Anak ng OFW sa Italy: Paano nga ba ang Buhay Nila? Life of an overseas worker

Zel Cotiw-an
is a freelancer in Italy

Anak ng OFW sa Italy: Paano nga ba ang Buhay Nila? of a lifetime.

Libu-libong OFW ang umaalis bawat araw sa bansa para magtrabaho sa iba't ibang parte ng mundo. Bawat pawis na ginugugol sa pagtatrabaho ay may kanya kanyang pinaglalaanan. Kadalasan, taon ang binibilang bago sila umuwi. Sa kanilang pagbalik, marami nang nagbago. Mahirap at masakit ang mga pangyayaring ito sa isang OFW ngunit magkasing hirap din sa mga iniwan nilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang anak ng OFW na sanggol pa lamang ay iniwan na ng kanyang ina para magtrabaho sa abroad.


Si Rachel ay ipinanganak sa isang hindi kasal na mga magulang na agad nagkahiwalay pagkatapos niyang ipinanganak. Ang kanyang ina ay isang nurse sa Middle East noon. Ilang buwan pa lamang si Rachel ay agad na siyang iniwan ng kanyang ina para magtrabaho. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lolo, lola at mga pinsan sa probinsya.


Hindi matandaan ni Rachel kung kelan pumasok sa isip niya ang konsepto ng isang ina. Laging pinapaalala sa kanya ng kanyang lola na magpakabait dahil kung hindi, hindi magpapadala ng tsokolate ang kanyang ina. Lumaki siya na ang pananaw sa isang ina ay isang mabait na babae sa malayong lugar na nagpapadala ng mga regalo kung siya ay magiging masunurin, maihahalintulad siya sa isang babaeng Santa Claus. Natatandaan niya ang panahon na una niyang nasilayan ang kanyang ina. Malapit magpasko ang araw na iyon. Marami siyang dala dalang regalo na may iba't ibang kulay at hugis. Napakasaya niya noong araw na iyon. Dumating na si Santa Claus. Kinabukasan, naglalaro sila ng kanyang mga pinsan sa gitna ng mga kawayan. Aksidenteng nahiwa ang kanyang daliri sa isang napakatulis na parte ng kawayan. Napasigaw siya sa sakit at takot. Agad siyang tumakbo pauwi at tinawag ang kanyang nanay na agad namang sumaklolo at nilagyan ng gamot. Dito niya unang naranasan ang ginhawang naidudulot ng isang ina sa isang pamilya.


Lumipas pa ang mga taon at namatay na rin ang lolo at lola ni Rachel pero hindi nakauwi ang kanyang ina dahil sa mahalagang mga rason. Ngunit wala man lang naramdamang galit o pangungulila si Rachel. Marahil ang konsepto pa rin niya sa isang ina ay tulad ni Santa Claus na dumarating lamang 'pag pasko.Nang mamatay ang kanyang lola, pinunta siya sa siyudad ng kanyang mga pinsan para doon pag-aralin. Nabalitaan niyang lumipat mula Middle East papuntang Italy ang kanyang ina dahil nagkaroon ng giyera roon.


Laging pinapaalala kay Rachel ng kanyang mga pinsan ang kanyang ina. Ngunit marahil sa murang edad at sa kakulangan ng alaala kasama ang kanyang ina, pumapasok at lumabas ang mga ito sa kanyang tenga. Laging nagpapadala ng mga postcards ang kanyang ina na may mga maiikling mensahe sa likod. Natatandan ni Rachel na minsan ay nasabi niya sa kanyang ina na dagdagan ang laman ng kanyang mga sulat. Sa sumunod na pagkakataon, nakatanggap siya ng dalawang pahinang sulat na punong-puno ng mga kwento. Nasabi rin niyang meron siyang kasintahan na Italiano. Isang araw ay tumawag ang kanyang nanay sa kanyang pinsan at tinatanong kung pwede ba siyang i petition at doon na manirahan kasama nila sa Italy. Bilang isang bata na walang kamuwang-muwang agad niyang sinabing ayaw niya. Maluwag naman itong tinanggap ng kanyang ina.


Umuwi ang ina ni Rachel pagkatapos ang ilang taon. Kasama niya sa pag-uwi ang kanyang kasintahan. Napakabait nito at marami silang mga bagay na parehas na gustong gawin. Agad namang napalapit ang loob niya sa kanya.Kalaunan ay bumalik rin sila sa Italy. Masaya si Rachel dahil kahit papaano ay nagkaroon sila ng mga alaala sa isa't isa. Sa pangatlong taon ni Rachel sa sekondarya, inimbitahan naman siyang pasyalan ang Italy. Tuwang- tuwa at hindi makapaghintay si Rachel sa panahon na iyon. Unang beses niyang makatapak sa ibang bansa ngunit habang tumatagal, ay dinatnan na rin siya ng lungkot at pangungulila sa bansa. Pinasyal siya ng kanyang ina sa Rome ngunit tila hindi siya masaya.


Lumipas pa ang mga panahon at nagdalaga na rin si Rachel. Napapaisip na rin siya kung ano ba dapat ang mararamdaman niya sa kanyang ina. Magagalit at magtatampo ba siya dahil wala siya habang siya ay lumalaki? Magpapasalamat ba siya dahil nagsakripisyo siya na pumunta sa napakalayong lugar para mabigyan ako ng magandang kinabukasan? O pwede ba siyang magalit at magpasalamat sa parehong oras? Maraming panahon na laging ito ang nasa isip niya at hindi maiiwasang habang kasama niya ang kanyang ina ay magagalit na lang siya bigla o magkakaroon siya ng mga mood swings.


Taon pa ang lumipas at nakapagtapos rin si Rachel ng kolehiyo. Umuwi ang kanyang ina. Masaya si Rachel sa pag-uwi nito ngunit hindi maiiwasang dumating pa rin ang mga agam agam o ang pagkalito sa kanyang isip. Isang araw ay punong-puno siya ng pasasalamat sa kanyang ina at isang araw naman ay punong- puno ng katanungan at galit. Para harapin at sagutin ang mga katanungang ito, nagdesisyon siyang sumunod sa Italy para samahan ang kanyang ina at stepfather. Sa pagkakataong ito, magkakasama na sila ng mas matagal na panahon. Tuwang-tuwa sila sa kanyang desisyon. Lumipas ang mga araw at buwan na lagi niyang iniisip ang Pilipinas ngunit ito ay kanyang linabanan hanggang sa nasanay na rin siya sa buhay sa Italy. Hanggang sa ngayon ay nasa Italy pa rin si Rachel. Tinutulungan niya ang kanyang ina sa kanilang maliit na negosyo. Sa mga panahong silang mag-ina ang magkasama, kinukwento ng kanyang ina ang kanilang pamumuhay sa Middle East. Pinahayag niya ang mga rason kung bakit hindi siya nakauwi sa pagkamatay nina lolo at lola at ang sama ng loob niya sa tatay ni Rachel.Sa tanong na kung nahanap na ba ni Rachel ang kasagutan sa mga pag-aalinlangan na bumabalot sa kanyang buhay sa mga nakalipas na taon, ang sagot ay oo. Ayon sa kanya, wala na tayong magagawa para ibalik pa ang mga panahong iyon. Wala nang panahon para sisihin ang kung sino man. Sa halip, gamitin na lang natin ang mga oras na ito para habulin ang mga nawala at nasayang na mga panahon. Gamitin ito para gumawa ng mga magagandang ala-ala.


Mahirap talaga ang maging anak ng isang OFW lalo na kung ang mga magulang mo ay hindi kasal. Sa kaso ni Rachel, wala siyang ama o kapatid na pwedeng sandalan sa panahon ng problema. Meron nga siyang mga pinsan pero meron din silang sariling pamilya. Ngunit ayon kay Rachel, mahirap man ay marami siyang natutunan. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa at maging responsable. Natuto siyang magmahal at magpatawad at natutunan niya kung gaano kahalaga ang pamilya.Nabuo na rin siya ng kanyang sariling pangarap sa buhay at ito ay magkaroon ng isang buong pamilya na kahit kailan ay hindi niya iiwanan.



Make your post unique. Don’t simply say what everybody else is saying. Add your mark by mixing it up and making your post stand out in some way. The perfect blog post will make your audience stop and think. It will conjure some sort of emotion and make readers talk amongst themselves.

Emphasize your value proposition, by explaining to visitors in the headlines why your blog is valuable. Your article headline will explain to readers why your article is worth reading.

Writing is really about achieving flow, so it might not be easy to shift back and forth between writing and other tasks. Share how you feel. It will take your readers to a deeper place and make it more engaging and empathetic to others.

About the author

Zel Cotiw-an

Profession: freelancer
Italy

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.