Paano matanggal kaba sa harap ng maraming tao, mawala hiya sa manunuod?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Paano maalis ang takot na mag-salita sa publiko?

Naiisip mo palang ba na mag-sasalita ka sa harap ng madaming tao eh kinakabahan ka na? Karaniwan na ang phobia na yan. Kailangan mong magsalita sa maramaing tao kung ang trabaho mo eh sales agent o naghaharap ka ng kahit anong produkto o serbisyo.

Paano matanggal kaba sa harap ng maraming tao, mawala hiya sa manunuod

Ang totoo, hindi naman sa wala kang kakayahan o hindi mo alam ang sasabihin kaya hindi ka makapagsalita. Ang totoong dahilan, natatakot ka. Madami ang nagpapawis, nanginginig ang boses o kamay sa tuwing haharap sa maraming tao. Kung nakasalalay sa ganito ang trabaho mo, problema nga yan. Kaya baka iwasan mo na ang mga ganong sitwasyon. Pero sa tamang paghahanda, matatalo mo ang takot na yan. Heto ang ilang paraan:

-Alisin ang mga alinlangan mo sa isip mo. Hindi pa man nagsisimula, iniisip mo na: Paano kung magkalat lang ako?, Paano na kung makalimutan ko yung sasabihin ko at pagtawanan ng mga audience? Kung ganito ka lagi, para ka lang nagtatapon ng gasolina sa nasusunog na kwarto. Paltan mo ng positibo yung mga negatibong naiisip mo. Ang itanong mo sa sarili mo: Ano kayang bonus ang matatanggap ko kapag nagawa ko to ng maayos?.

-Pag-aralan mong mabuti kung ano ang topic mo, hindi ang sasabihin mo. Kung kakabisaduhin mo lang lahat, baka nga may makalimutan ka. Pero kung alam mo yung topic mo, kahit mag-paikot-ikot pa yan, hindi ka mag-kakamali. Isipin mo kung ano ba yung mga posibleng itanong ng audience sayo at ihanda na agad ang isasagot mo.

-Maging organisado o maayos. Kung gagamit ka ng audio o kahit ano pang props, ihanda na bago ang pahayag mo. Kapag mas handa ka, mas hindi ka kakabahan. Baka pwede mong palaging bisitahin yung lugar na pag-sasalitaan mo para makita mo agad kung paano aayusin ang posibleng problema.

-Praktis, praktis at praktis hanggat may panahon pa. Baka nagiging ugali mo yung pagpapaliban-liban. Problema yan! Kaya ngayon palang, alisin mo na yung ganong ugali. Magpraktis ka sa harap ng mga taong komportable ka at humingi ng payo sa kanila. O kaya, i-video mo ang sarili mo at tignan mo kung ano pa yung pwede mong ayusin at baguhin.

-Ayon sa Harvard Business School, kung papraktisin mo ang tamang tindig at tayo ng kahit ilang minuto bago mag-simula, magiging natural nalang ito sayo kapag nakaharap ka na sa ibang tao.

-Kung gagamit ka ng slides, kabisaduhin ang pagkakasunod-sunod. Kapag kabisao mo yan, mas magmumukha kang organisado at may-kontrol sa ginagawa mo. Makikita ng mga audience mo na alam na alam mo ang ginagawa mo. Pwede mong pasabikin sila sa susunod na slide.

-Maghanap ng back-up. Mas hindi ka kakabahan kung may mga katulong ka, hindi man sa pagsasalita, kahit sa pag-aayos ng mga problema na pwedeng mangyari habang nag-sasalita ka.

- Huminga ng malalim at isipin na magtatagumpay ka. Iyan ang imaginin mo.

-Huwag matakot kung sakaling maging tahimik ang audience mo. Natural lang yan. Kung magkamali ka man, huwag matakot. Para sa susunod, alam na alam mo na ang gagawin.

-Kung sakabila ng lahat ng pag-sisikap mo eh hindi mo padin maalis ang takot, baka kailangan mong humingi ng tulong sa mga propesyonal. Huwag kang mahiya. Baka iyan na talaga ang solusyon sa matagal mo ng problema. Pwede kang bigyan ng mga doktor ng gamot na tutuulong sayong maging kalmado.


Hindi naman talaga madali kung iisipin, pero madami na ang naka-alis ng takot na yan. Ngayon, kumpyansang-kumpyansa na sila sa pagharap sa maraming tao. Sana, nakatulong sayo ang artikulo na ito.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.