Kupit: Paano malalaman at maiiwasan ang ang mga kickback o pangungupit?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ano ba ang kickback schemes, puslit, lagay? Ito yung mga negosasyon para suhulan ang isang tao o grupo ng mga tao na gumawa ng kasinungalingan, pwedeng sa pera, serbisyo o mga mahahalagang pag-aari para sa pansariling pakinabang. Sa madaling salita, pagsisinungaling para sa sariling ikauunlad. Madaming ganyan sa ngayon. Pero paano ba makakaiwas at paano mo malalaman kung pwede kang mabiktima nito? Alamin mo muna ang ilang uri ng panloloko na yan.

Ginagamit na panuhol o lagay ng ilang opisyal ng gobyerno, mga consultant, mga nangongontrata at maraming pang iba ang mga sumusunod:

1. Mamahaling mga regalo, bayad na pagpasyal sa ibang bansa at mga “Loan” bayad man o hindi.

2. Mga prostitute para sa mga opisyal at inspektor.

3. Mga di umanoy legal na bayad o pasuweldo sa mga inspektor o kontraktor na dinodoktor para hindi mahalatang mga pekeng resibo at komisyon ang mga ito.

4. Mga itinatagong interes sa mga transaksyon.

Ang ilang uri ng panloloko eh yung tinatawag na corrupt influence. Para makatanggap ng mga parangal, maari nilang gamitin ang:

- Pag-abuso sa pribilehiyong magpalit ng mga order.

- Pag-aalis sa mga di-hamak na mas kwalipikadong mang-gagawa

- Pagmanipula sa listahan ng totoong nagastos.

- Hindi balanseng bid, pagbili ng mga di kinakailangan na kagamitan

Nagreresulta yan sa samutsaring korapsyon at pati yung mga may pagkakataon sana na kumita o magkatrabaho eh nawawalan ng tsansa. Mababang kalidad ng proyekto.

Ano ba ang pwede mong gawin para matukoy ang mga panlolokong ito bago ka pa maapektuhan?

- Wag na wag ipag walang bahala ang mga maliliit man o malalaking butas na napansin mo o mga reklamo sa proyekto. Mejo mahirap nga na imbestigahan ang mga sangkot sa proyekto pero mas di naman patas kung hindi mo bibigyang pansin ang posibleng butas o problema. Kausapin ang mga sangkot sa panunuhol gaya ng kontraktor, subkontraktor, suplayer, ahente o mga opisyal. Alamin mo kung patas ba ang pagtrato sa bawat isa. Baka may dapat na ma-penalty dahil sa pagmamalabis. Masyado bang naparami ang pagbabago ng order para sa proyekto? Maari mong isaalang-alang ang mga listahan sa itaas ng mga posibleng panunuhol na nagaganap. Icheck ang mga naunang dokumento o plano at ikumpara ito sa mga panibagong listahan. Regular mong gawin iyan. Hilingin ang sumusunod:

- Listahan ng mga bid at proposal na hiniling at na aprubahan

- Mga contract awards at Purchase Order

- Mga kalakip na emails, invoices at resibo

- Mga naudlot na deivery dates.

- Lahat ng pwede mong hilingin para sa imbestigasyon kung sakaling may kickback scheme o panloloko.

Hilingin din ang listahan ng mga kwalipikadong mangagawa, ang kanilang salary records, mga travel tours sa ibang bansa, business at personal na emails at I check din ang mga audit reports.

- Humingi ng tulong sa awtoridad kapag nagsasagawa ng imbestigasyon upang maiwasan ang di kinakailangan na mga argumento.

- Hanapin ang mga posibleng kwestiyonableng transaksyon na pwedeng pinagmulan o butas sa mga panunuhol na ginawa o pamamanipula sa mga gastusin. Tignan ang mga posibleng bayolasyon.

Interviewhin ang sino mang opisyal, inspektor o iba pang sangkot at hilingin sa kanila ang mga financial recods na hawak nila may kinalaman sa proyekto.

Tapusin ang kaso sa pamamagitan ng maingat na pag dudugtong dugtong ng mga ebidensya laban sa mga opisyal. Halimbawa: Mga di makatuwirang gastos o pasweldo ng manunuhol na natanggap ng sinuhulan na opisyal. Kung kailangan mong I-terminate o kanselahin ang kontrata, siguraduhin na may matibay kang saligan para gawin iyon. Palaging mag duplicate ng mga dokumento na nagpapatunay ng mga maling negosasyon na nagawa ng mga opisyal o kontraktor.


Di na talaga mapagkakatiwalaan ang ilan sa mga itinuturing na prominente sa lipunan kaya kailangan ang dobleng ingat. Nakatulong sana sayo ang artikulo na ito.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.