Good Habits ni Stephen Covey, Kailangan sa Ating Tagumpay

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Photo courtesy of: http://en.wikipedia.org/wiki/File:Stephen_Covey_2010.jpg

A positive attitude is important for a great many reasons. Nang pumanaw si Stephen Covey noong 2012, marami ang nakaalala sa isang taong nagbigay inspirasyon sa milyun-milyon. At dahil ito sa best selling inspirational book niyang : “The Seven Habits of Highly Effective People: Restoring the Character Ethic.” Bumenta ang librong ito ng 25 milyong kopya. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, iginiit ni Covey na nabigla siya dahil nais lamang niyang iparating ang di umano’y alam na ng marami tungkol sa pagiging effective ng tamang pag-uugali. Ganunpaman, ginamit ang librong ito ng higit sa 2/3 ng mga kumpanyang kabilang sa Fortune 500.

Ayon kay Covey, magiging matagumpay ang isang tao kapag taglay niya ang mga sumusunod na 7 effective good habits o pitong mga dapat makagawiang gawin.

Ang unang effective habit ay ang pagiging proactive. Ang pagiging proactive ayang pagkakaroon ng pagkukusang gawin ang isang bagay. Ang kabaliktaran nito sa wikang ingles ay ang pagiging reactive. Ano nga ba ang pagkaka-iba? Ang taong reactive ay naghihintay lamang na may mangyari sa kanyang buhay sa halip na gumawa nang may mangyari - na siyang katangian ng isang proactive. Isang magandang halimbawa ay si Juan “reactive” tamad na naghihintay na mahulog ang bayabas sa kanyang bibig nang may makain; di tulad ni Juan “proactive” masipag na kusang aakyatin o susungkitin ang bayabas para makain ito. Marahil angkop ang pagiging proactive sa maraming mga OFW dahil mahirap ang prosesong dinaraanan nila bago makuha ang dolyar sa ibang bansa na hindi nila makukuhang naghihintay lamang sa bahay na walang ginagawa.

Ang ikalawang effective habit ni Covey ay: “Begin with the end in mind.” Para sa ating mga Pilipino, maiuugnay natin ito sa salawikaing, “ Takbo ng takbo, wala namang tinutungo.” Sa madaling salita, bago magsimulang kumilos o gumawa, dapat alamin kung ano ang ating gustong mangyari o marating at nang hindi masayang ang ating oras. Kung halimbawa ay gusto nating magtrabaho abroad, kailangan planuhin kung anong gusto nating mangyayari. Magpapagawa ba tayo ng bahay? Magtatapos ba sa kolehiyo ang ating mga anak? Magiging isang manager ba tayo? Sa ganitong paraan masusukat natin ang ating tagumpay o progress patungo sa isang goal o end na binabanggit ni Covey.

Ang ikatlong effective habit ay “Put first things first.” Unahin ang mga dapat unahin. Prioritize. Kapag tayo ay nagtatatrabaho halimbawa, siguraduhin na ang ating kikitain ay mapupunta sa mga nararapat o kakailanganin at hindi doon sa gusto lamang natin. Kung may pera halimbawa, bagamat gusto nating magkaroon ng ipad o flat screen, alam natin na mas kailangan nating mag iimpok omag save para sa isang investment o sa iba pang kakailanganin ng ating mga anak sa kanilang pag-aaral. Ang mga usong ipad atbp appliances ay hindi dapat manguna sa ating mga prioridad.

Ikaapat na effective habit ay “Think win-win”. Dito pumapasok ang kasabihang. “there are two sides of a coin.” May mga pagkakataong dumarating sa ating buhay na tayo ay nalalagay sa kumpromiso. Halimbawa, gusto ng isang anak natin na bilhan siya ng sapatos, ngunit ang isa naman ay gustong magkaroon siya ng tshirt. Alam nating hindi natin kayang tustusan ang dalawa nang sabay. Sa isang win win situation maaring sabihin natin na uunahin muna ang sapatos at susunod na lang ang damit o vice versa, na nauunawaan ng ating mga anak at sila’y masaya sa ating desisyon.

Ikalimang effective habit ay, “ Seek first to understand, then to be understood.” Marahil hindi lingid sa ating kaalaman na ito rin ay hango sa dasal ng isang Santo na si Francis of Assisi : To be understood as to understand.Ipinapalagay ni Covey dito ang isang level ng ating maturity bilang tao. Noong tayo’y bata pa, umiiyak tayo upang mapansin at pagkatapos ay bibigyan ng candy upang tumahan. Ngunit bilang mga adults ang paghingi lamang ng pag-uunawa sa halip na umunawa ay pagiging KSP o kulang sa pansin, at gaya ng isang bata ay gusto palaging binibigyan ng candy imbes na siya ang mag bigay sa tuwi-tuwina. Sa workplace mas mainam kung tayo ay magbibigayan at mag-uunawaan. Kung minsan nagkakamali ang isang tao sa atin bunsod ng kanyang personal na problema sa ibang bagay at kung tayo ay umuunawa ay malalaman natin kung saan siya nanggagaling. Sa ganitong paraan maiiwasan ang mga maliliit na gulo.

Ang ika anim ay Synergize. Ang katagang ito ay hango sa dalawang salita: Synthesis o pag sasanib o union at energy na eherhiya o lakas. Pagsasanib ng dalawang enerhiya gaya ng pagsasanib ng mga galing at talino ng isang team sa trabaho para magkaroon ng teamwork. Ang isang planta ng auto ay gumagamit ng iba’t ibang synergy upang mas mapabilis at mapahusay ang paggawa ng isang kotse. Ganun din sa mga tao, lalo na sa mga mag-asawang kailangang magtulungan upang bumuti ang kanilang pamilya. Sa mag-asawang nagsasanib pwersa sa kanilang kita, plano, atbp. mas marami ang magagawa kaysa kung magkanya kanya lamang sila.

Ang ika-7 effective habit ay. “Sharpen the saw; that is, undergo frequent self-renewal.” Pinupunto dito ni S Covey na walang katapusan ang pag-aaral- learning is a lifelong process ika nga. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga managers o mga CEO’s ng mga kumpanya ay kumukuha pa rin ng kanilang MBA’s at MA’s atbpang magpapahasa o sharpen sa kanilang galing sa management o marketing atbp. Ang mga guro halimbawa ay nagkakaroon ng mga training seminars taon taon, ganun din ang mga salesmen upang malinang ang kanilang mga skills sa tuwi-tuwina. Sa isang hindi-materyal na aspeto naman, kinakailangan din madevelop ang ating spiritwal na pangangailangan at pag-unlad. Maraming mga kumpanya at organisasyon ang nagsasagawa ng mga yearly retreat upang magkaroon ng paglinang sa sarili na magdudulot ng self renewal. Para sa ating mga Pilipino, ang pagdarasal at pagsisikap upang mas gumanda ang ating buhay ay tumpak para sa ika-7 mabisang pag-uugali ni S Covey.

Hindi lamang sa libro ni S Covey ang kanyang 7 Habits. Bilang patunay na he walks his talk itinatag niya noong 1983 ang Covey Leadershop Center sa Provo Utah na sa kalaunan ay nakipag sanib pwersa kay Franklin Quest para maging Franklin Covey Company na matatagpuan sa higit 50 mga bansa. Kumita ng 160.8 milyong dolyar ang kumpanyang ito noong nakaraaang taon.

Iniwan ni Covey ang kanyang asawang si Sandra at siyam niyang mga anak; at higit sa 50 mga apo. Noong siya’y nabubuhay pa sinabi ni Covey na may kinalaman ang kanyang libing at tagumpay: “If you carefully consider what you want to be said of y0u in the funeral experience, you will find your definition of success.” Isang hitik na paliwanag tungkol sa ika 2 niyang habit na “begin with the end in mind”


<!--[if !supportLineBreakNewLine]-->

A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.

If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.

Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.

Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.

When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.

<!--[endif]-->

A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.