NAGLAHO: PAANO MAKALIMOT, MAG MOVE ON O GET OVER SA EX BOYFRIEND OR GIRLFRIEND MO? STARTING OVER AGAIN and mending broken heart tips

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ay ang paghihiwalay ninyo ng taong mahal mo o kasintahan, lalong-lalo na kapag first love mo. Recovering from Paano nga ba bumalik sa normal ang buhay ng isang tao kapag nawala ang lalaki/babae na minsan naging parte ng kanyang buhay?


10 PARAAN UPANG MAKALIMOT SA BIGO NA PAG-IBIG (Healing a broken heart)

1. Pagtanggap ng sakit - Kahit gaanu kasakit ang nararamdaman kailangan mong tanggapin, dahil ang totoo hinding hindi mo kayang iwasan ang katotohanan. Wala tayong magagawa kundi harapin ito. Kapag nasaktan ka sa paghihiwalay ng kasintahan nangangahulugan lamang na mahal mo siya. Kadalasan ang problema sa tao kapag bigo, paulit-ulit ang pag-iisip sa nangyaring hiwalayan. Kailangang makalimutan mo ang ngyaring masakit sa buhay upang makapag move-on ng tuluyan. It is important to put the pain behind you and move forward with your life and love. Otherwise, you are giving away your power to the people who hurt you. 

2. Pag-iwas sa mga nakaugalian - Kailangan mong kalimutan ang mga bagay na nagpapaalala sa ex boyfriend / ex girlfriend o dating mahal mo. Gaya ng pagpatay ng music na nagpapaalala sa dating kasintahan. Baguhin ang ayos ng bahay , pag-iba ng posisyon ng mga upuan sa sala at mga appliances. Ang point ng pagbago ng lifestyle mo ay upang mapabilis ang recovery mo sa puso mong sugatan. Kung kailangan palitan ang brand ng shampoo, palitan mo. Higit sa lahat burahin ang number ng ex mo sa cellphone mo. Hindi bukas, hindi mamaya kundi ngayon mo na gawin. Take this opportunity to try something new – go back to school, learn a new language, travel to another place or country, enrol in an art class, a book club, start writing a blog – to program your mind and body to expect a fresh beginning – without him/her.

3. Baguhin ang iyong mga saloobin – Pagdating sa relasyon baguhin ang nasa isip, iwasang isipin na ang pagkabigo ay katapusan na ng kaligayahan mo sa buhay. Instead, isipin lamang na isang pagsubok sa buhay mo at tingnan din ito bilang isang pagkakataon upang tumibay pa ang sarili. Sometimes you can't get over being hurt until you know you've been heard. Give yourself permission to express your anger and sadness.

4. Maging positibo sa nakaraan – Sa tuwing naiisip ang dating kabiyak, subukang kontrolin ang nasa utak. Hangga’t maari ikaw mismo ang magdidikta sa utak mo kung anu ang dapat mong isipin. Maging positibo ka sa nakaraan mo, gaya ng pag-isip mo na hindi kayo para sa isa’t-isa, at na may mas higit pa na darating sa buhay mo. Take a walk or call someone who's having difficulty and try to think of them instead of yourself. Learn to trust again. Whenever you get involved in a relationship, you know there's a risk. Don't let a bad experience keep you from living your life to the fullest. You can go through life suspicious, or loving and laughing.

5. Harapin ang problema – Isulat sa papel ang dahilan kung paano ka na-inlove sa ex mo (at least five). Gumawa ng picture sa utak ng nilista mo na unang dahilan, make it small. Burahin mo ang kulay ng imahe na iniisip mo, upang maging black and white, then make it transparent. Hanggang tuluyan ng mawala sa utak mo. Gawin mo ito sa apat mo pa na naitala. Sa ganitong paraan unti-unti mo makalimutan ang mga bagay na nagpa-inlove sayo sa kanya. Makakatulong din kung iisipin mo ang mga negative na ugali o kilos ng ex mo. Take a walk or call someone who's having difficulty and try to think of them instead of yourself.

6. Pag-intindi sa damdamin – Mawawala ang sakit ng damdamin kapag nakita mo na ang kasagutan dito, matitiis mo ang sakit at mabilis lumimot kapag tanggap mo ang iyong pagkabigo. This can be hard, dahil halo-halo ang nararamdaman mo; takot, galit at kahihiyan. Ngunit kailangan mong bumangon, huwag kang magmukmok sa isang tabi at padadaig sa puso mong sugatan.

7. Humanap ng bagong pag-ibig – Mabilis din ang pag move-on kapag naniniwala ka at bukas ang isip mo sa bagong pag-ibig na darating. Huwag kang patali sa emosyon mo na mahirap ka nang makakita ng tunay na pag-ibig, dahil malaki ang chance mo na makahanap sa dami ba naman ng tao sa mundo. Pero siguraduhin real love ito at hindi panakip bukas lamang.

8. Go out with friends – Malaki din ang maitutulong ng mga kaibigan sa pamamagitan ng paglabas. Humingi ng advice sa kaibigan o magkwento sa nangyari upang makita ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay. Mas masarap at magaan sa damdamin kung may sinabihan ng pagkabigo,huwag mahiyang lumapit sa kaibigan o pamilya.

9. Huwag matakot umiyak – Mapalalaki man o babae walang masama ang pag-iyak kapag na broken hearted. Hindi bakla ang pagiyak pagdating sa mga lalaki o hindi kabawasan ng pogi points. Walang masama din ang pag-inom ng alak sa paraan ng paglimot basta hindi sobra, ngunit kung kayang iwasan at ituon sa iba ang atensyon gaya ng paglalaro ng sports na kinahihiligan. Makakatulong din ang pagsali sa mga activities ng simbahan, dahil makakahanap ka ng bagong kaibigan.

10. Begin or start a new life – Maari mo na lamang isipin na ang pagkabigo ay malaking leksyon sa buhay mo. Nakita mo na ang mga dapat gawin at hindi, kapag ready kana sa relasyon. Maging bukas ang puso sa mga date na nagyayaya sayo o sa mga nirereto ng mga kaibigan mo. Maging positive sa hinaharap sa isip, puso at kahit sa panlabas na anyo sa pamamagitan ng pagiging masayahin.

Hindi madali matutunan kung paano maka move on sa ex o dating minamahal. Minsan kailangan natin tanggapin na hindi siguro kayo para sa isa't isa, para mas madaling mag move on at get over, at nang makapag simula ng bagong buhay. The more you have loved and have allowed yourself to suffer because of your love, the more you will be able to let your heart grow wider and deeper. Accept that you will have to go through some pain. It is an unavoidable truth that if you loved enough to be heartbroken, you have to experience some suffering. Hope is believing that the sadness can evaporate, that if you try like hell to move on with your life, your smile won’t always be forced. Makakatulong itong mga paraan sa paglimot mo sa dati mong kasintahan/ dyowa, syota, o asawa at mag-start over again.

References:
Vujeya, H.M. & Furman, W. (2011, January). Depressive Symptoms and Romantic Relationship Qualities from Adolescence through Emerging Adulthood: A Longitudinal Examination of InfluencesRetrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3021789/

2 person likes this
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
SALAMAT PO SANA po sa pagbasa ko nito unti kung makalimutan ang 14 moths boyfriend ko na sa akal koy sya na at umikot na po buhay ko sa kanya, kanina lang po kami naghiwalay nabigla po ako kasi po pagod na po daw siya sa akin ni hindi ko alam san siya napagod, ang sakit talaga! san makaya ko paglayo niya:(
Tanya Monica
is in United Arab Emirates
ask ko lng po e paano nman po kung yung taong mahal ko after nmin mag hiwalay hinihiling sa akin na sana manatili prin kming mag kaibigan andyan daw siya everytime i need help he can be there always for me. ako lng kc mag isa dito wla ang pamilya ko prng siya na nging sandalan ko sa lahat ng bagay lalo na pag may problema ako lagi siya may advice at na so-solve mga problema ko.. gustuhin ko man iblock siya sa lahat kaya lng ngagalit siya pinag iisipan ako ng masama kesyu daw meron na kong iba kaya daw ginagawa ko yun sa mga message niya pag na ngangamusta hndi ko rin maiwasan hndi replyan

ano po ba dpat gawin|..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi gusto ko lang po mag share ng experience ko sa inattendan ko na seminar libre po sya at talagang maraming matutunan tungkol sa <a href="http://www.learntotrade.com.ph">Forex trading</a> dito sa pilipinas. Kahit sa maliit na investment lang po ay malaki na ang maari nyong kitain dahil matututo po kayo kung paano din maging successful sa larangan ng forex trading dito sa ating bansa.