BAKIT NAGPAPANGGAP ANG BABAE NA NILABASAN NA HABANG NAKIKIPAGTALIK?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Maraming mga babae ang ginagamit ang sariling katawan para makuha ang gusto pagdating sa lalaki dahil alam nila ito ang kahinaan ng lalaki. Dito naisip ng mga babae na ang seks ay isa sa mga pangangailangan ng lalaki. At alam ng babae na ang pagpapalabas niya ng orgasms ay para sa kasiyahan ng asawa o kabiyak.

Lalo na sa panahon ngayon mas nakapukos ang babae para sa sariling kaligayan at pangangailangan. Minsan sinasabi nila sa kanilang kapareha “andito ako para sa sarili ko at andito ka para sa sarili mo”, sa maiksing salita makasarili. Madalas na hindi sangayon ang lalaki sa mga gusto ng babae na naging sanhi ng kawalan ng gana ng lalaki. Nakakaranas ng hirap sa pagpapalabas ang isang lalaki kung inabuso ito sekswal noong kabataan niya.

Nagfe-fake nga lang ba ang babae na nilalabasan na pagdating sa seks? Madalas nga na nagpapanggap lang ang babae sa siya ay nilabasan na. Ngunit ang mas mahalagang tanong ay: Bakit sila nagpapanggap? Narito ang mga kasagutan sa tanong.

Kasiyahan pagdating sa lalaki - Madalas sinasabi ng mga lalaki na kapag nakikita nilang nilalabasan ang kanilang kapareha sa seks ay mas lalong mabilis din silang labasan. Dahil gusto ng babae na maging masaya ang asawa o kasintahan, nagpapanggap na lamang ito na siya ay nilabasan na at para na din hindi mainsulto ang kapareha.

Masarap ang may challenge - Para sa ilang mga babae mas masarap kapag nakokontrol nila ang pagpapalabas sa lalaki, pakiramdam nila nasa kanila ang kapangyarihan. Sa ganitong challenge, gusto ng babae malaman kung paano niya kayang paikutin ang lalaki at kung gaano nito kayang patagalin ang pagpapalabas sa lalaki. Kahit ang katotohanan ay hindi nilabasan ang babae, ngunit masaya siya para sa asawang nilabasan.

Wala sa Kondisyon- Malungkot man sabihin pero totoong nangyayari. Minsan walang gana ang babae at pinagbibigyan lang ang kapareha. Para hindi maapakan ang ego ng lalaki magpapanggap ang babae para mabigyan ng kasiyahan ang kapareha.

Takot maging Tapat- Malaking presyur sa babae kung paano niya mapatunayan na seksi siya at magaling sa kanyang asawa. Maraming mga kalalakihan ang hindi alam na gusto ng mga babae makaramdam ng seguridad, komportable, panatag at handa na sa salitang seks bago pakipagtalik. Takot ang babae na sabihing kailangan niya ng sapat na oras. Takot din siya sa pwedeng mangyari pagdating sa pakikipagtalik at higit sa lahat takot siyang saktan ang kapareha na sabihin na hindi siya nalilibugan sa ginagawa nito sa kanya. Ang ganitong sitwasyon ay mahirap para sa babae lalo na kung kahit siya sa kayang sarili ay hindi alam ang gusto pagdating sa pakipagtalik. Mas lalong mahirapan ang babae kung ang dating karanasan niya ay hindi makatulong sa kanya.

Nakakaramdam ng sakit- May ibang tao na mas gustong nakakaramdam ng sakit habang nakikipag-sex, ngunit hindi lahat ng masakit ay masarap. Kapag ang babae ay nakakaramdam ng sakit at hindi komportable habang nakikipagtalik, maaring indikasyon nito na may mali sa ginagawa. Upang mabilis ng matapos nagpapanggap na lang ang babae upang mabilis na ding labasan ang kapareha sa kama.

Pagiging komportable- Sa bawat relasyon habang tumatagal ay nagiging komportable na ang isa’t isa hanggang wala na silang pakialam kung ano ang nagiging hitsura nila pisikal. Tamad na ding pumunta ng gym o di kaya mag-ayos ng sarili. Malaki ang epekto nito sa magkapareha dahil parehong nawawalan ng gana o pagnanasa. Kapag ang lalaki ay lasing nakakaramdam na ito ng init, at upang hindi masaktan ang lalaki nagkukunwari na lang na nilalabasan ang babae kahit na ang totoo ay hindi.

Iwas away o gulo- Isa sa mga dapat tandaan ng mag-asawa o magkasintahan ay huwag matulog na may sama ng loob o away sa kapareha. Madalas din nagpapanggap na gusto ng babae ang ginagawa ng asawa upang maiwasan nila ang pagtatalo.

References:

Mayo Clinic. (2018, April 19). Anorgasmia in women. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anorgasmia/symptoms-causes/syc-20369422

Kaighobadi, F., Shackelford, T., & Weekes-Shakelford, V. (2011, November 17). Do women pretend orgasm to retain a mate? Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3563256/

 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)