We all have our stories and want to share them. Listening to stories of loss is difficult. It requires taking time to slow down and acknowledge the painful emotions. Sa edad na 27, taong 2008 si Betty (fake name) ay pumunta sa Saudi bilang caregiver, pagkatapos ng 2 taong kontrata umuwi na rin sya.
Ang kanyang asawa ay taxi driver at sya naging may bahay na lamang, sila ay may dalawang anak na nasa edad 9 at 5.
Ang asawa ni Betty ay laging lasing pag-umuwi at binubugbog sya nito sa kalasingan. Dahil mahal nya ang asawa at ay nag-tiis si Betty at para na din sa kanilang anak.
Taong 2012 ng muntik na syang mapatay sa pambubugbog ng asawa. Nagpasya syang umalis kasama ng dalawa nyang anak. Pumunta sila Betty sa kanyang mga magulang sa Cavite, at dahil hirap din sa buhay ang mga magulang, nagpasya si Betty na bumalik ulit sa ibang bansa para magtrabaho.
Dahil sa likas na palakaibigan nakilala ni Betty ang babaeng Muslim sa Baclaran na nag mamay-ari ng recruitment agency, dahil sa nalaman tuwang-tuwa si Betty dahil hindi na sya maghahanap pa ng agency na aaplayan. Madam ang naging tawag ni Betty sa babaeng Muslim.
Naging mabilis ang pag-asikaso ni Betty ng kanyang papeles at nakatakda syang umalis papuntang Dubai bilang caregiver, kasama ng 5 pang mga babae.
Buwan ng Oktobre 2012, araw ng alis nila Betty. Nasa airport sila ng bigla kinausap sila ng assitant ni Madam na ang destinasyong flight nila ay Zamboanga at mula doon ay magbabarko sila patungong Malaysia. At mula Malaysia may magsusundo sa kanila papuntang Dubai. Mahigpit na pinag bilin sa kanila na wag magpahalata at mag-ingat sa pagsakay sa barko dahil alam na ng pamunuan ng Pier na maraming illegal OFWs na ginagawang daanan ang Malaysia papunta sa kanilang destinasyon at ito ay mahigpit na ipinagbabawal.
Doon nya nalaman na illegal recruiter ang nakilala nya. Para sa kanyang mga anak naging kapit sa patalim si Betty. Nagbigay ng pera ang assistant sa leader nila para daw sa pagkain nila habang nasa malaysia sila at ticket na din sa barko.
Nasa bandang unahan si Betty habang sila ay papasok ng barko, nang lumingon sya sa mga kasamahan nakita nya ito na hinarang ang mga ito, sa takot na baka sya ay mahuli dire-diretso sya sa pagpasok ng barko. Doon nya narealize na 150 pesos lamang ang hawak nyang pera at hindi nya alam kung saan sya pupunta dahil ang may hawak ng pera nila ang syang nakakaalam ng lugar na kanilang pupuntahan.
Naisip nya itext ang Madam nya ngunit nagreply ito na hindi pupuntaa ang susundo dahil nahuli ang kanyang mga kasama at sya na ang bahala kung saan sya patungo.
Litong-lito at umiiyak si Betty sa barko ng bigla may lumapit na babae sa kanya na tantiya nya ay 25-30 taong gulang. Tinanong sya kung bakit sya umiiyak at agad nagkwento si Betty, pati nadin sa wala syang mapuntahan sa Malaysia.
Inalok sya ng tulong na doon magtrabaho sa pinapasukan nito bilang waitress at libre na din ang tirahan. Kahit na naloko naging kapit sa patalim ulit sya at nagdasal na sana, nasa mabuting kamay sya.
Mabait ang babae at nakapasok nga sya sa malaking restaurant, 6am-7pm ang oras ng pagpasok nya at minsan umaabot pa sya ng 10pm. Mababa lamang ang sahod ni Betty na wala pang minimum pag iconvert sa peso, wala ding extra payment ang overtime nya. Nagtiis sya sa hirap at nag-ipon ng pamasahe pabalik ng Pilipinas at konting allowance.
After 5 mos. nag decide si Betty na umuwi na sa Pilipinas dahil sa baba ng sahod.
Pagdating nya ng Pilipinas nag-asikaso ulit sya ng kanyang mga papeles pero sinigurado nya na ang agency na kanyang inaplayan ay legal. Ngayon, kasalukuyan na syang nasa ibang bansa bilang caregiver at buwan-buwan nakakapag padala sya para sa kanyang mga anak.
LESSON: Maging alerto pagdating sa mga Agencies na aaplayan. Check maigi kung ito ba ay nasa list ng POEA. At kahit na walang placement fee siguraduhin pa din dahil pag.illegal ito,walang perang nasayang pero ikapapahamak mo naman. Dahil karamihan sa mga pinoy mabilis kumapit sa mga walang placement fee na mga agency dahil na din sa hirap ng buhay.Hindi masamang magtiwala sa kapwa pero masamang magpaloko.
"Dalawang anak ni Betty"
Para sa'yo Betty maraming salamat sa pagbahagi at pagtitiwala mo ng iyong istorya dito.Marami po kaming aral na natutunan.
para po sa gustong magbahagi ng istorya kontakin nyo lang po ako dito [email protected] o magsend po kayo ng private message dito sa akin. Maraming salamat po
We all have our stories and want to share them. Listening to stories of loss is difficult. It requires taking time to slow down and acknowledge the painful emotions. How does telling our stories benefit us? We need to know and express our own stories. Difficulties arise not because we have a story, perhaps a very sad or painful story, but because we become attached to our stories and make them an essential part of our very selves. We are unsure what to say, how to act, what to do. In our fast-paced, efficiency-focused society, people often do not recognize the benefit of telling or listening to the story. Learning is a discovery process. Experiences alone do not equate to learning. Learning involves paying attention to circumstances. Reading stories aloud to children provide a strong, positive influence and build a foundation for a lifetime of significant benefits. It develops creativity and a child's ability to use their own imagination. The more they listen, the greater the likelihood that they will learn new vocabulary words. Vocabulary, comprehension, and oral language skills develop as children listen to those around them, and these skills are the basis of reading and other literacy skills. Stories connect the past and present to the future. Telling our stories is not an end in itself, but an attempt to release ourselves from them, to evolve and grow beyond them. We tell our stories to transform ourselves, to learn about our history and tell our experiences to transcend them; to use our stories to make a difference in our world; to broaden our perspective to see further than normal; to act beyond a story that may have imprisoned or enslaved us; to live more of our spiritual and earthly potential. Studies suggest that people accept ideas more readily when their minds are in story mode as opposed to when they are in an analytical mind-set. Stories also help us connect with our audiences.
Plenty of examples already show that knowledge sharing is a crucial part of development co-operation. Documented experience highlights the importance of developing a knowledge sharing mechanism to foster such exchanges. The practice of sharing should be heard in every discussion about education. Only in doing so will we learn, and then, perhaps, will have fulfilled our purpose as teachers.