Bakit Bumabago-Nag-iiba ang Kulay at Hugis ng Dila? Ano ang Dahilan at Sanhi nito?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Mapapansin natin na paiba-iba ang itsura ng ating dila, meron namumuti at minsan namumula. Minsan nagbabago pa ang hugis ng dulo ng ating dila. Sa pamamagitan dila malalaman natin kung may prolema ba tayo pagdating sa kalusugan. Malalaman mo din kung ikaw ba ay may sakit.


Mamula-mula at malamot- Kapag malambot at kulay pink ang dila masasabing ikaw ay malusog. Kailangang magaspang ang dila dahil kung ito ay sobrang lambot naman ay may indikasyon na kulang sa bitamina.


Matinding Pamumula at Napakalambot- Ang pamumula madalas ay kulang sa Bitamina B-12 o Folic Acid. Maaring kumain ng mga dahoon ng gulay na kulay berde o green.


Pakurbang Dulo ng Dila o Palapad- Kung may ganitong uri ng dila na may konting kurba o wave ang dulo ito ay isa sa senyales ng thyroid disorder o paglaki ng Goiter kung hindi maagapan. Isa sa mga senyales ng thyroid disorder ay ang pagkakaroon ng pasa, matamlay, paglagas ng buhok at pagbaba ng dugo. Oras na palapad ang dila o tinatawag na “Swollen Tongue” ay nakakasanhi ito ng dehydration. Pinakamabisang paraan ay ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw.


Krak o Crack- Ang pagkakaroon ng krak na dila o parang mapa ang hitsura o di kaya ay isang wrinkles na tumubo sa dila. Kung ikaw ay may ganitong dila agad pumunta sa doctor dahil isa ito sa senyales ng autoimmune disorder o Lupus kung tawagin.


Itim o Brown ang Itaas- Kung kulay itim o brown naman ang itaas ng iyong dila, senyales ito ng hindi pagsepilyo araw-araw. Mahalagang nasa tama ang paglinis ng dila at maging sa ngipin. Kung ang isang tao ay may ganitong klaseng kondisyon maaring may sakit na diabetes o ang isang tayo ay umiinom ng antibiotic na gamot. Nangingitim din ang dila kapag ang isang tao ay nagpapa-chemotherapy. Ugaliing magsipilyo at linisiin ang dila araw-araw upang maiwasan ang pagdikit ng dumi dito.

 

Pamumuti- Kung makakitaan mo ng pumumuti ang dila mas makakabuting sumanggani sa iyong doctor. Maaring may “Yeast infcection” ka sa iyong dila. Madalas makikita ito sa mga sanggol at sa mga mahihinang immune system. Kapag ang isang tao naman ay naninigarilyo at namumuti ang dila malaki ang tsansa na may “Leukoplakia” o simulang senyales ng sakit na cancer.



Sugat o Singaw- Madalas ang sugat sa dila ay umaaot ng isang linggo ago ito humilom, makakaramdam ka din ng matinding sakit. Kadalasan ang sanhi ng pagkakasugat sa dila ay aksidenteng pagkakagat, o kaya napaso sa mainit na sabaw. Kung ang sugat sa dila na tumatagal ng mahigit dalawang lingg, ito ay isa sa mga sintomas ng “Oral Cancer”. Mainam na pumunta agad sa iyong doctor.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.