Mga Sekreto sa Pagiging Masaya at Matibay na Samahan ng Mag-asawa

Precious Gomez
is in the Philippines

bed scenescandal husband wife couplematibay pagsasamamainit sa kama
Sa panahon ngayon marami na ang mga mag-asawang naghihiwalay sapagkat hindi na naging malaking usapin ang hiwalayan. Sa mag-asawa kinakailangang magtulungan upang hindi mawala ang matamis na pagtitinginan at hindi mapalitan ng kasawaan. Kung gusto mong tumagal ang inyong relasyon kailangan may mga ganito kayong katangian.

Respeto- Sa bawat mag-asawa o magkasintahan mahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa. Kapag sinabing respesto nangangahulugan ng pagkilala sa kahalagahan ng sarili. Sa paggalang sa kabiyak maiiwasan ang galit, paninibugho at kalupitan. At kung may galang sa sarili maiwasan ang pagkaramdam ng takot, pagkamakasarili at kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Pagkaroon ng respeto sa sarili at partner ay dito bumubuo ang tibay ng samahan, tagal at pagsuporta sa bawat isa.

Positibo- Sa lahat ng bagay mapanegatibo man o positibo ang dumadating sa buhay mahalaga ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip. Naiiwasan ang mga matitinding away. Sa pagiging positibo, nagkakaroon ng mahabang pasensya. Nakokontrol ang emosyon kagaya ng galit at pananakit pisikal.

Tapat- Walang tumatagal na relasyon sa isang panay kasinungalingan. Napakahalaga ag pagkakaroon ng tapat hindi lang sa pambabae o panlalaki ng kabiyak kundi pati sa mga maliliit na bagay. Ang pagiging matapat sa isat isa ay lalong tumitibay ang tiwala ng bawat isa.

Espasyo o oras sa sarili- Kalimitan pagdating sa mag-asawa andoon na ang sobrang higpit sa asawa na maari ng masakal ito. Paminsan minsan mas maganda na pahintulutan ang asawa sa pakikipaghalubilo sa mga kasamahan sa trabaho o sa mga kaibigan. Laging tandaan ang asawa ay tao din at hindi aso na kailangan nakatali na lang para hindi makawala sa paningin mo. Mahalaga ang pagbibigay ng space sa asawa upang sa konting paglayo sa bawat isa ay makakaramdam na kayo ng pagkasabik. Isaisip na mahalagang makalanghap din ng sariwang hangin ang kabiyak upang maiwasan ang stress ngunit ang paglanghap ng sariwang hangin ay mapunta sa mga out of town, siguro mag-isip isip na din.
sekreto sa magasawang matibay na relasyonforeversekreto ng asawa sa kama
Pagpapahayag- Kung nagmamahalan kayo sa isat-isa mahalagang magpahayag ng mga nararamdaman. Hindi maiwasan minsan nagkakaroon ng hindi pagkakaintidihan at napupunta sa samaan ng loob. Habang maaga pa lang mas makakabuting mag-usap ang magasawa at magsabi ng mga saloobin. Kapag galit, nagtatampo sa wife o husband sabihin mo kaagad, dahil walang magandang maidudulot ang pagtatago ng sekreto. Sa agarang pagpahayag ng nararamdaman negative man o positibo makakatulong ito sa mahabang pagsasama.

Lumikha ng Alaala- Isa sa mga mabisang paraan ang paggawa ng alaala kasama ang partner sa buhay, pero siyempre mga magagandang alaala lamang. Minsan magandang tumitingin ng mga dating litrato lalo na ang mga dating eksenang magkasamang nagbabakasyon o mga bagong pagsasama. Sa pamamagita nito bumabalik ang matamis na samahan at umiigting na pagmamahalan.

Pantaseryeng pamumuhay- Tumitibay din ang samahan kung paminsan minsan gumastos para sa pagkain sa labas. Mabisang paraan din ang mga kakaibang eksena kagaya ng mga candle dinner, breakfast in bed, dinner na may nagigitara sa harapan. Huwag ikulong ang inyong sarili sa araw-araw na pangkaraniwang gawain.

Tulungan- Hindi maaring mag-isa lang ang kumikilos sa bawat problemang dadaan. Importateng nagtutulungan ang mag-asawa, Mapafinacial man o hindi. Sa lahat ng pagsubok na darating huwag suluhin ang problema, magkasamang harapin upang mabilis ang sulosyon. Mas marami mas magaan.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)