Ang Pag-atake Ng Mga Local Cellphone Brands- Popular, rising trends, reviews, tips, guides

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

Discussion about gadgets, brands, mobile phones for non technical and techies.

Bilang isang “tech-inspired ” person, natutuwa ako kapag nakakabasa ako ng mga article na review ng mga bagong labas na smartphone, laptop, o tablet. Para sa mga hard-core na gadget lover, andyan ang ilan sa mga sikat na local website gaya ng Yugatech (http://bit.ly/111SEwW) , Techpinas (http://bit.ly/13S0YOM), at NoypiGeeks (http://bit.ly/18rraTO) na pwedeng pakabasahan ng mga detalyadong review ng mga bagong labas na model sa mundo ng mga cellphone at iba pang personal na electronic gadget. Kung papansining maigi, dumarami ang mga modelo na may system na Android sa mga local brand na nakikipagsabayan sa mga leader ng industriya – dalawa sa mga ito ay ang Cherry Mobile at MyPhone na kumakalaban sa mas sikat (at malayong mas mahal) na Apple iPhone at Samsung. Tignan natin ng mas malapitan ang mga pinagmamalaki ng dalawang local brand na ito.

Unahin natin ang Cherry Mobile. Mula pa noong nakaraang buwan, inaabangan na ng marami ang paglabas ng version 2.0 ng tatlo sa mga dual-sim Android phone models na nakilala sa tawag na “Flare”, “Blaze”, at “Thunder”. Ang unang Flare na ini-launch ng Oct 2012 sa napakababang presyo na P3,999 ay gumulat sa mga kalaban nitong mas malayong mahal gaya ng Samsung Galaxy Nexus na nagkakahalaga ng P15,000. Ayon sa NoypiGeeks, ang Flare din ay nagmistulang iPhone ng Pilipinas noong una itong mapansin sa merkado. Ang unang Blaze naman ay may presyong P6,499 noong lumabas ng December 2012, hindi parin masama para sa isang smartphone na may 8.0MP camera, 4.7-inch touch-screen display, at 1Ghz Dual Core Processor. Ang Thunder naman na lumabas ng February 2013 ay may tag-price na P4,999. Ang touch-screen nito ay may sukat na 4.5-inches at may camera na 5.0MP. Tulad ng Blaze, meron din itong 1Ghz na Dual-core Processor na ikatutuwa ng mga mahilig sa games at apps na nangangailang nito. Tiyak na kapag lumabas ang version 2.0 ng tatlong modelo na ito mula sa Cherry Mobile ay siguradong magkakagulo nananaman ang mga tao sa mga bagong specs na dala nila.

Ang MyPhone naman ay hindi nagpapahuli. Noong nakaraang buwan lamang, ipinakilala ng MyPhone ang kanilang bagong Android smartphone na A919i Duo. Ito ay may main features na 5-inch HD display, 8.0MP camera, at malupit na 1.2Ghz Quad-core processor. Matuturing na swerte ang ilan na nakakuha nito sa promo price nyang P7,900, bago ito tumaas sa regular price nyang P9,590. Ngunit hindi lang ito ang nakatawag-pansin na smartphone ng MyPhone dahil noong December 2012, ginulat nila ang bansa nang ilabas nila ang MyPhone A888 Duo, isa ring dual-sim phone na may 4.5-inch na qHD display, 8.0MP w/ dual LED Flash camera, at 1Ghz Dual-core Processor. Ito ay nagkakahalaga ng P7,499, ngunit ibinaba noong Friday (June 14) sa presyong P5,490 sa pamamagitan ng 1-day promo nilang “Android Invasion”.

Talagang kapansin-pansin ang mga presyo ng MyPhone at Cherry Mobile para sa kanilang mga pang-tapat sa mga kilalang brand na nagpasikat sa mga Smartphone gaya ng Apple iPhone at Samsung. Pag dating sa warranty, standard din ang 1-year na ibinibigay nila sa lahat ng kanilang mga produkto. Mayroon narin silang naitatag na magandang network ng mga service center sa buong bansa para sa mga nakakaranas ng technical na problema sa kanilang mga unit. Bukas din ang kanilang mga official website at Facebook fanpage (https://www.facebook.com/cmflare, https://www.facebook.com/myphone) para sa mas mabilis na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kinatawan. Sa ganitong mga serbisyo at level ng kumpetisyong ipinapamalas ng ating mga local na brand, masasabi nating sila’y hindi lang basta basta. Tayo na ngayon ang umaatake at umaarangkada sa merkado. Kung mapapanatili nila ang ganitong bilis ng hakbang, hindi nalalayo ang panahon at posibilidad na mas lumawak pa ang kasikatan ng MyPhone at Cherry Mobile hindi lang sa ating bansa, kung ‘di pati na sa buong mundo. May Cherry Mobile or MyPhone ka ba? Kumusta naman ang experience mo sa mga local brand na ‘to?


Tips for non-techie people

Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.

A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.

In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.

Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.

Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

1 person likes this
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)