Ang Makulay na Mundo ni Wolfgang Amadeus Mozart Part 1 - Life and works

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Sa murang edad na 3 taon, ang child prodigy o genius na si Mozart ay marunong nang kumilatis ng musikang itinutugtog ng kanyang kapatid na babae na si Nanerl sa clavier, isang instrumentong kahalintulad ng piano sa kasalakuyang panahon. At sa edad na 4, tumugtog na rin siya ng mga de-notang piyesa sa keyboard at violin matapos turuan ng kanyang amang si Leopold. At sa tindi ng talento nitong si Mozart, lumilikha na siya ng sarili niyang mga komposisyon sa murang edad na 5 taong gulang! A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.

Ipinanganak si Wolfgang Amadeus Mozart noong ika 27 ng Enero taong 1756 kina Leopold at AnnaMaria Petrl – Mozart sa Salzburg, kasalukuyang Austria sa Europa. Pinakabunso si Amadeus sa pitong magkakapatid na dalawa lamang ang nabuhay: si Amadeus at ang nakatatandang kapatid na babae na si Maria Anna.

Unang naging guro ni Mozart ang kanyang ama sa musika. Ngunit namangha ang kanyang ama nang makitang likas na mahusay din si Mozart sa violin. Dahil dito, nagpasiya si Leopold na ipagbunyi ang galing ng kanyang anak sa musika at dito nagsimulang maglakbay ang mag-aama sa Europa mula 1762 hanggang 1773.


Unang nasaksihan ang galing ni Mozart nang magtanghal siya sa palasyo ni Prinsipe Maximilian III ng Bavaria sa syudad ng Munich at sa palasyo rin ng Vienna at Prague. Sinundan ito ng sunod-sunod na mga palabas sa palasyo ng Munich, Mannheim, Paris, London, at The Hague.

Nakasalamuha ni Mozart ang iba’t ibang mga tanyag na musikerong gaya ni Johann Christian Bach nang siya’y nasa London. Marahil iisipin natin na tila enjoy na enjoy ang mga Mozart sa kanilang mga pag biyahe at pagtatanghal sa mga tinaguriang big time na lugar at tao. Ngunit noong mga panahong iyon, mahirap maglakbay dahil hindi maayos ang mga daan - di tulad ng mga modernong kalsada ngayon. Dagdag dito, kailangang maghintay nang matagal para makuha nila ang kanilang bayad at magkaroon muli ng imbitasyon mula sa mga dugong bughaw. Sa katunayan nagkasakit pa nga ang mga Mozart noong mga panahong iyon.

Nang bumiyahe ang mag-ama patungong Italy noong 1769, naiwan na si Anna Maria kasama ang kanyang ina. Mas lalong gumaling si Mozart sa kanyang pagpapiano at pag kocompose. Naging bahagi rin siya ng sikat na Accademia Filarmonica.

Nakagawa ng isang opera si Mozart sa Milan noong 1770 at matagumpay niya itong naitanghal. Nasundan ito ng ilan pang mga obra maestra noong 1771 at 1772.

Nang tuluyan nang makabalik sina Mozart sa bayan nila sa Salzburg, nakapagtrabaho na siya bilang court musician ni Prinispe at Arsobispo na si Coloredo. Nagkaroon ng maraming mga kaibigan at tagahanga si Mozart; nagkaroon din siya ng oportunidad na lumikha ng maraming symphonies, sonatas, at mga piyesa para sa violin, mga tugtugunin para sa Banal na Misa, serenades at ilan ilang mga opera. Nahiligan din ni Mozart ang paglikha ng musika para mga konsyertong pang violin.

Ngunit sa gitna ng mga tagumpay na ito, hindi pa rin kontento si Mozart sa Salzburg at tuloy ang paghahanap ng mapagtatrabahuan sa ibang lugar dahil sa mabababang kita sa kanyang hometown. Gusto sana niyang gumawa ng mga operas ngunit kulang ang mga pagkakataong iyon sa Salzburg. Lumala pa ang situwasyon nang magsira ang entablado na nagtatanghal ng mga opera. Naglakabay na naman sina Mozart at ang kanyang ama sa Vienna at Munich hanggang 1775 ngunit hindi matagumpay ang mga ito.

Tuluyang binitiwan ni Mozart ang kanyang trabaho sa Salzburg noong 1777. Sa syudad ng Mannhein sa Germany nakilala niya ang isang sikat na orchestra. Na-in-love din siya kay Aloysia Weber, isang dalaga mula sa pamilyang mahilig sa musika. Marami sanang maaaring pagtrabahuan sa Mannheim ngunit wala pa rin siyang nakuha ni isa. Noong 1778 nagpunta si Mozart sa Paris at doon maari na sana siyang maging organist. Ngunit hindi na naman niya nagustuhan iyon. Nagsimula na siyang mabaon sa utang at mag sanla. Nagkataong namatay din ang kanyang ina noong taong iyon dahil sa kakulangan ng pera sa gamot.

Sinikap ng ama ni Mozart na ikuha ng trabaho si Mozart sa Salzburg sa kanyang pagbalik. Inoferan na naman siya bilang isang organist at concertmaster na may sahod na mas malaki ngunit nagdalawang isip siyang tanggapin ito. Nang lisanin niya ang Paris noong 1778, binalikan niya ang Mannheim at Munich at umaaasang makakakuha siya ng trabaho sa labas ng Salzburg. Ngunit walang nangyari. Sa kanyang pagbalik sa Salazburg noong 1779, tinanggap na lamang niya ang offer na trabaho kahit hindi niya ito gusto.

Nagpatuloy ang paglilikha ni Mozart ng kanyang musika. Noong 1781 tagumpay na itinanghal ang kanyang opera sa Munich. Ipinatawag si Mozart ng kanyang dating bossing na si Arsobispo Colloredo sa Vienna. Ngunit hindi nagustuhan ni Mozart ang pagtrato sa kanya ni Colloredo sa Vienna na tila isang hamak na utusan lamang siya. Dagdag dito, pinagbawalan din siyang magtanghal sa palasyo ng emperador sa halagang katumbas sana ng kalahating taong sahod niya sa Salzburg.Tuluyang nag-away ang dalawa. Binalak mag-resign ni Mozart ngunit di siya pinahintulutan hanggang sa pina-alis o na putbol siya sa isang kahiya-hiyang paraan. Nagpasiya si Mozart na manirahang pansamantala sa Vienna bilang isang freelance performer at kompositor habang di pa naaayos ang sigalot nila ni Colloredo.

Mahirap para kay Mozart ang naging dulot ng alitan nila ng Arsobispo dahil pumanig dito ang kanyang ama. Umasa ang kanyang ama na babalik ang kanyang anak sa ilalim ng pangangasiwa ni Colloredo. Maraming ipinadalang sulat kay Mozart ang kanyang ama na pinipilit siyang makipagayos sa arsobispo. Ngunit mas ginustong maging malaya ni Mozart sa Vienna. Sa kalauan, tuluyan nang tinanggal sa trabaho si Mozart ni Colloredo. Malaki ang naging impact nito sa buhay ni Mozart.


Sa kasidhian ng awayan nina Mozart at Colloredo, nanuluyan si Mozart sa pamilya Weber na lumipat ng tirahan mula Mannheim patungong Vienna. Isang lodger si Mozart sa pamilya at ang una niyang napusuang pakasalan na si Aloysia Weber ay kasal na sa ibang tao. Ibinaling ni Mozart ang kanyang interes sa ikatlong dalaga ng pamilya Weber na si Constanze. Hindi naging madali ang dinaanan nina Mozart at Conztanze bago sila tuluyang makasal noong 1782 sa St. Stephen’s Cathedral, na mahigpit na tinutulan ng kanyang ama.


A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.

If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.

Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.

Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.

When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.


A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.