Tsansing o Chansing: Paano maiwasan manyak, panliligalig o kinalabit sa puwet?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Bakit maraming lalake nangcha chansing? Ano sanhi o senyales?


Isa na yata sa pinaka nakaka-trauma na pwedeng maranasan ng isang tao, babae man o lalaki, eh yung chinansingan. Ano nga ba yung chansing o sexual harassment? Kapag nililigalig ka ng katrabaho, kaeskwela o pwedeng kapamilya pa nga na gumawa ng mahalay, sexual harassment ang tawag don.



Pero baka higit pa yan sa inaakala mo. Ang totoo, hindi naman kailangang sekswal na gawain para masabing tsansing. Kapag natsansing o naliligalig ang isip mo, masasabi din na harassment yan.


Paano labanan ang pananantsing o sekswal na panliligalig?


Tignan mo yung mga sumusunod para mas maintindihan mo kung ano ito:


- Sekswal na pagbibiro


- Paghipo sa maseselang parte ng katawan sa kabila ng pag tanggi mo na gawin yon.


- Aalukin ka na gumawa ng sekswal na gawain kapalit ng mataas na sweldo, mataas na grade sa school, pera at marami pang iba.


- Pagtsitsismis ng sekswal na mga gawaing ibinibintang sayo.


- Pang-gugulo sa isip mo tungkol sa kasarian mo.


Sa totoo lang, mahabang usapan ang tungkol jan. Maliit man o malaking sitwasyon, pwedeng-pwedeng ituring iyon na sekswal na pangliligalig, lalo na kung nababahala ka na ng sobra. Kaya ang tanong, paano ba makakaiwas? Kapag nasa sitwasyon ka, baka isipin mo na walang pag-asa. Pero ang totoo? May magagawa ka, at ang mga tao sa paligid mo para maitigil ang kahit na anong pangliligalig o pang-aabuso. Tignan mo ang ilan sa mga epektibong payo:


- Alamin ang karapatan mo. Paano naman? Lahat tayo may Human Rights. Kung nahaharass ka, maging pamilyar sa mga yon. Mag search sa internet tungkol sa mga yan.


- Maging handa. Kadalasan ng nangyayari yan sa trabaho o paaralan. Pero baka isipin mo, babae lang ang nahaharass. Ang totoo, kahit nga lalaki. Ipakita mo sa sino mang gumagawa sayo nito na ayaw mo, at na magsusumbong ka. Bago pa posibleng mangyari, isipin mo na agad kung anong pwede mong gawin. Wag na wag mong ugaliin na mag-isa sa anumang gagawin mo. Kaduwagan ba yan? Hinding-hindi! Nag-iingat ka lang.


- Matutong magsumbong. Huwag magpadala sa takot.


- Baka pwede mong kausapin o padalan ng message ang naghaharass. Hindi panahon yan para maging masyadong magalang o mag-alangan pa nga. Magsalita ka at lakasan mo ang loob mo. Kailangan nilang malaman na hindi ka natutuwa sa ginagawa nila.


- Iwasang makitawa o makisakay sa mga malalaswang biro ng iba. Kung minsan , baka hindi naman kailangan na umabot pa sa demandahan o mainitang usapan. Bka kailangan mo lang na ipakita sa kanila na hindi ka natutuwa sa mga biro nila. Kung hindi ka makikitawa sa mga biruan na nakakadismaya na o nakakabahala sayo, maiisip nila na mali yung ginagawa nila.


- Sikapin mo pa din na magpakita ng magandang ugali. Makipagusap ng magalang kahit nakakainis na. Isang opsyon lang naman yan. Pero kung sa tingin mo eh talagang di mo na mapapalampas pa, gawin mo na ang mga nakalagay sa taas


Kung magiging maingat ka, maiiwasan ang pang chansing sa iyo. Minsan kasi, nasa isang tao din ang ikakapahamak niya. Tignan mo ang sarili mo kung may mga kilos ka ba na kailangan mong baguhin agad. Wag mo nang hayaan na sobra kang mastress o maburn out sa kakaisip. Nakatulong sana sayo ang artikulong ito.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)