PAANO MAGLARO AT MANALO SA POKER? HINDI MAHALATA MAY BARAHA SIKRETO

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Mayroong iba’t-ibang klase ng poker. Ngunit ang pagkakapareho nila ay ang layunin na magamit ang lima mong pinakamagandang baraha para manalo. Lahat ng klase ng poker ay gumagamit ng pangkaraniwang set ng baraha na may 52 na piraso na binubuo ng mga numero nakaranking at nagsisimula sa 2 o tinatawag na deuce, at umaakyat hanggang 10 na siya namang susundan ng Jack, Queen, King at Ace. Mayroong apat na suits ang mga baraha: Clubs, Hearts, Diamonds at Spades at pare-pareho ang kanilang halaga sa laro.

Ano ang layunin ng larong Poker?

Simple lang ang layunin sa larong poker – ang mapanalunan ang pot ng papremyo na siyang pinagsama-samang taya ng lahat ng mga manlalaro. Ang mga sumasali sa laro ay nagbibigay ng kanya-kanyang pusta sa paniniwalang sila ang magkakaroon ng mas magandang set ng mga baraha o kaya naman ay umaasang susuko ang taong may mas magandang set kumpara sa kanila na siyang magpapanalo sa kanila.

 

Saan nga ba nagmula ang larong Poker?

Pinaniniwalaang ang larong Poker ay naimbento daan-daang taon na ang nakaraan sa bansang Persia na kasalukuyang kilala bilang Iran kung saan may natagpuang isang larong mala-Poker na nilaro ng mga sinaunang tao. Mayroon ding mga librong nagsasabing ang larong ito ay nagmula sa Old West ng Estados Unidos, naging popular sa mga riverboats ng Mississippi, pati sa mga sugalero sa Texas hanggang sa umabot ito sa Las Vegas. Totoong naging isang napaka popular na laro ng Poker sa kasalukuyan.

Sinasabing ang Poker ay hindi isang larong baraha ngunit laro ng mga taong gumagamit ng baraha.


Swerte o Abilidad: Alin nga ba ang mas naglalarawan sa larong Poker?

Maraming mga taong hindi pamilyar sa larong poker o mga taong hindi pabor sa mga sugal ang naglalarawan sa larong ito bilang larong swertihan o swerte lang ang puhunan. Ngunit, kahit sabihing kakailangan ng kaunting swerte sa larong ito, hindi lang ito ang kailangan para maging matagumpay ang isang manlalaro. Kaalaman, kakayahan at abilidad ang mas mananaig sa’yo para magtagumpay ka sa larong ito sa kinalaunan.


Ano ang mga uri ng Poker

May iba’t-ibang klase ng larong poker: Texas Holdem, Omaha, Seven Card Stud at iba pa. Ngunit ang isa sa mga pinaka simple at pinaka popular na uri nito ay ang Texas Holdem.


No Limit Texas Holdem Poker

Ito ay isa sa mga pinakamadaling laruin ngunit pinakamahirap na i–master. Ito ang pinakapopular na poker sa buong mundo at maaaring laruin kahit ng mga baguhan pati na din ng mga propesyunal na nilalaro na ito bilang kanilang pangkabuhayan.

Ang Texas Holdem ay mangangailangan ng magkahalong strategy, psychology, swerte at kalkulasyon.

Ang larong No Holdem o mas kilala bilang Texas Holdem ay isang laro kung saan ang bawat player ay nakakatanggap lamang ng dalawang baraha.

Ang bawat manlalaro ay gagamitin ang hawak nilang baraha, kasama ng mga barahang mabubunot nila para mabuo ang limang pinakamagandang barahang maaari nilang mahawakan para manalo.


Paano ito nilalaro?

Bago ka magsimulang maglaro, kailangan mo munang malaman at maunawaan ang mga rankings ng mga baraha sa larong poker. Halos 90% ng mga karaniwang mali ay nagagawa ng mga baguhan dahil sa tingin nila ay nasa kanila ang panalong kombinasyon. Heto ang listahan ng pagkakasunod ng mga kombinasyon ng baraha na maaari mong gamitin sa poker:


1. Royal Flush (Lahat ng magkakaparehong suit ng baraha sa pagkakasunod na’to: A-K-Q-J-T)

2. Straight Flush (Kahit ano mang magkakasunod na baraha basta parehong suit, halimbawa 9-8-7-6-5)

3. Apat na parehong baraha (Apat na barahang may parehong numbero tulad ng A-A-A-A)

4. Full House (Tatlong numero ng isang suit AT isang pares ng mga numero)

5. Flush (Pare-parehong suit ng mga baraha)

6. Straight (Simpleng magkakasunod na mga baraha 6-5-4-3-2)

7. Three of a kind (Tatlong barahang magkakaparehong numero 5-5-5)

8. Two-pair (Dalawang pares tulad ng 9-9 AT 5-5)

9. Pair (Kahit anong pares tulad A-A o 2-2)

10. High Card (Kung ano man ang pinakamataas mong baraha)

Siguraduhin mong mamemorya mo ang mga kombinasyong ‘to para hindi ka makalimot kapag naglalaro na at para mas mainam mong mapaplano ang iyong mga galaw. Mayroong tatlong mga karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga baguhan sa larong poker:

1. Natatalo ng Straight ang Flush (lagi mong tatandaan na ang mga barahang iisa ang suit ay laging mas mataas kumpara sa magkakasunod na mga baraha pero iba-ibang suits.)

2. Talo ng Two-Pair ang Three of a kind (Sa larong poker, mas mainam magkaroon ng tatlong alas na baraha kumpara sa dalawang alas at dalawang hari.)

3. Hindi importante ang lakas ng baraha (Ang high flush na puro alas ay mas makapangyarihan kumpara sa king na flush)


Simpleng batas ng larong Poker

Heto ang mga simpleng batas para maglaro ng Texas Holdem Poker:


1. Ang dealer ay bibigyan ang bawat manlalaro ng dalawang baraha umpisa sa player sa kanyang kaliwa at magtatapos sa kanyang sarili.

2. Ang manlalaro sa kaliwa ng dealer ang unang titira at maaari siyang pumusta (dahil No Holds ang larong ito, maaari silang magpusta ng kahit magkano), o hindi tumira.

3. Magpapatuloy ang decision ito sa mga susunod na manlalaro hanggang sa may pumusta na siya ang may pinakamataas na hawak na mga baraha.

4. Kapag may magdesisyong pumusta, ang ibang manlalaro naman ay maaaring gawin ang mga sumusunod:

a. Mag Call (Ibigay ang napagkasunduang pusta)

b. Mag Fold (Sumuko at isuko ang lahat ng kanilang chips na napagkasunduan sa pusta)

c. Raising (Pataasan pa ang pustang napagkasunduan)

5. Magpapatuloy ito hanggang sa ang lahat ay nag call na o nailagay na ang lahat ng chips sa gitna.

6. Mula dito ay maglalagay ng tatlong nakabukas na baraha ang dealer sa gitna. Ang tawag dito ay ang community cards na maaaring gamitin ng kahit sino. Flop ang tawag dito.

7. Ngayon ay uulit ng proseso kung saan ang bawat manlalaro ay may pagkakataong mag call, fold o raise.

8. Pagkatapos, magbubukas ulit ang dealer ng pang apat na baraha para gamitin ng kahit sino. Turn ang tawag dito.

9. Iikot ulit sa mga manlalaro ang pagkakataong mag raise, fold o call.

10. Magbubukas ulit ang dealer ng panlimang baraha na tinatawag na river para gamitin ng kahit sino.

11. Sa panghuling pagkakataon, magkakaroon ng pagkakataong mag raise, fold o call ang mga manlalaro.


Tunay ngang hindi lang basta swerte sa larong baraha ang puhunan sa larong poker. Kakailanganin mo ng tatag ng loob, strategy at pautakan para magtagumpay sa larong ito.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)