Madalas na Ginagamit na mga Palusot/Rason ng Anak/Estudyante sa Magulang kapag nasa labas

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang mga palusot ay madalas ginagawa ng mga anak mapababae man o lalaki. Kadalasan ginagamit itong palusot ng mga estudyante o mga nagdadalaga o nagbibinata pa lang, o mas kilala sa tawag na mga teenager. Mga magulang maging aware o huwag basta-basta maniwala agad sa mga rason ng mga estudyante na sa tingin niyo ay kahina-hinala ang kinikilos. Laging tandaan hindi masama ang maging mahigpit sa mga anak lalo na kung para sa kapakanan naman ang ginagawa.



1. Ang anak mo nagsabi na stranded siya at nagpatila ng ulan- Ha?ano kamo?ang sabihin niya hinatid niya ang girlfriend niya o nagpunta sa isang concert kaya ginabi siya.


2. Kapag ang anak naghinge na ng tuition fee na made in recto ang resibo- kick back ng 1000 to 10000, para lang yan sa girlette/guylette nila.Ang tibay mo!!maawa kana man sa magulang mo.


3. Kapag ang anak mo na sinasabi na busy sa school at may praktis ng sayaw- Tinatamad lng yan umuwi ng maaga, kaya nagdadahilan yan.


4. Kung nagpaalam ang anak mo na next week may field trip daw sila- Huh?akala ko ba wala ng field trip kapag college? Uso lang yan kapag elementary, ang sabihin mo, pupunta lang ng tagaytay kasama ang kasintahan.


5. Kapag ang anak mo ay may practice daw ng play sa bahay ng classmate niya- Kadalasan may practice nga na nanayayari pero tapos nun nasa sinehan na at inuman sa bahay ng classmate niya.


6. Humingi ang anak mo ng pera at kailangan para daw sa school project- Nag-iipon lang yan may nakita kasing magandang damit at make-up at kung ano ano pa.


7. Ang anak mo magpaalam na magpasama lang sa mall, sandali lang daw- Gaano kadali ang sandali? Nasa mall nga yan pero nasa malayong mall sa lugar niyo, kung minsan nasa tambayan yan.


8. Kung may dalang classmate ang anak niyo- Yon pala taga-pagpaalam sa inyo na mag-overnight sa bahay ng classmate, para lng makumpleto ang barkada.Tsaka para talaga mapayagan siya.


9. Kung nagtanong ang anak niyo kung may lakad kayo sa darating na linggo? Kasi hindi siya makakasama sa inyo- Gusto lang yan malaman ng anak niyo kung anung oras kayo aalis at uuwi, para pwedeng mag stay ang girlfriend/boyfriend niya sa bahay ng buong araw.


10. Hinihintay mo ang anak mo sa kanyang pagdating upang sabay kayong kumain, ngunit gabi o umaga na nang siya'y dumating. Nagkayayaan daw nang biglaan ang tropa- Wow!biglaang yayaan, paano kung may pattern na yung biglaan nila, biglaan pa ba iyon?


11. Kapag ang anak mo ay nagkausap at nagplano kayo na may pupuntahan, pero maya-maya nakita mo sa fb account niya na nasa Baguio na pala at imessage mo siya, ang sagot niya ay nagplano daw ng biglaan ang barkada niya- Agad-agad ang plano at pag-alis, ang layo ng biyahe dahil banda south kayo.


12. Nagpaalam ang anak mo na matulog sa classmate niya dahil may birthday daw- Wala naman talagang birthday nag-inuman o gumimik lang sila.


13. Kung magpaalam ang inyong anak na gagawa ng thesis o takdang aralin kaya kailangan mag-overnight- Huwag kayong maniwala, dahil kapag overnight yan magswimming lang yan kasama ng mga kabarkada para sigurado ka samahan mo kunwari. Ano pa kaya sabihin niya.


14. Kapag ang anak mo naman ay nagpaalam sayo na sisimba kasama daw kaibigan- Huwag maniwala agad. Baka naman makipagdate lang yan, dahil anniversary nila ng bf/gf. Para wala silang magawa magbihis ka at samahan mo magsimba. Tingnan mo kung ano ang magiging reaksyon.


15. Kung bumagsak sa exam ang anak mo, tapos sinabi niya na lahat naman daw bumagsak sila sa exam- Huwag paniwala! Imposible na yon. Tamad lang magreview ang anak mo. Para walang lusot, tawagan mo mga kaklase niya.


16. Kung ang iyong anak ay ginabi ng uwi, tapos yong dahilan niya ay may tinapos na project- Pero ang totoo pala ay gumala lang kasama ang mga kaibigan. Sabihin mo sa kanya na tanungin mo ang kanyang guro bukas. Nanlalambot yan sa kaba.


17. Kung pinapapatay muna sa anak mo ang computer, pero sabi ng anak mo gumagawa siya ng assignment- Hindi totoo yon, nakikipag-chat lang yan. Bantayan mo. Tumayo ka sa kanyang likuran.


18. Kapag sembreak, tapos nagpaalam ang anak mo na may events o practicum daw- Never ka maniwala. Sinasabi niya lang yan para bigyan mo siya ng pera.


19. Kapag umuulan at ang anak mo ay di papasok dahil mababasa at maputikan lang daw sila- Katamaran lang yan gustong-gusto nila na umuulan para may idadahilan sila. Sabihin muna lang na labhan mo kapag maputikan sila.



20. Kung sinabi ng anak mo na sobrang daming ginawa sa school kaya late siya umuwi- Iwasang maniwala agad. Lahat naman ng guro ay nagpapahomework na lang kung di natapos. Pumunta lang yan sa birthday ng kaibigan niya. Tingnan mo ang ginawa niya kung tapos na nga ba.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)