Sino si John Gokongwei Jr? Paano yumaman mayari ng Robinsons? Sekreto

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Kung hindi ka gaanong pamilyar sa kaniya, malamang na pamilyar na pamilyar ka naman sa mga pag-aari niya. Kilala siya sa tawag na “Big John” dahil sa dami ng kompanya niya. Siya lang naman ang may ari ng Yes! Magazine, Robinsons Mall na isa sa pinakamalaking shopping mall at retail operator sa Pilipinas, Cebu Pacific Airlines, Chippy, Curls, Cloud 9, C2 Green Tea, Great Taste Coffee, at J.G Summit Corp. Ayon sa Forbes Magazine, isa siya sa pinaka mayamang businessman sa Pilipinas at ang storya niya eh talaga namang sumikat sa buong Asia. Paano ba niya naabot ang tagumpay na yan?

Ang buhay niya eh “riches to rags and riches again”.Ipinanganak siya sa Fiujan Province South China noong 1926 .Pero lumaki siya sa Cebu kung saan din siya unang naging negosyante. Ang totoo, lumaki siya sa isang marangyang buhay. Noong maliit pa siya, nagmamay ari ang pamilya niya ng madaming movie house kasama na ang kauna-unahang air conditioned movie house sa Maynila. Panganay siya sa magkakapatid. Nag-aral siya sa isa sa mga top universities sa bansa, ang San Carlos University at palaging hatid sundo ng kotse kapag papasok. Madami siyang naging kaibigan kasi palagi niyang pinapanood ng libre ang mga ito sa Movie House nila. Pero lahat ng yan eh naglaho ng mamatay ang tatay niya dahil sa typhoid. Naisanla ang kabuhayan nila at naipag benta ang mga negosyo, sasakyan at ang mansyon nila. Pati yung mga kaibigan niya eh naglaho ding kasama ng mga kayamanan niya palibhasa wala ng libreng sinehan. Napilitan ang nanay niya na pauwiin sa China ang mga kapatid niya dahil sa mas mababang pamumuhay don habang naiwan silang dalawa na nagttrabaho para may maipadala. Pinagbenta ng nanay niya ang lahat ng mga alahas niya pero hindi pa rin yon sapat kaya nagbenta sila ng inihawa na mani sa likod bahay nila. Kaya naisip niya na magtayo ng isang maliit na puwesto sa palengke na malayo sa syudad kasi bihira ang nagtitinda don at nagtinda siya ng sabon, kandila at sinulid. Mas kailangan yon ng mga tao don kasi simple lang ang buhay. Mahirap talaga ang pinagdaanan niya kasi halos lolo at lola na niya ang mga kasabayan niyang nagtitinda at 15 anyos lang siya ng panahong yon. Araw-araw eh kumikita siya ng 20pesos at malaki ang halaga niyan noon gaya ng alam natin. Ang totoo, dyang nanggaling sa 20 pesos na yan ang malalaking negosyo niya ngayon.

Noong 1943 , lumaki ang negosyo niya at nag dadala na siya ng mga produkto mula Cebu pa-Maynila. Yung mga kinita niya sa Maynila eh ibibili naman niya ng mga produkto na ibebenta niya sa Cebu. Business-minded talaga siya. Sa edad na 20, itinayo nila ng kapatid niya ang Amasia Trading na nag-iimport ng mga produkto galing US. Kaya naman nung 1948, umuwi na ang mga kapatid niya at napataasan niya ang bahay nila. Sa edad na 31, sinimulan niya ang corn-starch manufacturing na dahilan kung bakit ang JG Summit at Universal Corn Products eh namamayagpag padin hanggang ngayon. Lumago ang negosyo niya pero sabi nga hindi laging smooth ang mga bagay-bagay. Ayaw ng mga anak niya na maubos ang panahon niya s negosyo. Pero noong 51 anyos siya, naitayo niya ang Blend-45 at Robina Farms. Nagkaroon siya ng share sa San Miguel Corp. Pero hindi naging madali ang lahat. Nakipagsapalaran siya sa ibang bansa at syempre mas madaming hamon pero alam na alam natin na nagtagumpay naman siya. Naitatag niya ang Cebu Pacific Airlines, Ang Digitel Mobile Philippines na mas kilala sa tawag na Sun Cellular, C2 Green Tea at Jack n Jill. Mula sa pag iintroduce o pagpapakilala ng mga produkto sa Pilipinas, nakilala siya bilang pinakamahusay at palabang negosyante sa buong South East Asia. At ngayon eh pagmamay ari na niya ang kilalang Robinsons Mall. Sabi nga nila may ups and downs at matuto tayong tanggapin yon at harapin. Natutuhan niya na palaging humanap ng pagkakataon at wag na wag sumuko.

Sino ba naman ang mag-iisip na ang dating batang-palengke sa Cebu eh nagtitinda na sa buong mundo?



About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.