PAANO MAGING SWEET O MALAMBING SA ASAWA O KASINTAHAN -How to be sweet and romantic to your husband, wife, fiance

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang pagsasama ng mag asawa o kasintahan ay kailangan ng lambingan. Kapag ikaw na babae o lalaki ay hindi marunong maging sweet sa kasama, ngayon pa lang kinakailangan mo nang baguhin ang pag-uugali. Malaking tulong sa relasyon ang pagiging malambing sa isa’t isa dahil mas lalong lalalim ang samahan higit sa lahat maiiwasan din ang pambabae o panlalaki ng partner mo. One of the most important aspects of a relationship is the ability for both partners to look for new ways to keep each other happy all the time.


1. Paggising sa umaga – Tuwing umaga paggising na paggising huwag kalimutang yakapin ng mahigpit ang asawa. Iparamdam dito kung gaanu mo sya kamahal at kung gaanu ka kaswerte sa kanya. Halikan mo ang partner mo at sabihin kung gaanu mo sya kamahal, huwag kalimutang sabihin ang “ I Love You”.


2. Laging presko at mabango – Siguraduhin na kapag lalapit sa’yo ang asawa ay lagi kang presko at mabango para kapag mapansin ka ay hindi makakapigil na yakapin at halikan ka. Isa sa mga kahinaan ng tao ang pagiging mabango kaya siguraduhin na mabango at hindi matapang ang ginamit na pabango. Magsuot din ng mga damit na alam mong magugustuhan ng asawa.


3. Magbigay ng espesyal na oras – Magbigay lagi ng espesyal na oras sa asawa, halimbawa nakita mong nanunuod ng tv ang asawa bigyan mo ito ng maiinum at makain. Umupo ka sa tabi nya at hawakan ang kamay ng may pagmamahal. Maging Masaya sa panunuod kasama ng asawa at iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsandal ng ‘yong ulo sa balikat nya o pagyakap dito. Magkwento din ng mga plano at gusto sa hinaharap, huwag mahiyang magsabi ng mga pangarap sa asawa.


4. Pagtrato bilang hari o reyna sa kabiyak – Ang asawa ay karapat-dapat na tratuhing hari o reyna. Reyna para sa babae dahil sila ang ilaw ng tahanan at katuwang ng lalaki sa buhay. Hari naman sa lalaki dahil sya ang haligi ng tahanan. Kailangan din ng respeto at pag galang sa bawat isa.


5. Maasikaso – Importante din ang pagiging maasikaso sa partner lalong lalo na ang mga babae. Maging malambing sa asawa sa pamamagitan ng paghahanda ng kanyang bihisan at underwear, pagplantsa ng damit. Huwag iasa lahat sa katulong ang pangangailangan ng asawa, hands-on ka dapat sa pag aalaga sa asawa. Kapag may okasyon huwag kalimutan ang magbigay ng regalo, kung kapos sa pera maging creative gaya ng pagsulat ng love letter.


6. Iwasang umangil – May mga tao na sinisimulan nila ang umagang nagtatalak sa loob ng bahay, madalas ang mga babae ang gumagawa nito sa umaga. Ginagawang almusal ng kanilang asawa, ito ang pinakamasamang habit na kailangang baguhin. Kapag may problema o may maling nagawa ang asawa, kausapin ito ng masinsinan. Huwag idaan sa init ng ulo bagkus maging malambing pa din sa asawa sa pamamagitan ng paghawak ng kamay dito, upang iparamdam sa partner na andyan ka para sa kanya kahit anong mangyari.


7. Maging sweet sa tawagan – Maganda kung napag-usapan nyo ang tawagan sa isa’t isa, masarap pakinggan kung tawagin mo ang asawa sa honey,sweetheart,babes etc. Kesa tawagin mo lang ito sa kanyang pangalan.


8. Pagpadala ng sweet messages – Araw araw nagkikita at magkasama kayo sa bahay pero huwag pa din kalimutan na magtext sa asawa kapag nasa trabaho ito. Mag-send ng mga malalambing na salita gaya ng “ingat”, “I Love You”, “kumain ng tamang oras”, “miss Kita” at marami pang iba. Maganda din na nag-uusap sa telepono kapag lunch time o libre ito. Hindi kailangang mag usap kung may emergency lang, kahit walang importanteng sasabihin mahalaga din na nag uusap.


9. Pag-uwi galing trabaho – Nasa pinto pa lamang salubungin ang asawa ng halik at pagsabi ng “I Love You”, masahiin ang asawa habang kayo ay nag-uusap para matanggal ang pagod nito. Lalo na ang mga lalaki masahiin o kamutin ng dahan-dahan ang likod ng asawa. Magdala ng pasalubong para sa asawa, siguraduhing paborito nya ito.


10. Pagsama sa asawa – Hindi lahat ng gusto ng asawa mo ay gusto mo rin, para mapagbigyan mo sya at maging sweet ka sa kanya, samahan mo sya sa gusto nito. Halimbawa na lang para sa lalaki ang panunuod ng basketbol, pagjogging nito tuwing umaga. Halimbawa naman para sa babae, ang pagpunta sa parlor, panunuod ng movie na nakakaiyak. Kailangan mong makisama sa asawa at mapagbigyan mo ang hilig nito.


11. Pag gugol ng oras sa pamilya – Lalong tumibay ang relasyon at maging malambing ka kapag may oras ka para sa pamilya ng ‘yong asawa. Kailangan mong mahalin ang pamilya nito gaya ng pagmamahal mo sa kanya.


12. Pagpapahinga – Kapag nasa bahay at kapwa walang trabaho, isa sa mga lambingan ng asawa ay ang pag-idlip na magkatabi, subukan ng babae na umunan sa braso ng lalaki. Mas masarap magpahinga kung katabi mo ang taong mahal mo.


13. Mag-bonding – Magandang paraan din ng paglalambingan kung pumunta kayo para mag piknik kasama ang buong pamilya. Magdala ng mga pagkaing kapwa paborito ng lahat, siguraduhin ding kumpleto ang mga gamit na gagamitin sa pagpunta ng park. Maglakad-lakad kasama ng asawa, huwag kalimutang maghawak kamay. Kahit saang lugar kayo naroon, magandang magkahawak kamay ang isa’t isa. Ang pagpunta ng mall para manuod ng paborito nyong palabas ay isa ding magandang gawin ng mag-asawa o mag kasintahan.


14. Paglagay ng litrato – Isa sa mga malambing na ginawa ng kapwa mag asawa ay ang paglagay ng litrato sa kanilang mga wallet o pitaka. Maaring mag isa lang sya sa litrato o magkasama kayo. Isa ito sa simpleng paraan na ikakatuwa ng ‘yong asawa.


15. Pagluto – Mag isip ng mga bagong recipe na sa tingin mo ay magugustuhan ng asawa. Lagi ding magluto ng mga paborito nito. Maganda din minsan gumamit ng isang plato habang kumakain at pagsusubuan sa bahay man o sa mataong lugar ay isa din sa mga nagpapakita ng pagiging malambing.


16. Paglagay ng pabango – Maganda din sa mag asawa kung nilalagyan nila pareho ng pabango ang kanya kanyang unan. Sa pamamagitan nito lagi kang iisipin ng kasintahan o asawa mo , kahit sa kanyang panaginip kasa kasama ka nya.


17. Magkwento tungkol sa panaginip – Masama man o maganda ang panaginip, maiging ikwento ito sa kabiyak. Laging magkwento, maliit man o malaking bagay ang napanaginipan.


18. Ipasyal ang asawa – Magiging sweet ka din sa asawa kung ipapakita mo sa kanya ang mga paboritong lugar noong bata ka. Gaya ng Zoo, Amusement park , beaches, mall at kung anu-ano pa, kung saan naging Masaya ka ng panahon na yon at ibahagi mo ito sa asawa.


19. Make love o pagtatalik – Kapag nagtatalik laging mag “ I Love You” sa asawa, Ipapakita ang lambing sa asawa sa pamamagitan ng pagkilos ng dahan dahan at hindi nagmamadaling matapos. Sabihin mo din sa kanya ang sarap na nararamdaman ng may pagmamahal, kahit matagal na kayo mahalaga pa ding ipakita mo dito ang respeto mo sa kanya.


20. Bago matulog – Sa pagtulog huwag kalimutang humalik sa asawa at mag sabi ng “good night” at “ I Love You”. Iwasan ang pagtalikod sa asawa, kung maari dapat nakayakap ka dito o magkahawak kamay, laging iparamdam ang init ng pagmamahal mo.
(Last reviewed: 26 March 2019)


References:

Davis, J.L. (2006, May 30). Want a happy marriage? Be nice, don’t nitpick. Retrieved from https://www.webmd.com/sex-relationships/features/happy-marriage-no-nitpicking#1

American Psychological Association. (n.d.). Happy couples: How to keep your relationship healthy. Retrieved from https://www.apa.org/helpcenter/healthy-relationships

 

 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
One of the most important aspects of a relationship is the ability for both partners to look for new ways to keep each other happy all the time. You can hide romantic notes around the house, such as in his bag, wallet or car. Be genuine and tell him about what you like about him, sexually, physically and mentally. Hold their hand and rub your thumb over their thumb slowly. Have slow, full, meaningful hugs, or more like holding. Send his mom flowers or help her clean up after a meal and you'll be sure to get pogi points. Always make your partner feel that he or she is free to confide in you whenever they want to. Always tell her how pretty or beautiful she looks. Find out his/her favorite cologne and wear it every time you're together. Meet at a park or the beach, and go for a walk together. Learn to say sweet things in foreign languages. Go to church/pray/worship together. Get the family members to love you and he'll be looking at you with a renewed sense of appreciation. Watch the sunset together. When in public, only flirt with each other. Walk in the rain. Hold hands. Compliment her on something you know she has been working hard on, even if you have to lie a little. If you want to make your boyfriend happy, learn to give him his space. Men need some time off every day just to be by themselves. Have faith in your boyfriend and let him know you trust him. When a man knows his woman trusts him, he gets more attached to her and takes more initiatives to keep her happy. Even if you are really busy doing something, go out of your way to call and say I love you.