Si Andrew Carnegie at ang Kahirapan sa Buhay ng Tao, poverty and success

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines


Photo courtesy of:


http://templeofthehumanspirit.wordpress.com/2011/03/23/andrew-carnegie-titan-of-industry/


A positive attitude is important for a great many reasons. Having a positive attitude helps us cope more easily with the responsibilities of everyday life and helps to relieve stress and strengthen personal relationships. A positive attitude helps us avoid worrying unnecessarily and will enhance our physical and mental well-being.


Kung minsan, pinagbibintangan natin ang kapalaran sa ating buhay.


Tulad halimbawa ng pagiging mahirap. Hindi ba’t ginagawa natin itong dahilan upang tayo’y maging pabaya at mawalan na lamang ng ambisyon sa buhay… dala ng kahirapan. Sabi ng isa: “Mabuti pa sila nakapag aral sa Ateneo o La Salle dahil mayaman sila, pero ako sa public school lang dahil mahirap lang kami.”


Ngunit kahirapan nga ba ang dahilan upang mawalan tayo ng pag-asa? O baka naman, ang kahirapan pa ang siyang maging dahilan ng ating pag-asenso?


Si Andrew Carnegie ang isa sa pinakamayamang Amerikanong nabuhay noong mga 19th century sa Amerika. Nang siya’y namatay bago mag WW1, pagmamay-ari niya ang ilan sa pinakamalalaking mga industriyang gumagawa ng bakal. Tinagurian siyang steel magnate ng Amerika, at naging matagumpay ang kanyang negosyo dahil sa mga ginagawang riles ng tren, mga malalaking mga building, tulay, atbp. na kinakailangan ang produktong bakal.


Ngunit sinong mag-aakala na sa kabila ng tagumpay na kanyang tinamasa, may humble beginnings pala itong si Andrew Carnegie.


Ipinanganak si Carnegie sa Scotland noong 1835. Noong mga panahong iyon nangunguna ang lugar sa paggawa ng mga tela . Isang manghahabi ang tatay ni Andrew at gusto sana niyang matulad din sa kanyang ama. Ngunit nawasak ang hangaring iyon dahil nawala na parang bula ang pag habi ng tela gamit ang kamay nang palitan ito ng makina. Ang masakit dito, tuluyan nang nawalan ng trabaho ang tatay ni Andrew.


Napilitang magtrabaho ang nanay ni Andrew para masuportahan ang pamilya sa pagbukas ng maliit na grocery at pagtatagpi-tagpi ng mga sirang sapatos. Hindi malimutan ni Andrew Carnegie ang mga panahong iyon. Minsan nasabi niya sa kanayang sarili na, “Natutunan ko kung anong ibig sabihin ng kahirapan…masakit para sa akin na makita ang aking ama na kailangan pang magmaka-awa para lamang mabigyan ng trabaho. Doon ko nagisnan na kailangan kong baguhin ang situwasyon pagdating ng panahon.”


Nagpasiya ang ina ni Andrew na si Margaret na magtungo sa Amerika. Nangutang siya ( gaya ng maraming mga OFW) ng pera para pamasahe at noong 1848 ay nakasama na ng mga Carnegie ang dalawa sa mga babaeng kapatid ni Margaret sa Pittsburg, isang syudad na sentro sa paggawa ng bakal sa Amerika.


Nakapagtrabaho sina Andrew at ang kanyang Ama na si William sa isang cotton factory at doon kumikita ang bawat isa ng $1.20 kada linggo.


Dahil sa kanyang kasipagan, naging isang messenger si Andrew sa isang post office. Nag dedeliver siya ng mga mensahe sa isang entabalado, at sa kabutihang palad nagkaroon siya ng pagkakataong manood ng mga dula ni Shakespeare na siya namang nagmulat sa panghabang buhay niyang hangaring matuto. Sinamantala rin ni Andrew na magbasa ng mga libro sa isang maliit na library na bukas para sa mga working boys na katulad niya.


Napahanga ni Andrew ang ilan sa kanyang mga co workers sa post office. At mula sa isang messenger naging isang private secretary at personal telegrapher na siya at kumikita na ng $35 kada buwan.


Hindi tinanggihan ni Carnegie ang anumang mga pagsubok at hamon. Sa kalaunan naging superintendent siya sa Pennsylvania Railroad Company . At nang magkaroon ng civil war sa Amerika ginawa siyang supervisor sa isang military transportation at doon naging kanang kamay na ng kanyang bossing.


Umunlad ang negosyong bakal noong civil war at nang magwakas ang digmaan nakita ni Andrew Carnegie ang potensyal ng negosyong ito. Nag resign si Andrew sa pagka railroad worker at ibinaling ang kanyang attensyon sa Keystone Bridge Company na siyang nagpapalit ng mas matibay na bakal sa mga tulay na yari sa kahoy. Sa loob lamang ng tatlong taon, kumikita na Carnegie ng $50,000 kada taon!


Ngunit hindi nabulag sa pera si Andrew. Actually, napagpasiyahan niya sa isang sulat na kanyang ginawa nong siya’y 33 na sa edad daw na 35 magreresign na siya sa negosyo at ipagpapatuloy na lamang ang kanyang pag-aaral.


Ngunit nagpatuloy ang paglago ng kita ni Andrew Carnegie sa sumunod na 30 taon. Mas naging dalubhasa siya sa negosyo at nagkaroon pa ng sariling motto: “ Bantayan ang mga gastusin, at tiyak na may kikitain.” Napakaraming nabiling steel plants si Andrew hanggang sa tinagurian na siyang “the richest man in the world.”


Sa kabilang banda, madalas sabihin ni Andrew Carngie na “the man who dies rich dies disgraced.” Pagkamulat niya sa katotohanang ito, sinimulang ipamigay ni Andrew ang kanyang kayamanan. Hindi niya type ang mag-donate sa charity bagkus ginamit niya ang kanyang pera upang tulungan ang ibang tao na tulungan ang kanilang sarili, self-help ika nga ang gusto niya. Dahil sa prinsipyong ito nakapagtayo siya ng higit sa 2,500 mga public libraries at sinuportahan ang iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad sa Amerika. Sa dapit hapon ng kanyang buhay, nakapamigay na siya ng halos 350 milyong dolyar. Humigit kumulang 115 bilyung dolyar ang katumbas ng halagang ito sa kasalukuyang panahon natin.


Bukod sa kawanggawa, si Carnegie rin ang unang nagtaguyod ng tinatawag na “ league of nations” na siyang kahalintulad ng United Nations natin ngayon. Nais sana niyang umiral na lamang ang kapayaaan sa mundo. Ngunit nawasak ang hangaring ito nang magsimula ang World War 1. Ayon sa asawa niyang si Louise, lubos na nabroken hearted ang kanyang mister sa digmaang iyon at sa katunayan ang mga huling mga isinulat ni Carnegie ay siya namang simula ng mga unang putok ng Unang Digmaang Pandaigdig.




If you maintain a positive energetic attitude then you will automatically inspire people you come in contact with. The energy and enthusiasm that you bring is much more important than any opportunity or product that you may be promoting. People naturally love to grow and be inspired. Make it your job to uplift and inspire everyone that you come into contact with.

Positive thinking is the key to motivation. Whenever we are in a state when we think that we will not be able to complete the task assigned to us, then if at that moment we think positive, then it will motivate us to try and try again until we succeed. Positive thinking provides an inner motivation which is way too helpful in completing the work.

Read, watch and research as much as you can about the benefits of positivity and ways you can incorporate it into your life. The more you know the more likely you are to utilize this knowledge. Negative self-talk belittles you and unsettles you. Worst of all, it may stop you from doing things that you love. Challenge the negativity. Scare it with positive affirmations.

When we are authentic like little children we are able to be free of the constraints and confinements of the inauthentic world. The inauthentic world is the world that tells us it is unsafe to be real.


A positive outlook and attitude on life have found to strengthen our immune system. It has also been proven that negative thinking weakens it on the other hand. Positive people have more friends which is a key factor of happiness and longevity. The research is clear. It is really beneficial to be positive and the advantages include enhanced health and longevity, happiness, career advancement, athletic performance, team building and financial success. Life is both light and darkness. The trick is working out a balance. Direct your mind to better things,

2 person likes this

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.