Ano ang pwedeng gawin tuwing nagigipit, naiipit o kulang sa badyet?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ang mga pwedeng gawin kapag ginigipit, kulang o wala sa budget?

Kung pag tiingin mo sa pitaka mo at puro barya lang ang laman, malamang na stress na stress ka na. O baka naman meron ka mang budget, kulang na kulang naman at di makakasapat sa pangangailangan mo para sa mga susunod na araw. Baka sunod sunod pa ang bayarin gaya ng tubig, kuryente, tuition fee o mga loans. Yan naman talaga ang pinaka-karaniwang problema at pinaka-mahirap na solusyonan.

Pero ang totoo, sa tulong na ilang mga tips at pagpaplano, maiiwasan mo ang labis na problema na dulot ng kakapusan. Baka kailangan mo talagang gumawa ng pag-babago at mas magsikap na makahanap ng trabaho na sasapat sa pangangailangan mo. O baka kailangan mong mag-tipid at matutong mag-kontrol. Heto ang ilan sa mga makabuluhang bagay na pwede mong gawin kung wala kang pera o may kaunting perang na itabi:


-Maghanap ng mga lugar na mas makakamura ka sa mga bilihin. Baka hindi mo noon ugali ang mamili sa mga tinatatwag na “tiangge”. Ang totoo? Kung ikukumpara sa mga Mall, halos pareho lang naman angm kalidad, presyo lang ang mag-kaiba. Kung minsan nga, brand lang ang binabayaran sa mga mall. Isipin mo kung ano talaga yung mga kailangan at maghanap ng mga pamilihan na mas makakatipid ka. Tignan ang mga nakapaskil sa munisipyo o mga opisina sa baranggay o komunidad niyo. Baka may mga libreng gawain o programa. Para maiba naman, bakit hindi mo subukang sumali sa mga yon.


-Mga community sports. Kadalasn wala namang bayad yan, at mag-eenjoy at lulusog ka pa.


-Tumingin sa internet o gumawa ng sariling recipe na mas makakatipid ka. Sa ngayon, masyado kang makakamahal kung bibili ka ng lutong-ulam. Bakit hindi mag explore sa kusina mo? Mag-eenjoy ka pa.



-Mag-isip ng mga pwede mong pag-kakitaan sa bahay. Uso ngayon ang mga DIY projects o yung mga gamit, display, notebook, frame at iba pa na hand-made. Makakabuo ka na niyan basta maging malawak lang ang imahinasyon mo. Tiganan mo yung mga gamit na hindi mo na napapakinabangan.


-Magbargain sale o ukay-ukay. Baka may mga damit o gamit ka na hindi mo na kailangan. Bakit di mo nalang yan ipagbenta at magiging pera pa. Uso din ngayon ang buy and sell. Sa internet, may mga website na madali mong maibebenta ang mga luma mong gamit.


-Makipag kaibigan sa mga kapit-bahay mo. Kung mas magiging malapit ka sa mga tao sa paligid mo at ipapakita mo din sa kanila na nagmamalasakit ka, ganon din ang malamang na gagawin nila sayo. Walang bayad ang makipag-kaibigan. Sa halip na magmukmok sa isang tabi dahil wala kang trabaho, ibaling ang pansin sa ibang bagay.


-Palaguin mo ang konting naipon. Uso ngayon ang mga investments o yung maglalagak ka ng pera sa isang tao o organisasyon at papalaguin mo ito. Pero maging maingat syempre.

Kapag namimili, magkaron ng listahan. Ilista lang ang mga kailangan mo talaga at wag ng magpa-ikot ikot pa para di ka na madismaya o malungkot dahil wala kang pambili.


-Makipag-bonding sa pamilya. Kung minsan, mas kailangan ng pamilya mo ang atensyon ng bawat isa, keysa mga maluluhong gamit. Gumawa ng mga laro na mag eenjoy ka kahit nasa bahay lang. Kung hilig mo din ang mag-tanim, subukan ito.



Maging positibo lang. Yan naman talaga ang solusyon at syempre kumilos at wag umasa lang sa nasa paligid mo. Madaming magagandang bagay ang pwede mong gawin may pera man o wala. Sana nakatulong sayo ang mga tips na ito.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.