Paano mapikot lalaki sa babae? Gayuma napipikot

Precious Gomez
is in the Philippines

Madalas natin naririnig ang salitang pikot sa sitwasyon ng isang mag-asawa o di kaya magkasintahan. Kung ang babae o lalaki ay napilitan lamang magpakasal sa kabiyak madalas kagustuhan lamang ng mga magulang o minsan napikot ng partner.

Noong dating panahon mas epekto ang pamimikot sa taong nagugustuhan ngunit habang dumadaan ang mga taon ay hindi na ito nauuso.

Halimbawa ng Pamimikot- Ang isang babae ay patay na patay sa lalaking may mahal ng iba. Gagawa ang babae ng paraan para mapasakamay ang lalaki. Pilit na nilalandi o tinutukso ng babae ang lalaking nagustuhan hanggang sa may mangyayari sa kanila at ito ay mabuntis. Sa ayaw at sa gusto ng lalaki, mapipilitang pakasalan ang babae. May mga eksena na ayaw talagang pakasalan ng lalaki ang babae kahit nabuntis nito. Ngunit sa pananakot ng pamilya ng babae na dinadaan sa dahas ay magpapakasal na lang ang lalaki. At ito ay tinatawag na “Pikot

May mga babaeng napipikot sa pamamagitan ng paglagay ng pampatulog sa inumin nito, o di kaya nilalasing at hindi na matandaan ang nangyari kinabukasan. Pinapaniwala ang babae ng lalaking namimikot na gusto nila pareho ang nangyari, hanggang sa mabuntis ang dalaga at magpapakasal na lang ito kahit na labag sa kalooban. Kung susumahin panggagahasa ang ginawa ng lalaki ngunit walang ebidensya ang babae na siya ay pwenersa.

Mas epekto o mabilis makapikot ang babae o lalaki noong dating panahon dahil sa pagiging konserbatibo ng mga tao. Napipilitan silang magpakasal upang makaiwas sa kahihiyan ang pamilya lalo na kung mayaman ang angkan.

Sa panahon ngayon bihira na lamang ang mga taong napipikot ng kabiyak dahil na din nauso ang mga single parents. Madalas ang lalaking may kasintahan ang nabibiktima ng pamimikot. Kaya kayo mag-ingat sa mga taong sinasamahan baka hindi mo napapansin mabibiktima kana pala ng PIKOT.


Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)