4G LTE Network sa Pilipinas Makalipas ang Halos Isang Taon-4G technology in the Philippines

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

What is 4G? What is LTE? Is it better than 3G? Isa sa mga ugali ng maraming Pinoy ang pag-antay muna sa pagbaba ng presyo ng isang produkto o serbisyo bago ito bilhin at pakinabangan. Magandang ugali man ito o hindi, ang mga advantage nito ay depende nalang sa kaniya-kaniyang karanasan ng bawat tao na may ganitong ugali. Isa ako sa mga taong ito. Kaya nang lumabas ang tinaguriang 4th Generation (4G) sa mobile network technology -- ang LTE (Long Term Evolution) -- hindi agad ako sumakay dito.


LTE Mula sa 2 Higante ng Industriya


Nang i-anunsyo ng SMART at GLOBE ang pagkakaroon nila ng serbisyong 4G LTE noong August 2012, hindi agad ganun kadama ang pag-tanggap ng maraming mga tao dito. Isang dahilan ang pagiging available lang nito noon sa mga “postpaid subscribers” sa piling mga lugar pa lamang sa Metro Manila. Para sa Globe, inabot pa ng ilang buwan mula nang i-anunsyo nila ito bago na-test ng ilang media ang totoong bilis nito sa Makati (tignan sa baba):
Samantala, ang SMART naman ay mas piniling paramihin ang kanilang “LTE access coverage” sa mas maliliit na lugar ngunit available naman sa mas maraming siyudad gaya ng test sa baba na ginawa din ni Michael Josh Villanueva http://bit.ly/11KeFQK:


LTE Speed-test Ng Ilang User sa Manila
Gaya din ng ibang mga bagay na may kaugnayan sa teknolohiya, hindi na kataka-taka kung bakit hindi agad ito basta bastang tatangkilikin ng sino man nang hindi dumadaan muna sa masusing pagsubok ng media o ng matalinong consumer. At ganun na nga ang ginawa ng ilan na sumubok nito. Kapansin pansin sa petsa ng mga unang lumabas na “test” para ikumpara ang bilis ng LTE Services mula sa GLOBE at SMART na nangyari lamang ito pagkalipas pa ng ilang buwan mula nang ito’y i-anunsyo at ang iba pa’y ngayong 2013 lang naisagawa.



Nang lumabas ang iPhone 5 noong December, kailangan mo munang i-upgrade sa iOS version 6.1 ang OS nito bago mo magamit sa LTE network ng GLOBE o SMART. Ngunit ayon kay Noemi M. Gonzales ng Business World http://bit.ly/12l1m7r , noong Pebrero, nang subukan nya ang LTE ng Globe sa Makati mga 7pm isang gabi gamit ang kaniyang iPhone 5, hindi niya ito nakitaan ng pagkakaiba sa bilis kapag siya’y nakakasagap ng 3G signal lamang. Ang resultang nakuha nya ay napakababa sa “bilis” (o bagal) na 0.25MBps download speed, at 0.17MBps upload speed gamit ang LTE ng GLOBE.


Hindi naman ganito ang naging experience ni Emilia Narni J. David sa parehong artikulo gamit din ang kaniyang iPhone sa ilalim naman ng LTE ng SMART, dahil sa kanyang “speed test”, nakakuha sya ng bilis na 2.74MBps hanggang 9.19MBps sa siyudad din ng Makati. Ganun pa man, malayo parin ito sa pangakong bilis ng SMART na 42MBps kapag gamit ang kanilang LTE network.



Ngunit sa test ng blogger na si Chef Tonio habang nagmamaneho http://bit.ly/WA8v3i gamit din ang postpaid iPhone 5 nya mula sa SMART, umabot sa 36.05MBps ang narecord nyang pinaka-mabilis na download speed, at 14.57MBps naman sa upload speed nang siya ay napadaan sa area ng Greenbelt 3 sa Makati. Sa bilis na ito, hindi mo na aakalain na gumagamit ka ng internet sa loob parin ng Pilipinas! Sa isa pa niyang post http://bit.ly/YzRAfH nabanggit din nya na naglabas na ang SMART ng PREPAID na LTE SIM noong April ngayong taon. Ito ang nagbigay daan para masubukan ng kahit sinong mayroong SIM card na ito ang bilis ng 4G LTE network ng smart na dati’y nagagamit lamang ng mga postpaid LTE subscribers nila.

LTE Speed Test sa Cebu
Ayon sa test naman na isinagawa ng Wired Mesh http://bit.ly/14Ujo3T sa Cebu, ang pinaka-mataas na bilis ng internet ng GLOBE gamit ang kanilang network ay umaabot lamang sa 6.6MBps download speed, at 0.58MBps upload speed, at ito ay naitala sa SM Cebu Department Store noong February. Ngunit hanggang ngayon, kung babasahin ang mga post sa community forum ng GLOBE users http://bit.ly/13ELDGv tungkol sa experience ng kanilang LTE Network users, may ilan-ilan paring mga reklamo na mabagal ito at hindi nakakakuha ng LTE signal sa maraming lugar sa Cebu, Davao, at kahit pa sa maraming lugar na sa Manila.
Globe LTE Speed Test sa Cebu


LTE Speed Test sa Baguio


Kahapon, nag-ikot ako sa SM City Baguio at napadaan sa Smart Store sa Cyberzone. Nakita ko ang display na iPhone 5 at sinubukan kong magbrowse ng internet gamit ito. Napansin kong nakakonekta ito sa 4G LTE Network nila. Pumasok ako sa www.speedtest.net at sinubukan ang bilis ng LTE dito sa Baguio. Ang naitalang bilis sa test na ginawa ko ay 12.08MBps download speed at 2.12MBps upload speed. Hindi na masama ang mga rating na ito, ang tanong na lang ay kung ganun parin ba ang bilis kung lalabas ka na ng SM. lalo na't ngayo'y hindi parin talaga ganun ka-stable ang LTE sa maraming lugar sa bansa. Kaya marami parin ang kayang magtyaga sa 3G Networks na kahit medyo may kabagalan, at least may signal kang nasasagap sa maraming lugar sa bansa. Ang isa pa, hindi lahat ng smartphone ay may kakayahang sumagap ng LTE signal. Limitado ito sa mga may 4G capability lamang gaya ng iPhone 5, iPad mini, Samsung Galaxy S4, at iba pa.



Nasubukan nyo na ba ang 4G LTE ng Smart o Globe kalian lang? Saang parte ng Pilipinas kayo kung saan ginagamit nyo ang LTE Network ng SMART o GLOBE at stable ba ito base sa experience nyo?


Tips for non-techie people

Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.

A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.

In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.

Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.

Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Sigurado ka ng isang negosyo lalaki o babae? Sigurado ka sa anumang pinansiyal na stress o kailangan mo ng mga pondo upang simulan ang iyong sariling negosyo, am i isang pribadong pera tagapagpahiram, bigyan ako out ng mga pondo sa mga kumpanya sa negosyo, para Kasal, Paggamot at mga indibidwal para lamang 3% interes rate.if interesado Lahat ng mga tugon dapat ma-forward sa ito Email ID sa ibaba para sa loan Application: [email protected]