Ang kwentong ito ay tungkol sa babaeng ayaw ipaalam ang kanyang identity ngunit gusto nya mag-silbing aral ito sa kanyang kapwa kaya pumayag sya isulat ko dito ang kanyang karanasan.
2011 si Lorna ( fake name) ay 35 taong gulang, sya ay may asawa at 3 anak na nasa edad 15,13,at10. May magandanag trabaho ang kanyang asawa na si Vic (fake name) sa kilalang kumpanya, at sya naman ay plain housewife. Maganda ang kanilang buhay hndi sila mayaman hndi din naman mahirap.
Dahil sa mga kapitbahay naudyok si Lorna na pumunta ng Hongkong para mamasukang katulong. Malaki ang placement fee nito ngunit malaki din ang offer sa kanya. Tutol si Vic na umalis sya pero wala ito magawa sapagkat buo na ang desisyon ni Lorna sa kagustuhang makatulong at mas lalong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang 3 anak.
Mabait ang naging amo ni Lorna ngunit hindi niya nakakasundo ang kasamang Indonesian. Si Lorna ang taga-linis at taga-luto samantala taga-laba at taga-plansta naman ang sa Indonesian. Sipsip ito sa kanilang amo dahil matagal na itong nananilbihan at marunong ding magsalita ng lenggwahe doon. Kung ano ang kinakain ng kanilang amo ang sya ring kinakain ng kasamahang Indonesian. Samantala sa kanya ay nag kakasya lamang sa dried fish at minsan wala pang ulam.
Sabado ang day off ni Lorna at linggo naman ang sa Indonesian. Tuwing uwi ni Lorna ay tambak ang labahin at wala sya magawa kundi labhan at planstahin ang mga damit ng amo sa takot na mapagalitan sya.
Wala pa 3 buwan hindi na nakatiis si Lorna at nag-pasyang umuwi, napakalaki ng ipinayat niya. Balak niya sorpresahin ang kanyang pamilya ngunit sya ang nasorpresa sa kanyang nadatnan.
Ang kanyang asawa ay nalulong na sa shabu at ang masaklap pa doon ay may ibinabahay ng babae at ito ay pusher/user pa. Hindi na pumapasok si Vic sa kanyang trabaho. Ang kanilang konting ipon sa bangko ay naubos na din. Hindi alam ni Lorna kung anu ang gagawin ng mga oras na yon at hindi niya alam kung sino ang kanyang sisihin , ang kanyang sarili ba sa kagustuhan niyang umalis o ang kanyang asawa na naging mapusok.
Hindi na nasave ni Lorna ang kanilang dating masayang pamilya, masakit man ang buhay ngunit kailangan nyang maging matatag alang-ala sa kanyang tatlong anak.
Ngayon si Lorna ay isang regular employee na mag-isa na lamang tumataguyod sa kanilang 3 anak. Hindi nya maiwasan minsan ang umiyak pag mag-isa lang sya sa kanyang trabaho, sa hiya baka makita ng kanyang mga kasama pumupunta na lamang sya sa cr at doon nilalabas ang sakit na nararamdaman. Samantala si Vic naman ay mas lalo pa nag pakalulong droga.
LESSON: Bago magdesisyon isipin muna ng daang beses ang gagawing aksyon lalo na pag may sariling pamilya at pag-usapang maigi ng mag-asawa.Wag masilaw sa malaking sahod lalo na pag malayo sa pamilya.
Sa mga nais magshare o maging inspirasyon ng kapwa ang kanilang story ngunit sila ay nahihiya o walang oras magsulat dito, pwede nyo po ako kontakin sa email n to [email protected]
Thus, when you start to write and involve yourself in the writing process devoted to sharing your life experiences, you begin to live an examined life. Living an examined life provides insight, healing and catharsis. In addition, as reflected in Eastern philosophy, when you heal and help yourself, you likewise heal and help others.
It is also important to remember that if an average person who reads your story, or sees it on a movie screen, television, etc., can identify with the people you are writing about, then you need this person’s written permission. But if the people in your story are not recognizable as specific individuals, because location, age, ethnicity, etc. are different, then obviously you have no need to secure anyone's permission to write and sell your story.