Sabi nga nila, “mahirap kung minsan ang buhay, pero masarap mabuhay”. Mapalad na yung mabuhay ka ng 70 o 80. Kung nagbabasa ka ng bibiliya at mas malapit sa Diyos, iniisip nila na mas hahaba ang buhay mo.
Pero habang tumatagal, mas tumataas ang average ng pwedeng itagal ng buhay ng isang tao. Aba magandang balita talaga yan. Sa ibang mga bansa, mas pahaba ng pahaba ng buhay ng tao. Pero pwede ba talagang malaman kung gaano katagal ka pwedeng mabuhay? Kung may mga paraan, maasahan ba naman? Heto ang iniisip na paraan ng karamihan:
- May mga nagsasabi na ang edad na madalas namamatay ang isang tao ay kapag may numerong 7 sa edad. Pero bihira lang ang naniniwala jan. Sabi naman ng ilang eksperto, makahulugan ang edad na 64. Ibinase nila yan kay Charles Wales ng England. Nang mamatay siya, 31% ng mga bata ang namatay bago sila mag 16 anyos pero kung nabuhay ka naman, 50% na pwedeng umabot ka ng 64anyos.
- Iniisip naman ng iba, na depende yan sa lifestyle o yung paraan mo ng pamumuhay araw araw. Posible din naman. May mga test gaya ng Alabaris Life Expectancy Test ang sinusubukan ng iba para malaman kung hanggang kailan sila mabubuhay. Pwedeng depende sa kinakain mo o sa trabaho mo. Pwede ring dahil sa kulay ng balat , timbang, kung kailan ka nagretire sa trabaho o kung ilan ang naging asawa mo. Kung ano-ano ang itatanong sayo pero hindi pa din makasigurado ang iba sa resulta nito. Baka kahit ikaw ay magduda kung maasahan ba talaga ang mga ganong test.
- Baka narinig mo na din yung mga sumusubok sa manghuhula o fengshui expert. Nakadepende daw yan sa horoscope o kapalaran mo. Iniisip din naman ng iba na ang mga pang-globong pangyayari ang isa sa nakaka apekto sa haba ng buhay ng isang tao. Ang totoo, nasa 7 bilyon na ang mga tao sa mundo at mas padami pa ng padami. Ibinabase din nila ng itatagal ng buhay ng isang tao sa dami ng tao sa pangkalahatan. Baka may punto nga naman. Kung nagbabasa ka naman ng bibliya, sa Aklat ng mga Awit, sinabi don na mapalad ang isnag tao kung aabot siya ng 70 o 80. Mukang may punto din. Syempre, mas alam ng Diyos na gumawa sa atin kung gaano ba tayo tatagal sa mundo. At kahit matagal na itong naisulat, totoo pa din ito hanggang sa ngayon.
Anoman ang paraan na sinasabi nila, nasa sayo naman talaga ang itatagal ng buhay mo. Ayon sa pagsusuri sa US, baka sa 2050, nasa 60 Billion na ang bilang ng tao, at siguradong mas madami ang kabataan kapag nangyari yon. Walang makakapagsabi na sinomang tao na laging eksaktong eksakto. Ang mas mahalaga sa ngayon, gawin mo kung ano ang ikakabuti mo para mas humaba ang buhay mo. Mas mahalaga yon kaysa pag iisip kung kelan ka mamatay.Diba’t mas mageenjoy ka sa buhay kung susulitin mo ang pagkakataon na makasama ang mga mahal mo sa buhay, mag aadventure, o susubok sa kakaibang karanasan?