayroong psychic abilities. Ang isang mababa o flat Moon mount ay nagsasaad ng taong nakatira sa kanyang ulo at hindi nagbabahagi sa iba. Siya ay mapag-isa at pesimista.

Mga Daliri
Hugis ng Hinlalaki
Ang mga malalaking hintututro ay nabibilang sa mga taong opinionated workaholics na may matataas na enerhiya at maraming self-control. Kung ang iyong hinlalaki ay patungo sa iyong palad, maaaring ikaw ay malamig at walang malasakit. Ang hinlalaking palabas ay nagpapakita ng pagiging matulugin. Ang hinlalaki na baluktot at pabalik ay sinasabing ‘hinlalaki ng isang killer.'

Hugis ng Daliri

Ang mahahabang daliri ay nagpapakita ng pagkabalisa, pagiging maselan, maganda at magalang. Ang mga maiikling daliri ay nabibilang sa mga walang pasensya, malikhain at highly-sexed! Ang mga matutulis na daliri ay nagpapakita ng taong well-intentioned, ngunit scatterbrained o magulo ang isip.

Hugis ng Kuko

Ang mahahabang kuko ay nangangahulugang ikaw ay may magandang kalooban at magaling sa pagtago ng mga lihim! Kung ito’y mahaba at manipis, ikaw ay maaring psychic o nababasa ang ibang tao, at madaling mainis! Ang mahahaba at malalaking kuko ay nangangahulugang ikaw ay mahiyain at may pagaka hermit o matanda ang isip

Ang mga almond-shaped na kuko ay nabibilang sa mga taong sweet, magalang at palakaibigan.

Ang mga rectangular na kuko ay sa mga taong praktikal at lohikal. Gusto nilang naipapaliwanag ang mga bagay at palaging nagsusuot ng magandang sapatos.

Ang mga maiikling kuko ay nagpapakita ng mga taong kritikal at sarcastic. Ang sobrang maiikling kuko ay nangangahulugang wala kang self-control! Kung ang iyong mga kuko ay maiikli at malalaki, ikaw ay malungkot, madaling nalulumbay at pabagu-bago ang isip. Ang mga maiikli at tuwid na kuko ay sa mga taong puno ng inggit. Ang mga maiikli at bilugang kuko ay nangangahulugang ikaw ay mapanghusga at gustong-gusto-ang tsismis!

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Tes North
is in Israel
Tinulungan nya ako at sabi mahal daw nya ako pero ako ay may asawa na, may pupuntahan ba na magandang relasyon ?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nanghuhula din ba Kay?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.