Rich Gelfond: Shine Boy Noon, Imax Boss Ngayon, Success stories

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed.

Noong walang taong gulang pa lamang si Rich Gelfond, tila hindi pa bagay ang nickname niyang Rich sa trabaho niya bilang shine boy. Sinong mag aakala na ang shine boy na taga New York ay magiging milyonaryo pagdating ng araw. Noong 16 taong gulang nagkaroon na si Rich ng sarili niyang pahayagang bumebenta ng 25000 kopya at masusing tinangkilik ng mga advertisers.

Lumipas ang may 50 taon mula nang siya’y mag shine boy, chief executive na ngayon si Rich Gelfond ng kumpanyang kung tawagin ay Imax. Sa mga nakaka-alam, mala-higante ang screen ng sinehang Imax na klaro o high resolution at kadalasan ay 3D pa. Sa mga nakapanood na sa Imax sa gawing Maynila, hindi mapapantayan ang tintawag na viewing satisfaction na dulot ng sinehang Imax.

Papaano nga ba humantong ang isang munting shine boy sa isang negosyong may kinalaman sa super laking uri ng mga sinehan. Ayon kay Rich, ang likas na pagiging negosyante niya ang nagbigay sa kanya ng ideya. Sa halip na makita lamang ang mga malalaking screen sa mga museo at exhibit na nagpapalabas lamang ng mga pang siyensya na mga tema, naisipan niyang maaring magpalabas din ng mga pang komersyal at pam publikong pelikula na ang mga nanonood ay di lamang mga propesor at mag-aaral. At sa halip na mga scientific o educational films, bakit hindi mga sikat na pelikula gaya ng napapanood ng ordinaryong tao?

Magandang ideya. Pero may problema dahil kinakailangan ng mamahaling uri ng camera sa paggawa ng mga Imax films noong una. Bukod sa uri ng kamera, nagisnan din ni Rich na ang mga taong involved sa paggawa ng pelikula sa nagdaang 100 taon ay nasanay na lamang sa paggawa nito kahit wala ang Imax.

Di kalaunan, kasama ng kanyang partner sa negosyo, kinausap ni Rich ang mga tanyag na direktor tulad nina Spielberg at Lucas para ma enganyong sumali sa paggawa ng mga pelikulang pang Imax. Ngunit tulad nang inaasahan hindi masaydong type ng mga batikang direktor ang konseptong Imax.

Sa kabutihang palad, sa halip na si Rich ang magkumbinsi sa mga direktor ng pelikula, tuluyan nang na-enganyo ang mga ito sa Imax sa takbo ng panahon sa dalawang malalakas na dahilan: teknolohiya at innovation. OO nga at totoong mahal ang paggawa ng mga pelikulang pang Imax kung gagamitan ng nakagawiang camera. Ngunit kung gamit naman ang teknolohiya sa tulong ng tinatawag na algorithms bumababa ang halaga nito ng halos 10 beses.

Ayon kay Rich, una nilang sinubukan sa Imax ang tatlong pelikulang cartoons. Unang Imax film ang Fantasia 2000 ng Walt Disney. Matagumpay ito at dinumog ng maraming tao. Sumunod ang 3D version na Polar Express noong 2004 ni Speilberg. At ikatlo ang sikat na pelikulang Avatar sa Imax noong 2009.

Kumita ng halos $250 Milyon ang Avatar mula sa higit 150 pa lamang sinehang Imax noong 2009 na sa ngayon ay umaabot na 700. Naging box office hits ang mga pelikulang ito sa Imax format.

Hindi lamang sa usaping Imax nahuhumaling si Rich. Totoong siya’y naging milyunaryo na ngunit marunong din siyang kumilatis kung ano ang nararapat gawin ng isang tao.

Bilang pinuno ng Imax tinimbang ni Rich ang pagiging negosyante at isang professional. Lingid sa ating kaalaman nagsanay din si Rich sa abogasiya at nais din sana niyang mamasukan sa kung saang trabahong may kinalaman sa abogasiya. Ang siste ay ito: iniwan niya ang trabaho niya sa law firm para simulan ang negosyong dry cleaning. Ngunit di nagtagal nagbalik na naman siya bilang isang propesyunal sa investment banking. Tulad marahil ng marami sa atin na palipat lipat din ng trabaho, hilig, at pangarap sa buhay si Rich.

Sa takbo ng panahon nagisnan ni Rich na mas mabuti kung ang isang negosyante ay may background sa pagiging isang propesyunal. Ayon kay Rich bilang professional masasanay kang bigyang pansin ang mga maliliit na detalye at magiging mahinahon sa paggawa ng desisyon sa trabaho. Ito para sa kanya ang kaibahan ng kanyang pagiging boss sa negosyo niyang Imax.

Ayon kay G. Rich Gelfond matagumpay ang kanyang Imax dahil ... “May kanya kanyang katangian ang pagiging negosyante at ang pagpapalakad ng korporasyon. Sa aking palagay, kakaunti lamang ang napagsasama ang dalawang magka-ibang mundo. “

Ganunpamam, unti unti na niyang hinuhulma ang pagiging korporasyon ng Imax sa isang paraang hindi masyadong pina-iiral ang striktong pamamalakad ng kumpanya nang hindi malimutan kung papaano nabuo ang Imax mula sa tintawag na entrpereneurial spirit.

Marahil may mga pagtitimbang timbang ding ginagawa ang mga Overseas Filipino (OFW) sa buhay. Ang totoo’y , bukod sa kasipagan at galing sa trabaho, ang kahalagahan ng balanse o balance sa ating buhay ang isang aral na maari nating mapulot kay Rich.

Reference:


http://t2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQkw_I8gYTZLTyNmMREbKsFOEcCTCvHPbbWiWTiUhGP_CLHNFPqYQ


A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.

If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.

Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.

Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.

When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.


A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things.


About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.