Ang Transformational Vocabulary ni Anthony Robbins at Ang Ating Mga Pananalita

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines


Photo Courtesy of: http://en.wikipedia.org/wiki/File:Tony_Robbins.jpg


Ayon sa Proverbs 18:2, “Death and life are in the power of the tongue; And they that love it shall eat the fruit thereof.” Sa madaling salita, ang ating mga salita ay maaring pumatay o magbigay buhay. Marahil alam na natin ang katotohanang ito ngunit na maximize ni Anthony “Tony “ Robbins ang katotohanang ito alinsulod sa technique na kung tawagin ay neuro-linguistic programming.


Si Anthony Robbins ay nagsusulat ng mga paksang may kinalaman sa self-help at isa rin siyang motivational speaker. Isinilang si Robbins sa Amerika noong 1960. Nakilala siya sa mga librong isinulat na may kinalaman sa paglilinang ng sarili. Nafeature na si Robbins sa Time, Newsweek Forbes, Life, GQ, atbpang mga sikat na magazines. Lumabas na rin siya sa CBS Evening news, Fox News, at CNN; dagdag pa rito ang pagkakalathala ng kanyang pangalan sa iba’t ibang pahayagan, internet, pelikula, at sikat na mga pamantasan. Noong 2007, ipinapalagay ng prestihiyosong Forbes Magazine na kumita si Robbins ng halos $30 milyon.


Ayon kay Robbins, makapangyarihan ang papel na ginagampanam ng ating mga salita. Unang una , ginagamit natin ang salita para makipag-ugnayan sa ibang tao. Ngunit ayon kay Robbins, hindi natin tanto na ang mga salitang ating ginagamit ay may epekto sa ating pang araw-araw na buhay. At dito pumapasok ang tinatawag niyang Transformational Vocabulary. Ayon dito, maari nating mabago ang ating buhay sa pamamagitan ng pagbago ng mga ginagamit nating salita. Samakatuwid, kung babaguhin natin ang ginagamit nating mga salita, magbabago rin ang takbo ng ating buhay. At ang pagbabagong ito ay may kinalaman sa ating pag-iisip, pakiramdam, at kung papaano tayo mabuhay.


Para kay Robbins, iba ang dating ng parehong karanasan sa dalawang tao, at dahilan ito sa mga salitang ibinabansag nila sa karanasang iyon. Kung halimbawa’y bumagsak sa interview ang dalawang aplikanteng patungong Dubai, mag-iiba ang takbo ng buhay ng isa depende sa kanilang sasabihin. Kung ang reaksyon ni applicant A ay: “ Malas talaga ang araw na ito…” at ang reaksyon naman ni applicant B ay :”May bukas pa, at di magtatagal makakapunta rin ako sa Dubai…” , magka-iba ang takbo ng buhay nina A at B bagamat may pareho silang karanasan. At ito’y dahil sa mga SALITANG kanilang ginamit na may kaugnayan sa estado ng kanilang pag-iisip.


Umaabot sa halos 750,000 ang mga salitang Ingles. Kadalasan gumagamit lamang ng ilang daang hanggang sa 2000 mga salita ang tao. Ang mga salitang may kaugnayan sa mga emosyon ay umaabot sa lampas 1000 para sa mga positibong mga salita at lampas 2000 naman para sa mga negatibong emosyon.Sa mga salitang Ingles pa lamang mapapansin na na mas marami ang mga negative words kaysa mga positive. Mantakin na nalang natin ang epekto nito sa buhay natin bilang tao. Ayon kay Robbins, mas marami tayong salitang negatibo na ginagamit sa araw araw at dahil dito nagiging miserable ang ating buhay.


Totoong ang ginamit na halimbawa ni Robbins ay mga salitang Ingles. Ngunit hindi malayong totoo rin ito sa wikang Pilipino. Sa paaralan halimbawa, walang araw na hindi mo maririnig ang salitang “ yawah” lalo na sa kabisayaan at kamindanawan. Kahit sa mga batang mag-aaral, ang madalas na dugtong nila sa kanilang pananalita ay ang salitang ito na may kinalaman sa demonyo. Sabi ng mga taong nanood sa sine ni James Bond nang biglang may pumutok sa kanyang deadly relos: “ Yawah!”; nang nakapuntos ang Spurs: “ Yawah!”; nang nabangga nang kaunti sa pag-akyat sa may hagdan: “Yawah” na naman. Minsan lamang marinig ang “Diyos ko!” o “ Ginoo ko!” o “Hinay hinay lang” sa mga Bisaya. Sa mga kababaihan maririnig naman ang mga katagang: “ sumbagon kita!” o “ susuntukin kita!” kapag nagbibiruan sa klase at sa iba pang lugar. Kung susundin ang mga palagay ni Robbins tungkol sa paghubog ng ating buhay gamit ang mga salita, hindi tayo magtataka kung bakit nagkanda yawah- yawah ang buhay natin dahil sa ating mga pananalita. Nakatatawang isipin ngunit totoo.


Ang neuro –linguistics ni Robbins ay may kinalaman sa utak o pag-iisip (neuro) at linguistics na mula naman sa salitang “lengua” o dila. Isang insight ang maari nating makuha rito. Kung may ugnayan ang pag-iisip at ang sinasabi, makikita rin kung anong uri ng pag-iisp meron ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang sinasabi. Ang halimbawang ginamit ay may kinalaman sa paaralan at mga mag-aaral. Pero sa isang banda, saan ba napulot ng mga mag-aaral ang kanilang mga pananalita? Hindi ba’t sa tahanan na kinaroroonan nating mga magulang?


Marahil bilang mga adults kailangan nating simulan ang pagbabago sa ating buhay sa ating mga choice of words. Kapag tayo’y nagagalit sa loob ng ating bahay, kailangan bang magmura agad at marinig ng ating mga anak? Mas mainam sigurong pag-nilay nilayan ang ating sasabihin at magabayan ng Transformational Vocabulary na sinasabi ni Robbins.


Noong panahon ng aking mga magulang at ito’y noong mga huling taon ng dekada 60, ang mga katagang “Susmaryosep” na may kinalaman kina Hesus, Maria, at Joseph ang madalas na bulalas ng aking butihing Ina. Mas mainam siguro ito kaysa mga expression na may kinalaman kay Satanas! Madalas ko ring marinig sa aking tatay ang salitang “good” at kung may masamang mangyari ay ang simpleng salita na “ very bad”. Ngunit ngayon ang mga salitang ingles na F---k at Sh..t! at ang pamosong PIM o SOB sa Ingles ang madalas marinig.


Ang pinakadiwa ng Transformational Vocabulary ay ito: ang ating buhay ay nakasalalay sa mga salitang ating ginagamit. Kung masama ang gamit nating mga salita, masama rin ang takbo ng ating buhay. Ganun din ang kabaliktaran. Sa isang titser halimbawa, kapag mali ang sagot ng isang bata, sa halip na sabihing “ Mali ka!” na masakit pakinggan ng kahit sinuman, mas mainam na sabihing, “ May mas magandang sagot diyan.” At may malaking pagkaka-iba meron sa dalawang mundong ito.


Kaya’t sa susunod mainam na piliin nang mabuti ang sasabihin nang mas lalong umunlad ang buhay natin.




A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.


If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.


Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.


Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.


When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.


A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things.

1 person likes this

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Abigail Rose Labaddan-Princesa
is a Medical expert in the Philippines
"Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain." - Kawikaan 15:28
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.