Paano mo ba makilatis o malalaman kung masama ugali ng isang tao?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Paano pagkilatis sa taong masama

Hindi lahat ng tao eh pwedeng maging palaging mabait, magalang o matapat sa lahat ng pagkakataon. Wala naman kasing perpekto. Pero madaming tao ang kayang kayang itago ang tunay na pagkatao nila kapag nakaharap sa maraming tao.

Baka nga makipagdate ka sa isang tao na akala mo eh sobrang bait pero magugulat ka nalang sa huli kasi masahol pa siya sa naiisip mo. Masama naman talagang mang-husga ng kapuwa. Pero ano ba yung mga pwede mong gawin o mga palatandaan na may itinatagong di magandang ugali ang isang tao? Tignan ang sumusunod at ikumpara ang mga tao sa paligid mo. Pero wag naman masyadong maging “OA” sa pag-iisip.

- Masaya sila kapag may ibang tao na nalulungkot o namomroblema. Pinagtatawanan nila yung mga pagkakamali ng iba o enjoy na enjoy nila kapag may napapahiya. Baka sa halip na tulungan ang iba, mas lalo pa nilang pinapasama ang loob nito. O di kaya, gustong gutso nilang manonood ng mga masasamang balita sa TV. Sabi nga nila, masyadong “judgemental”. Nagagawa naman talaga natin yan minsan, pero ibang usapan na yung hindi man lang siya nakokonsensya sa panglalait niya.

- Salbahe sila sa mga hayop. Hindi na nakakapagtaka yan. Sabi nga ng isang propesyonal na doktor, kapag salbahe ang isang bata sa mga hayop, tinotorture sila o baka pinapatay pa nga, malamang na basagulero sila paglaki. Sa kabaligtaran, yung mga taong malapit sa mga hayop, sila yung totoong mapagmahal.

- Ginagamit nila yung mga masyadong nakaka asar na biro para pagtawanan ka. Halimbawa, baka madalas niyang insultuhin ka ng pabiro tungkol sa itsura mo o mga kahinaan. Kahit na pabiro yung mga yon, malamang na masasaktan ka pa din. Kapag ganyan ang isang tao, malamang na wala talaga siyang interes sayo. Walang masama sa biro, pero gaya ng isang matabang bata na binubully sa paaralan, hindi nakakatuwa yon.

- Madalas silang magsinungaling para lang makaiwas sa problema. Mahilig ba siya sa white lies o yung pagsisinungaling para wala ng masyadong malaking problema? Baka sa kagustuhan nila na mapalapit sayo, pinipikot ka na nila o nagkukunwari tungkol sa mga personal na buhay nila.

- Masyadong bilib sa sarili at gusto nilang sila lagi ang pinag-uusapan. Baka di mo mahalata na masama ang ugali niya. Baka maisip mo, “Ganon naman tayo lahat”. Pero iba na yan kung palagi nalang siyang nakapokus sa sarili niya at ikinukumpara pa nga ang sarili nila sa iba o sayo. Baka hindi ka pa tapos magkwento, sumasabad na agad sila at iniiba ang usapan. Senyales yan na baka makasarili siya. Minsan magkukunwari sila na nakikinig sayo pero maya-maya lang, nasa kanila na ulit ang usapan.

- Kapag may mga problema ang grupo, madalas niyang tinatakasan ang responsibilidad at baka nga nagtuturo pa. Ayaw nilang mauutusan. Baka gagawa at gagawa pa nga siya ng paraan para makalusot.

- Namimili sila ng pagpapakitaan ng mabuti. Hindi nila gustong tumulong sa iba o mambati man lang sa mga taong ayaw nila. Baka nga kahit pwede naman silang tumulong sa isang tao, pero di nila yon ginagawa dahil ayaw nila.

- Basta nalang silang nangangailam ng gamit ng may gamit. Hindi sila marunong mag-paalam bago galawin ang isang bagay. Mejo kakaiba ngang senyales yan na may masamang ugali ang tao na yon.


Mahirap naman talagang basahin ang isang tao kasi hindi naman nating kayang basahin ang isip at puso nila. Pero mahalagang maging maingat sa pakikipagsamahan sa basta sino na lang, lalo na kung may napapansin ka ng masamang ugali. Pero iwasan din naman ang sobrang panghuhusga. Nakatulong sana sayo ang mga yan.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)