Ang 1 Minute Management Style ni Kenneth Blanchard

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Photo courtesy of : http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.kenblanchard.com


Sa atingtrabaho, meron tayong bossing. Kahit online o virtual jobs sa mga panahon ngayon, hindi mawawala ang mga boss na gumagabay sa ating trabaho.


Pero alam ba nating gumaganap din tayong boss sa iba’t ibang papel na ating ginagampanan sa buhay?


Bilang magulang halimbawa, boss tayo sa ating pamilya. At kahit nag-iisa lang tayo sa buhay, di ba’t bossing din tayo sa ating mga sarili. Samakatuwid, bahagi na ng buhay ang pagiging bossing. Kailangang may pinuno. Hindi lahat ng panahon ay sunod sunuran lamang tayo. Kahit sa bahay kung minsan, tinatawag nating manager o kumander si misis dahil may ginagampanan siyang papel sa tahanan na kahalintulad ng manager sa kumpanya. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships.


Sa puntong ito pumapasok ang mga pananaw ni Kenneth Hartley Blanchard tungkol sa pagiging manager.Isang manunulat at expert sa mga usaping may kinalaman sa management si Blanchard. May edad na si Blanchard. Isinilang siya noong 1939 sa USA. At ang pangunahing libro niya - na siyang paksa natin, ay pinamagatang The One Minute Manager. Matagumpay ang librong ito na bumenta ng higit sa 13 milyong kopya at isinalin sa 37 iba’t ibang mga wika. Bukod sa librong ito, may higit na 30 akda pa siyang ginawa kapartner ang ibang manunulat. Noong 1979 itinatag niya kasama ang kayang asawang si Marjorie ang Ken Blanchard Companies - isang tanyag na international management training and consultant firm na matatagpuan sa California.


Marami ang natuwa sa estilo ni Blanchard sa pagkakalikha niya ng The One Minute Manager. Marami ang nag-akala na tulad ng ibang management books, maglalabas na naman si Blanchard ng isang teorya o pilosopiya tungkol sa management. Ngunit nabigla ang lahat sa story telling style ni Blanchard.


Umiikot ang kwento sa isang taong hindi pa gaanong edaran na hinahanap ang pinaka mabisang manager. Nagisnan niya na tila may dalawang uri lamang ng mga manager: ang Autocratic at ang Democratic. At magka-iba ang dalawang ito: ang una ay strikto sa kanyang pamamalakad at kumikita ng pera ngunit hindi naman nagtatagal sa kumpanya ang mga tauhan; ang pangalawa naman, masyadong mabait sa mga tauhan pero hindi naman kumikita ang kumpanya.

Hindi siya sold out sa dalawang uri ng management style na ito hanggang sa matagpuan niya ang The One Minute Manager. Ang manager na ito ay hindi lamang naka focus sa kita ng kumpanya at hindi rin naman para sa kapakanan mga tauhan nito. Ang manager na ito ay para sa kumpanya at ang mga tauhan nito . Hinahangaan ang manager na ito ng kayang mga tauhan na siya namang tumataguyod sa mga patakaran niya sa kumpanya.


Ayon sa kwento, isang araw ay ibinahagi ng One Minute Manager ang tatlong sekreto ng kanyang matagumpay na management style.


Ang Unang Sekreto: “One Minute Goal Setting”


Agree on your goals. Dapat magkasundo ang manager at mga tauhan sa mga dapat nilang gawin o goals. Kung ika’y nasa customer service, siguraduhing may pagkalingang ginagawa sa mga kliyente. Kung ika’y nasa sales, ang goal ay makapag benta. Kung guro, makapag turo nang maayos sa mga mag-aaral. At kung sa pamilya, siguraduhing magkroon ng maayos na patakbo ng pamamahay.


Bilang guro halimbawa, mainan na sabihin sa mga mag-aaral ang goal na ito sa simula ng pasukan. At ang pangunahing layunin o goal ay upang matuto at maging mabuting mamamayan, makapagtapos, at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap.Ngunit ang tanong: Ano ang koneksyon nito sa pagiging 1 minute manager?


Ayon kay Blanchard, ang mabilisan o on the spot checking sa ginagawa ng isang manggagawa sa tuwi-tuwina ay isang pagkakataon upang mabigyan ng pagakakataon ang manager at empleado na mag-usap at mapakinggan ang isa’t isa. At ang pagkakataong ito ay hindi sa isang malaki at taunang conference kundi sa mga mabilisang pagtatagpo sa loob o labas ng isang workplace.


Ang 1 minute style na ito ay maari ring i-apply sa pamilya. Bilang ama o ina, hind ina kailangang pormal na tipunin ang mga anak sa isang pormal na miting. Isang madalas at mabilisang pa-sulyap na pag check sa ginagawang homework ng anak, o nililinis na cr ng nakatatandang kapatid, atbpang mga gawaing bahay ay hindi na kailangang patagalin pa ng isang kwarter sa pa-release ng report card , o hanggang sa mapansing mabaho na at marumi ang cr atbp.At sa 1 minute na paraang ito, hahantong tayo sa ikalawang alituntunin sa goal setting:



See what good behavior looks like. Ang behavior ang siyang ikinikilos ng isang tao at siyang nagiging pag-uugali. At kadalasan ang tunay na pag-uugali ng isang tao ay malalaman sa kanyang likas na anyo o in its natural form. At ano nga ba ang natural behavior ng tao? Maaring mabuti at masama. Ngunit kung ang nararapat na good behavior ang siyang dapat gawin, kailangang ipakita kung papaano ito gawin.

Maraming mga makabagong pamamaraan kahit sa larangan ng edukasyon, na kung halimbawa nais ng titser na maayos ang ginagawa ng kanyang mga mag-aral, kailangan ipakita muna niya kung papaano ito gawin. Modeling a prescribed behavior ang tawag dito, at hindi kailangang isang seminar na naman ang gawin. Isang minuto lamang kung papaano isagawa ang tinatawag na tamang procedure/technique ang kailangang gawin. (of course, ipinapalagay na rito na may sapat na training ang manggagawa). Bilang magulang halimbawa, ang pagpasok ng ating mga anak sa pribadong kwarto nang hindi kumakatok ay medaling nating maayos nang mabilisan sa pag dedemonstrate kung papaano ito gawin kaysa sermonan ang ating mga anak nang pakahaba-haba gamit ang masasakit na pananalita.


May kasabihan sa wikang Ingles na if you want to be exact, write it. At ayon kay Blanchard ang isa pang alitintunin ay Write out each of your goals on a single page using less than 250 words. Dito makikita ang kahalagahan ng sining ng pagsusulat. Magandang ideya halimbawa kung ipasulat sa isang manggagawa kung ano ang layunin niya sa kumpanya. Aba’y, bakit hindi? Ang isang manliligaw gaya halimbawa ni Cyrano de Bergerac ay mabisang naipadama kay Roxanne ang nilalaman o intention ng kanyang puso. Ang pag-sulat ng mga love letters ay masasabing epektibo sa paglalahad ng isang layunin, na maaring gawin ng isang empleado, magulang, o kahit ng isang anak.

Ang ilan pang mga alituntunin ni Blanchard sa ilalim ng 1 minute goal setting ay may kinalaman sa pagbasa ng mga naisulat na mga goals o Read and re-read each goal, which takes only a minute or so each time. Kung sa mga mag-aaral madalas na basahin ang mga isinulat ni Shakespeare atbpang mga manunulat, hindi masamang gawin din ito ng mga empleyado sa pangunguna ng manager. Hindi ba’t kung minsan sa ating mga tahanan, isinusulat din ang mga reminders ng mga kailangang gawin ating mga anak. Ang pag check sa ating mga empleyado na nabanggit na ay alinsunod naman sa alituntuning Take a minute every once in a while out of your day to look at your performance, and See whether or not your behavior matches your goal.


(Ang susunod na serye ay ang ikalawang sekreto ni Blanchard: One Minute Praisings)



A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.

If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.

Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.

Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.

When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.

A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things.




About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Aimglobaloids Ilao
is a sales lady in Italy
You can be a boss now of your own business with a small capital.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.