Madalas na Palusot ng Lalaking Babaero-Bolero sa Kanilang Nililigawan-Natitipuhang Babae

Precious Gomez
is in the Philippines

Sa mga babae na mabilis maniwala sa mga matatamis na dila ng asawa o kasintahan, mag-ingat dahil baka ginagawa na kayong bola ng partner niyo. Hindi masamang magtiwala at maniwala sa mga sinasabi ng mga lalaki ngunit laging tandaan maging mapagmatyag at marunong kumilatis.


1. Kapag ang boyfriend mo sinasabi sayo text ka na lang daw mamaya at may gagawin lang siya- Ang dami niyang ginawa. Nilinis yata ang buong bahay nila at pati ang bahay ng kapitbahay nila. At dahil sa sobrang sipag niya kaya hindi kana niya naalala.

2. Kung ang lalaki na umiiwas sayo at di makuntento- Naku! Hayaan mo siya. Tandaan mo tao ka hindi aso.

3. Kung ang mga lalaki sinasabi sayo na kaya kang panindigan- Aba Naman!lahat naman ng lalaki sinasabi yan. Ikaw naman si kilig-kilig na agad. Kala mo totoo na.

4. Kapag ang lalaking nagpapaasa sayo na ikaw lang mahal niya- Huwag munang assuming ha? Baka ikaw lang itong asa-asa. Yon pala iba na ang gusto niya.

5. Kapag sinasabi sayo ng boyfriend mo na siya ay nagbago na- Baka naman ibig niyang sabihin pabago-bago ng babae. Sige kayo, nandiyan si KARMA.

6. Kung ang lalake nagsabi sayo tawagan ka na lang mamaya, kasi may meeting pa daw siya- Ikaw naman si OO AGAD, pero nasaan na yong mamaya na sinasabi niya sa'yo? Yung mamaya ay nakalimutan na niya.

7. Kapag ang lalake nag-sasabi lowbat daw siya di kaya magcharge lang siya, pero di nna nagparamdam buong araw- Baka naman yung charger niya lang talaga ang slow kaya kinabukasan ka na niya naalala.

8. Wala akong load di kaya sinasabi niya magpapaload lang siya- As usual alibi niya lang yun. Ikaw naman si hintay. Siguro naligaw hindi na siya nakauwi ng bahay nila o kaya busy lang yan sa iba.

9. Iidlip lang daw siya- Ito ang masaklap, napasarap siya ng tulog at hindi na nagising.


10. Kapag sinasabi ng lalake na busy siya- Walong oras lang naman ang common working hours dito sa Pilipinas, di ba? At may two days na rest day naman. Bakit dati nagagawa niya isingit ka sa busy schedule niya? Bakit ngayon ay himdi na? Anyare??

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)