Ano sanhi o ang nagdudulot ng mga panaginip na tila nahuhulog ka o nalalaglag?
Isang paliwanag kung bakit tayo nagkakaroon ng panaginip na parang nahuhulog ay maaaring may kaugnayan sa siyensiya. Habang tayo ay nakakatulog, ang pagtibok ng ating puso ay bumabagal at bumababa ang ating blood pressure. Sa pagpapahinga ng ating utak, bumababa din ang temperatura ng ating katawan. Isa rin itong maaring dahilan upang managinip na parang tayo ay nahuhulog, na para bang tayo ay nalalaglag mula sa isang building o eroplano ng walang parasyut. Karaniwang napapahatak tayo at nagigising kapag nangyari ito. Kaya napapaisip ang iba na kapag hindi tayo nagising, mamamatay tayo kapag tumama sa lupa. Buti na lang at napatunayang hindi ito totoo. Ang ating katawan ay hindi mamamatay kapag tayo naamatay sa ating mga panaginip.
Kawalan ng kontrol
Kahit na ang ang ating pagtulog ay nagdudulot ng mga panaginip kung saan tayo ay nahuhulog, hindi ito ang tanging rason na tayo ay nananaginip ng ganito. Mas kadalasan, tayo ay nananaginip ng pagkahulog dahil may mga bahagi ng ating buhay na hindi natin kontrolado.
Kahit gaano pa natin subukang iplano ang ating mga buhay, hindi ito palaging tatakbo ng matiwasay gaya ng inaasahan natin. Minsan, ang ating mga detalyadong plano ay naiistorbo ng mga pangyayaring hindi natin makontrol. Siguro kung tayo ay namuhay sa isang mas kontroladong lugar, wala nang magkakaroon ng mga panaginip na nahuhulog sila.
Sa kasamaang palad, mayroon talagang bagay o taong haharang sa ating mga plano kaya minsan pakiramdam natin ay napakahina natin – na parang nawawalan tayo ng kontrol sa ating mga buhay. Pakiramdam natin ay nilalamon tayo dahil hindi natin mahulaan ang resulta at hindi tayo sigurado kung paano ito mapaghandaan.
Kung ikaw ay nagkakaroon ng ganitong klaseng mga panaginip na ikaw ay nahuhulog at wala kang kontrol sa iyong pagbagsak at nagigising kang hinihingal at ninenerbyos, subukang tignan ang iyong pamumuhay at tignan kung may mga aspeto o bahagi kung saan may ibang bagay o tao na siyang kumokontrol ng iyong kapalaran.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation