TAKSIL: PAANO MO MALALAMAN KUNG MAY IBANG BABAE, KABIT O NANGANGALIWA ANG BOYFRIEND O ASAWA MO? Senyales ng may ibang girlfriend

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Pano ko malalaman kung nangangaliwa, niloloko o tapat sa akin ang aking syota o asawa?

Sa panahon ngayon maraming mga lalaki ang nagkakaroon ng ibang babae, kahit na may girlfriend o asawa na. Sa madaling salita, may mga lalaki talaga na nangangaliwa o ugaling magkaroon ng kabit. Napakasakit sa babae na malaman na may ibang kinalolokohan ang asawa o boyfriend, kaya’t dapat maagapan ito habang maaga pa lamang. Huwag antayin na magkaroon pa ng anak ang iyong minamahal sa ibang babae bago ka kumilos. Narito ang labing-anim na mga senyales na nangangaliwa ang iyong minamahal:


MGA PARAAN UPANG MAHALATA NA NAGLOLOKO (O MAY MISTRESS) ANG MINAMAHAL NA KASINTAHAN O ASAWA MO (Advice, suggestions, tips)

1.  Lumalayo at pabulong kapag may kausap sa cellphone – Walang sikreto sa isa’t isa ang mag-asawa, mapatrabaho man o pagdating sa mga kaibigan. Kaya’t nakakapagtaka kung ang mister mo ay ganun na lang ang pag-iwas sayo kapag may kausap sa telepono na tila may nililihim. Pwera lang kung ang kausap niya ay naniningil pala sa mister mo. Hindi mo pala alam na may malaking utang ang asawa mo o nakasanla ang bahay at lupa niyo dahil natalo sa sugal o casino. Kaya maging alerto sa kinikilos ng asawa.

 

2. Pagbubura ng mga messages sa inbox at may sikretong password ang phone – Sa sobrang abala ng asawa mo sa trabaho wala itong dahilan para magbura ng messages sa cellphone nito. Pero sabi naman ng iba, kapag may tiwala ka sa asawa mo bakit mo pa pakialaman ang cellphone nito, tama nga naman. Subalit walang masama kapag tingnan ang cellphone ng mister paminsan-minsan. Ngunit nakaka-hinala kapag may password ang cellphone nito at ayaw ipaalam sayo ang password niya. Hindi dahil sa walang tiwala ka, kundi karapatan mo malaman kung anu na ang nangyayari sa asawa mo.



3. Pagkakaroon ng iba-ibang account sa e-mail, or social media sites – Kapag ang lalaki ay nagkaroon ng higit sa dalawa na e-mail address pero hindi naman related sa trabaho nito at tinatago sayo, baka may kabit siya. Lalo na kapag may sinasalihan itong social media sites na pilit tinatago sayo.


4. Laging lutang sa mga okasyon o nasa ibang lugar ang isip – Kadalasan nagkakaroon ng family gathering ang pamilya kapag may okasyon, lalo na sa mga pinoy. Kung ang lalaki ay madalas late nang dumating sa party at ang utak nito ay nasa ibang lugar palagi, maaaring may kinalolokohan itong ibang babae.  At kapag naman maagang umaalis ng party at ang dahilan ay trabaho, dapat mo nang bantayan maigi, dahil may posibilidad na maguusap sila sa chat, cellphone o di kaya ay magkikita sa personal.


5. Madalas gumimik – Hindi masama na lumabas ang mister mo paminsan-minsan kasama ng mga kaibigan o katrabaho. Ngunit kapag ang mister mo ay madalas lumalabas dahil nagkakayayaan sa trabaho o barkada lalo na kapag may mga babaeng kasama, kelangan mo nang maging alerto lalo na kapag ayaw ka niyang isama.

 

6. Biglaang pagiging mabait o sobrang lambing – Kapag ang mister mo ay biglang nagpresentang magregalo sa kaibigan o pamilya mo na hindi naman niya ginagawa dati, at halatang pinagkagastusan ang regalo nito o kaya naman ay biglang masipag siya sa mga gawain sa loob ng bahay na hindi naman niya ginagawa dati, maari ang lalaki ay may kasalanan at gustong bumawi.

May mga lalaki na likas na hindi malambing sa asawa o kasintahan, ngunit magtataka ka paggising mo isang araw, ay sobrang napakalambing ng asawa mo. Yong tipo na nagbibigay siya ng mga mamahaling gamit para sayo, nagbibigay ng flowers, na ni-minsan kahit valentines o birthday hindi niya nagagawang bigyan ka. Madalas ang dahilan ng pagbibigay sayo ay pagkakaramdam ng konsensya sa kasalanan o takot mahalata mo ang lihim niya.


7. Pagbabago ng porma at bihis – Kung dati-rati ang husband mo ay walang pakialam sa brand ng damit na susuotin at pabango na gagamitin, ngunit ngayon, gusto ay laging maganda ang sinusout at mamahalin ang pabango, malaking senyales yan na ang mister ay may kinalolokohang babae. Pero unfair din sa lalaki na pag-isipan kaagad, pwedeng trip niya lang magbago ng lifestyle para sayo. Kaya pakiramdaman mabuti kung para talaga sayo ang pagbabago niya.

 

8. Ibang amoy ng perfume o amoy bagong ligo paguwi – Kung ang boyfriend o mister mo ay umuwing late galing sa over time at nakaamoy ka ng pabango na alam mo na hindi niya ito pag-aari, maaaring senyales din nito na may iba siya. O kaya naman kapag nakaamoy ka ng sabon at mukhang fresh na fresh paguwi, may chance na dumaan pa sila ng kanyang kabit sa biglang liko, kung tawagin ng nakakarami, o motel. 


Isa din sa malaking ebidensiya ay ang pagkakaroon ng condom sa wallet, na hindi naman kayo gumagamit, at ang pagkaroon ng lipstick sa damit. Ewan ko na lang kung anong palusot pa ang sasabihin nito.


9. Kawalan ng gana – Kapag ang asawa hindi na ganun kasabik upang makasiping ka, o madalang kana lang niyang ayain sa kama, may posibilidad na may ibang babae na itong kinahuhumalingan. Tandaan, kailangan mo din tingnan ang sarili baka nasayo din ang problema dahil mas mukha ka pang matanda pala sa nanay niya. Mag-ayos maigi at laging fresh pagdating ng asawa, kung deadma pa din sayo sa ginawa mong transformation, may posibilidad na may ibang kinasasabikan na nga ito.

Magtataka ka rin sa partner mo kapag lagi siyang walang oras kapag niyaya mong mamasyal o mag-date kayong dalawa. Lagi na lang siyang pagod at gustong mapag-isa kapag nakaperme sa bahay. Hindi na siguro ito normal lalo na kung ilan taon na siyang ganito at may posibilidad na merong kinagigiliwan siya na ibang babae.


10. Pag-alis ng matagal – Minsan ang husband mo ay nagpaalam upang bumili ng pagkain sa kanto at nawala ito ng halos 4-5 oras, ibang pagkain na ang binili nito. Maliban na lang kung may emergency na nangyari sa kanya sa daan.


11. Pagsisimula ng away – Kadalasan kapag ang lalaki ay laging naghahanap ng paraan upang mag-away kayo, mula sa maliit na bagay hanggang pinapalaki niya. Ang ending aalis ito at mawawala ng matagal at minsan araw pa ang binibilang bago bumalik. At ang babae naman ay sobrang bait at panay ang sorry pagbalik ng asawa, huwag maging tanga pagdating dito.


12.  Ma-sikreto at walang pakialam – Ikaw ang asawa ngunit hindi mo na alam ang mga pinagkakaabalahan ng husband mo, hindi mo kilala kung sino ang kasama niya tuwing paglabas nito. Nakakalimutan na ang mga okasyon sa bahay niyo gaya ng birthday, anniversary at mga holiday special. Kailangan mo na sigurong maging alerto.


13. Mainitin ang ulo – Mapapansin mo na malaki ang pinagbago ng asawa mo pagdating sa ugali at pasensya. Laging pagalit kung magsalita at nawawala na ang dating lambing nito. Mararamdaman mo na ang asawa mo ay hindi na masaya, hindi mo din matukoy ang dahilan nito. Kapag nakaharap sayo ay mukhang tigre, ngunit kapag may kausap sa phone ay hanggang mata ang ngiti, aba kailangan mo ng magisip isip.

Kapag nahalata mo na may kakaiba sa asawa o nobyo at kakausapin mo sya kahit sa mahinahon na paraan, ngunit pagalit ang tugon nito, magdududa kana lalo na kung umiiwas sa mga tanong mo. Kilala mo naman ang partner mo kaya malalaman mo kapag sobrang defensive ito kapag nagtanung ka kung may ibang babae nga ba siya.


14. Laging over time – Hindi maiwasan ang pag-oovertime ng mga empleyado lalo na kapag naghahabol ng deadline. Sa laging pamamalagi sa opisina posibleng makakita ang husband mo ng babae doon. Nakakapagtaka naman siguro kung gabi gabi ay nag-oovertime at madaling araw na nakakauwi. Dapat maging aware sa nangyayari sa asawa.


15. Madalas mag-out of town sa trabaho – Kung dati rati ay tamad ang asawa o kasintahan mo sa pagpunta sa mga event nila sa trabaho ngunit ngayon laging present sa gathering sa opisina, maaari kaopisina nito ang babae niya. O kaya madalas ay out of town ang trabaho nito at araw pa ng Sabado at Linggo, kailangan mo ng mag-imbestiga sa kanyang mga kaopisina . Walang masama sa pagpunta ng mga event sa trabaho dahil kailangan din ng partner mong makihalubilo sa mga kasama nito. Mas lalo wala problema kung mag-out of town ang asawa lalo na kung sa trabaho, ngunit talasan ang mga mata sa mga nangyayari.  



16. Bawas ang sahod – Kung makikita mo ang bill ng credit card ay sobrang laki ang ginagastos kada buwan at ang bill nito ay mga expenses sa restorant o bar, maaaring may ibang babae ito lalo na hindi naman kayo kumakain sa labas. May posibilidad na panay ang gastos niya sa mga restorant at mga bars kasama ng mistress. Kapag ang sahod ng mister mo ay laging kulang kahit panay ang overtime niya, sigurado may kahati ka sa sinasahod nito.

 

Bago mo komprontahin ang asawa o nobyo, kinakailangang magsagawa ka muna ng  malalim ng imbestigasyon. Oras na matuklasan na totoo ngang may ibang babae ito, mas magandang makakuha ng proof o patunay na nagloloko nga ito upang wala na siyang lusot, kapag kinausap mo. 


References:

Smith, B. (2011, March). Are internet affairs different? Retrieved from https://www.apa.org/monitor/2011/03/internet

Thornton, V. and Nagurney, A. (2011, May 13). What is infidelity? Perceptions based on biological sex and personality. Retrieved from
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3218781/

Le, B. (2013, November 20). Cheaters use cognitive tricks to rationalize infidelity. Retrieved from https://www.scientificamerican.com/article/cheaters-use-cognitive-tricks-to-rationalize-infidelity/

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Husbands are also more likely to engage in online cheating – using chat rooms, webcams and online services to arrange sexual encounters. Pay attention to the signs and your instinct but, be careful not to confuse signs with proof. Everyone enjoys time away from home when they can pursue hobbies or hang out with old friends. But if your husband has frequent absences for which he cannot offer a reasonable explanation, it’s time to find out why. If you find yourself looking for excuses for your spouse's behavior or trying to convince yourself that they would never cheat then that is a warning sign. Your intuition is frequently one of the best indicators that something is wrong. If you suspect your spouse might be cheating on you, do some investigating and then talk to him/her about what you've found.

Choices from whom you date, marry and mate to how much money, friends and happiness you acquire often turn on life-altering decisions made within seconds. A lot of this process happens in the deepest, darkest and most primitive corners of the subconscious mind. As much as we want to believe we are so advanced, less than one percent of our evolution have been civilized— our brains have been evolving over 3 million years. And this process doesn’t account for the social, political or conventional knowledge of the day.