Tamang Gawin Oras may Sumpong-Bakit Sinusumpong ang Bata? Mga Dahilan

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Walang magulang ang natutuwa kapag ang kanilang anak ay may matinding sumpong. Ito ay nakakapagod, nakakainis at nakakahiya lalong lao na kapag nasa publikong lugar. Kapag ang inyong anak ay sa kalagitnaan ng pag-aalboroto, madalas nahihirapan ka ring kumalma. Hindi sa lahat ng oras mapapahinto mo ang matinding pag-iyak ng anak oras na malalaman mo ang gusto nito. Kinakailangan mo ng napakahabang pasensya at alerto sa mga hakbang na gagawin. Nararapat na ihinto ito bago pa magsimulang magwala o lumaki ang problema. Ang pag didisiplina ay hindi palaging sagot upang maitama ang mga pagkakamali. Ang desiplina rin minsan ay nakakatulong upang ang mga problemang maaring mangyari ay maiwasan. Habang di mo mapigilan ang iyong anak sa pag-aalboroto, merong mga paraan upang mabawasan ang bilang at tindi ng kanyang pag-aalboroto.


Huwag pansinin ang bata

Ang paraang ito ay kahanga-hanga. Madalas ang bata kapag sinusumpong ay hindi alam ang kanyang gusto, nawawala ito sa tamang pag-uugali. Ang kanyang emosyon ay mas nangingibabaw kaysa sa kanyang pag-iisip. Mahahalintulad ito sa sitwasyon na nalulunod, hindi mo sila kayang turuan ng tamang paglangoy. Wala kang magagawa sa pagkakataong ito na maaring makapagpabuti sa sitwasyon. Madalas kapag sinubukan mong pigilan mas lalo pa itong lumala. Oras na kumalma ang bata saka mo siya kausapin.


Pag-iintindi o Pag-uunawa

Bakit ang mga bata ay nag-aalboroto? Narito ang mga gabay kung paano unawain at harapin sa loob ng inyong tahanan at maging sa pampublikong lugar. Kapag ang bata ay nag-wawala, pagdating sa kanyang pag-uugali kinakailangan ng disiplina. Katulad nating matatanda kapag tayo ay bad mood o masakit ang ulo tayo ay napapasigaw o nagmamaktol. Gayundin ang mga bata, nahihirapan sila sa kanilang emosyon kaya minsan ay nakakagawa ng mga negatibong paraan.


Pagbigay ng panahon o giving space

Minsan kailangan lang din ilabas ng bata ang kanyang inis na nararamdaman. Ito ay nakakatulong upang matuto silang ilabas ang kanilang nararamdaman ng walang pag-aalinlangan. Kelangan nilang mailabas ang kanilang saloobin at matuto kung paano mag kontrolin ang sarili na hindi sumisigaw at nakikipag talo sayo. Sa tulong kanyang sarili ang paraang ito ay gagana.


Pagtuklas ng Suliranin

Ang paraang ito ay para sa mga batang nasa ilalim ng dalawa hanggang kalahating taon gulang. Ang mga batang nasa edad na ito ay karaniwang meron lamang limampung salita sa kanilang bokabolaryo at hindi nila kayang mag-ugnay ng dalawa o higit pang salita ng magkasabay. Ang kanilang komunikasyon ay limitado, pero meron silang mga naiisip at kahilingan na gustung makuha. At kapag di mo sila naintindihan at naunawaan nagwawala sila upang mailabas ang kanilang pagkainis. Meron isang solusyon, sign language o senyales. Turuan ang inyong anak kung pano sabihin ang ibang salita sa pamamagitan ng sign language tulad ng gatas, pagkain, at pagod.


Gumawa ng Agarang Aksyon

Kinakailangang iresolba na kaagad kung ano ang totoong problema bago pa lumala ang kanyang pag-uugali. Ang kahalagahan ng pagta-tantrum ng bata ay hindi ay sa paraan kung papano mo disiplinahin ang iyong anak. Ito ay paano mo baguhin ang kanilang kapaligiran upang sila ay matutu na magkontrol ng kanilang emosyon. Karamihan sa mga isyu, kung bakit ang mga bata ay umaakto ng negatibong paraan ay dahil sila ay nagugutom, pagod, nawawalan ng gana, o naiinip. Kapag nalaman mo ang tunay na dahilan sa simula pa lamang maaari mo na itong gawan ng paraan, bago pa ito mauwi sa mas malalang pag-aalboroto.


Pagkaroon ng Libangan

Ang pakikipaglaro kasama ng anak ay isa sa mga simpleng gawin upang tumahan ang anak sa pagwawala o pag-iiyak. Ang buhay ng mga bata ay ang paglalaro,kung saan nagiging libangan nila sa buong maghapon. Kaya bakit di natin samantalahin ito? Ilang mga gawain ay maari mauwi sa isang laro. Ang ibang laro ay pwdeng isang beses lang at ang iba naman ay maari maging regular na gawain. Kumanta ka kahit na wala sa tono, ang anumang bagay na nilagyan mo ng musika ay makakatulong upang mas madali kang maintindihan at ito ay nakakatuwa din. Maari kang gumawa ng mga karaniwang kanta upang magamit ito sa mga gagawin. Isa sa mga halimbawa ay ang pag-utos na tulad ng mga laruan at ibalik sa tamang lagayan, kanta para sa pagbibihis at kanta upang magmadaling pumunta sa hapag-kainan ang iyong anak.


Ang pagkukwento o Storytelling

Gustong gusto ng mga bata ang pakikinig ng kwento. Madali mong makukuha ang kanilang atensyon at magugustuhan nilang gawin ang mga gusto mong ipagawa sa kanila. Ito ay magagamit din upang maibsan ang kanilang pagkainip. Ang istorya ay nakakakuha ng aral ang mga bata. Dahil dito maihanda ang bata sa isang pangyayari at maiwasang magdulot ng problema, sa ganun hindi na siya mabigla sa aktuwal na pangyayari at maiwasan ang pag-aalboroto.


Pagyakap

Ito na marahil ang pakiramdam mong huling bagay na maari mong ibigay sa iyong anak kapag sya ay may sumpong. Ito ay makakatulong upang kumalma ang bata. Sa pagyakap ay mararamdaman ng bata na sila ay malayo sa kapahamakan at ligtas. Iparamdam sa kanila ang pag-alala kahit na di mo gusto ang kanyang pinapakitang pag-uugali.


Pagbigay ng Pagkain

Magbigay ng pagkain o ipagpahinga ang anak. Ang pagod at gutom ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit sinusumpong ang mga bata. Ang mga magulang ay nagtataka kung bakit nagkakaroon ng araw-araw na pagkabugnot ang mga bata. Nangyayari sa pare-parehong oras sa bawat araw, bago mag tanghalian, sa oras ng pag-idlip at sa bandang gabi. Ito ay hindi nagkataon! Pakainin sila, painumin ng tubig at ilagay sa kama o hayaan muna manuod ng kaunti ng telebisyon. Isipin mo kung gaano ka katamlay kung wala kang tulog, o tumaas ang iyong blood sugar dahil ganun din ang kanilang nararamdaman. Para sa mga bata ang magkaroon ng sapat na tulog at pagkain ay magkakaroon ng mabuting epekto sa kanilang pag-uugali.

Bigyan ang bata ng insentibo upang kumilos ng maayos sa ibang sitwasyon. Katulad ng pag-hintay ng pagkain sa resturan at pananatiling tahimik sa loob ng simbahan. Kapag nawawala na sya sa kasunduan ipaalala mo lamang ang iyong mga pinangako sa kanya at siguradong babalik sya sa dati.


Magsalita ng mahinahon

Ito ay mas malawak at mas madaling gawin. At sabi ng mga eksperto na dapat kang maging kalma habang ang bata ay nag-aalboroto. Parte ng dahilan kung bakit ang isang bata ay nag-aalboroto ay upang makakuha lamang ng atensyon. Ang pagsasalita ng may kalmadong boses, ay nagpapakita sa iyong anak na mali ang pagtataas ng boses nito. Ito rin ay makakapag parelax sayo habang sa loob mo ay gusto mo ng sumigaw. Sa katotohanan ang mahinahong tono ay mas para sa magulang kesa sa bata, kapag ikaw ay tensyon makukuha ito ng iyong anak at mas lalong magiging Malala ang sitwasyon.


Gumamit ng positibong salita

Mga karaniwang salita na sobrang gamit ng magulang ay ‘hindi’, “huwag”, at “tigil “. Marahil at natural na gusto lang natin itigil ang maling pag-uugali ng ating mga bata. Ganun pa man kapag ang mga salitang ito ay nasosobrahan sa gamit, ito ay nakakagawa pa ng mas malalang problema. Subukang limitahan ang paggamit ng mga salitang yan at pumili ng iba pang salita tulad ng nais nyo bang, gusto kong, at iba pang salita na masarap pakinggan sa tainga.


Makipagtawanan

Ang bawat magulang ay nakaranas ng pagiging masungit ng anak, sa karaniwang dahilan. Nag aalala ka na baka isipin ng ibang magulang na masama kang magulang dahil nagpalaki ka ng hindi marunong mag-kontrol at demonyong anak. Kapag mukha kang mahinahon at ito ay naisaayos mo kahit na wala ka pang ginagawa upang itama ang kanilang iniisip ngayon isa kang mabuting magulang.

Paglipat ng lugar

Ang pag alis sa lugar kung saan nag-aalboroto ang bata ay maaring makabuti. Ito rin ay mabuting paraan kapag kayo ay nasa labas. Kapag ang iyong anak ay nagsimulang mainis dahil sa laruan o candy na gusto nyang bilhan mo sya. Dalhin sa ibang lugar sa tindahan hanggang sa sya ay kumalma. Ang pag-papalit ng lugar ay makakatulong upang magpalit din ang kanyang ugali.


 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)