Solusyon sa mga Taong Hirap Makatulog o Kinakapitan ng Insomia mahimbing

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Solusyon sa mga Taong Hirap Makatulog o Kinakapitan ng Insomia

Marami sa atin ang nakakaramdam ng hirap pagdating sa pagtulog. Ramdam mo na ang antok ngunit hirap kang matulog. May iba naman na napakailap ang pagdapo ng antok. Kahit saang panig ka man ng mundo pupunta, isa ito sa mga nagiging problema ng mga tao na ang nagiging soludyon ng iilan ay umiinom ng pampatulog o sleeping pills. Kadalasan hirap ang isang tao kapag may malaking problemang pinapasan kaya madalas dinadaan na lang sa alak.

Ito ang mga ligtas na paraan kung paano makaramdam ng antok at makatulog ng mahimbing kagaya sa isang sanggol.

Pagbasa ng libro bago magtulog- Ugaliing maglagay ng aklat sa gilid ng kama para mabilis makuha kung ito ay kailangan. Madalas ginagamit ng mga tao ang pagbabasa ng libro upang makatulog. Mainam na nakahiga na sa kama at hindi sobrang liwanag ang ilaw kapag ikaw ang nagbabasa ng aklat. Hindi kailangan maging seryoso sa binabasa, may mga taong masyadong nabobore pagdating sa pagbabasa ngunit isa ito sa mga paraan para matanggal ang pagod at matinding enerhiya sa katawan upang mapalitan ng kalmadong pag-iisip.

Disiplina sa oras ng pagtulog- Malaking bagay kung ikaw mismo ay may nilalaang oras kung anong oras ka dapat nang matulog.Ngunit iwasang magpraktis ng oras sa pagtulog na sobrang late na, ugaliing maaga sa pagtulog araw-araw. Hindi lamang ito sa kalusugan nakakatulong kundi pati na din sa pag-iisip. Pagtalaga ng oras ng kailangan mo na matulog ay malaking bagay upang ipaalala sa isip mo na oras na para magpahinga at marelax ang isipan. Huwag sanayin ang sarili na matulog kung kelan mo gusto o kung kelan ka nalang pipikit. Ang araw-araw na pagdidisiplina sa sarili pagdating sa tamang oras ng pagtulog ay nakakatulong sa paglagay sa isipan ng mga magagandang alaala na magigig dahilan ng pagiging relax ng utak at mabilis na makatulog.

Kumain ng Masustansiya- Mahalaga ang pagkain sa oras at tamang pagkain o balance ang kinakain araw araw. Malaki ang epekto ng mga kinakain sa oras ng pagdapo ng antok at pagtulog ng mahimbing. Magkaroon ng disiplina sa pagkain, nakakatulong ang pagkain ng prutas at gulay. Huwag kumain ng maraming maraming karne lalo na sa gabi, pwera pa sa hirap kang antukin, hirap ka din makatulog ng mahaba.

Temperatura at Ayos ng Kwarto- Kailangang malinis, mabango at maaliwalas ang loob ng kwarto, siguraduhin din na may katamtamang lamig ang kwarto. Ayos sa pag aaral, ang temperature ng iyong katawan ang isa sa mga dahilan upang makatulog agad, dahilan sa pagbaba ng temperatura nito. Mas mainam kung malamig ang kwarto, pero iwasan ang sobrang lamig. Isa sa mga epektibong gagawin ay ang paggamit ng bentilador o di kaya pagbukas ng bintana upang makaikot ng maigi ang hangin.

Matutong mag-yoga- Isa sa mga ehersisyong nirirekomenda bago matulog ay ang pagyo-yoga. Malaki ang naitutulong nito dahil nakakapagparelaks ito ng katawan at utak. Maaring gamitin sa pag yoyoga ang tinatawag nilang “Salute to the Moon” dahil sa mabagal na paggalaw nito. Nakakatulong din ito sa pagtanggal ng mga pananakit ng kawatan at kasu-kasuan.

Pagnilay o Medidate- Mag-isip ng mabuti o pokus ng isipan ay isang paraan ng pagninilay, nakakatulong ang katahimikan ng silid tulugan at ng malamyos o mahinang awit. Isang gamot din ito para sa mga taong may pisikal o sikolohikal na karamdaman. Praktising huminga ng mabagal, isa sa mga ginagamit ay ang ”Ocean Breath” na nakakapagpakalma sa sarili at nakakatulog ng mahimbing at mahaba.

Pag-inom ng Gatas- Uminom ng maligamgam na gatas bago matulog, malaking ginhawa sa pakiramdam at nakakagaan ang pag inom nito. Ang pag inom ng gatas ay nakakatulong din ito sa kaisipan dahil ayon sa iba may kaugnayan ito sa pagkabata na naging karanasan ng pagdede sa ina at dahil dito nakakaramdam ng ginhawa at komportable. Subukang uminom ng maligamgam ng isang basong gatas kesa sa nakaugaliang pag inom ng isang tasang kape, mas masarap ang pakiramdam mo paggising kinabukasan.

Pag-iwas sa mga pagkain at inuming may caffeine- Isa sa mga mabisang paraan upang makatulog ng maayos ay ang pagbawas ng nakakaadik na kinakain at iniinom na may caffeine. Isa sa mga ito ay ang kape, soda o sofdrinks, tea at tsokolate. Malaki ang problemang idudulot kung ikaw ay maraming caffeine na pinapasok sa katawan araw araw, Maging maingat sa mga kinakain at iniinom upang makatulog ng mahaba at maayos.

Pagpatay ng mga elektronik na bagay- Sa ngayon kahit saan ka man lilingon lahat ng tao ay may hawak na cellphone, laptop, at kung anu-ano pang gawa sa electronic. Makakatulong sa pagtulog kung walang istorbo, mainam kung malayo sa higaan mo ang mga gadget upang maiwasang gamitin sa oras ng paghiga sa kama. Ayon sa pag-aaral ang ilaw ng kulay asul na nanggagaling sa mga electronic devices ay nakakaantala ng utak sa pagrerelaks nito, subukang nakapatay ang laptop, cellphone at iba pa bago ka humiga sa kama.

Makapal na kurtina- Mahal pero sulit ang pagbili ng mga makakapal at matibay na kurtina sa loob ng kwarto. Maiiwasan mo din ang mga liwanag sa streetlights, headlight ng sasakyan at ilaw ng kapitbahay na nanggagaling sa labas ng bintana mo. Mahaba din ang pagtulog pagdating ng umaga dahil hindi ka nasisinagan ng sikat ng araw na karamihan nagiging dahilan ng pagkagising sa isang mahimbing na pagkakatulog.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)