Pinakamabisang Palusot ng Estudyante sa Guro-Teacher Loob at Labas Paaralan-Eskwela-School

Precious Gomez
is in the Philippines

Kadalasan ang mga estudyante ay maraming mga naiisip na palusot pagdating sa eskwela at ginagawa nila sa mga guro. Kaya sa mga guro mahalagang magkaroon ng mainam na pagsiyasat sa mga estudyante.


1. Kapag sinasabi ng mga studyante dahil na late sila sa klase, natraffic daw tapos minalas, naflatan pa- Ngunit kung araw-araw late siya, ewan ko lang kung may maniwala pa.

2. Minsan sinasabi ng mga studyante na wala daw mag-aalaga sa nakakabatang kapatid nilang may sakit- Naku! Huwag naman sana magkatotoo.

3. Kung yong iba naman sinasabi nila na naligaw daw, pare-pareho kasi ang mga pinto ng classroom- Subukan niyo din kaya tumingin sa mga schedule na nakadikit sa ding-ding. Sige ka baka magsalita na yan at sampalin kana para makita mo.

4. Nahuli kang nagkokodigo sa school ng exam/quiz- Ma'am medyo malabo po mata ko, ano po ba ito?

5. Nahuli ka ng titser mon a nagyoyosi- Teacher free taste lang to.

6. Nahuli ka ng dean niyo na nag-cucutting classes ka pala- Wala kami prof./guro absent kaya early dismissed kami.

7. Kapag ang studyante nagdadahilan na nahuli daw siya ng MMDA na mabilis ang pagmamaneho- Hindi totoo yan, nagpapapansin lang yan para kunwari may sasakyan, yon pala wala naman.

8. Nahuli ka na natutulog sa loob ng room niyo sa oras ng klase- Hindi daw siya natutulog, nag-iisip lang. Ibagsak mo kaya tingnan natin kung makapag-isip pa.

9. Nahuli ka ng guro mo na nagtetext sa loob ng klase niya- Katext ko lang po ang mama ko, nagtatanong kung ano pinag-aaralan natin.


10. Kapag ang studyante ay nalate daw siya dahil nag-attend ng meeting ng kapatid, graduating na daw kasi- Aba! kung ikaw kaya di makagraduate, tingnan natin kung makapagsalita pa yan.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)