Anong Mas Gusto Nyo, Android o iOs? Which do you prefer or like better?

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

Instructional support, customer service tips, choices and how to pick the best.

Ang paggamit ng mga tablets at smartphones na pinapatakbo ng Android o iOS na mga Operating System (OS) ay laganap na sa ating bansa sa kahit anong edad. Mapapansin sa mga mall o restaurant na ang gamit ng karamihan sa pagkuha ng pictures ay ang kanilang naglalakihang mga tablets o kaya’s smartphone. Hindi narin kataka-taka na sa mga high school at pati narin siguro sa grade school, nagiging usapin narin ang mga terminolohiyang Android at iOS.


Ayon sa news website ng ABS-CBN (http://bit.ly/KtQQVH) , noong 2011, ang La Salle Greenhills ay nag-issue ng 500 na tablet PC sa piling mga estudyante nila kapalit ng mga libro, at noong 2012, inanunsyo ni Mayor JunJun Binay ng Makati ang plano ng pamahalaan na mag-bigay din ng mga tablet para sa mga senior high school enrollees sa piling mga public schools. Itong pamimigay ng mga tablet sa mga estudyante ay alinsunod sa plano ng pangulong Aquino last year nang ilunsad ang K-12 education system sa bansa. Ang Pilipinas ngayon ay masasabi raw na “at par” na sa ibang mga bansa pagdating sa edukasyon. Kung sa mga public school palang may mga pinamimigay nang tablets, tiyak na sa mga private school kung saan maraming magulang ang mas may kaya, hindi nila hahayaang mahuli ang kanilang mga anak at siguradong marami sa mga estudyante dito ay may sarili naring mga tablet o smartphone at pamilyar na sa mga OS na Android at iOS.

Sa ating pag-sunod sa pag-unlad ng ibang mga bansa gaya ng U.S., hindi malayong mangyari din sa atin ang mga market trend nila doon. Sa isang pag-aaral ng kumpanyang Kantar World Panel Comtech na lumabas kamakailan (http://bit.ly/ZnMVkL) , sa mga smartphone sales mula January hanggang April 2013, ang Android ngayon ang nagmamay-ari ng 51.7% o pinakamalaking share ng benta sa US. Pangalawa dito ang iOs ng Apple na may 41.4% ng total na benta ng smartphones. Nasa pangatlong puwesto naman ang Windows Mobile na mayroon lamang 5.6% share dahil sa pagtaas ng benta ng mga Nokia Lumia. Sa mga datos na ito, maaaring hindi nalalayo ang mga numero dito sa ating bansa. Talagang mas kilala ang Android sa kadahilanang mas maraming brand ng hardware ang gumagamit nito, hindi gaya ng iOS na exklusibong nagpapatakbo ng mga Apple brand na gadgets lamang (wala pong iPhone na naka-Android, hehe).


Marami pang ibang dahilan kung bakit mas gusto ng nakararami ang Android. Isa na dito ang pagiging mas mura nito sa mga naka-iOS na Apple iPhone o iPad. Mas lamang din ang Android pagdating sa dami ng mga games at apps na makukuha dito ng libre kumpara sa iOs. Mas madami ding paraan para ma-customize ang mga gadget na naka-Android kaysa sa mga gadget na naka iOs o Windows. Nandyan ang mga tinatawag na “launchers” para mas makapili ng iba’t ibang option sa pag-galaw at pagpalit ng user-interface (UI) ng mga Android. Kapansin pansin din ang mas mabilis na development o pag-improve ng Android system (Froyo, Gingerbread, Ice Cream Sandwich, Jelly Bean) kung saan maraming pagbabago ang nadagdag. Sinasabing sa October na ilalabas ng Google ang mas bago pang version ng Android, ang Key Lime Pie (http://bit.ly/18y0tjD)

May mga iba naman na iOS ang mas gusto dahil sa isang importanteng bagay: Seguridad. Pagdating sa seguridad, ang iOS ay maraming magandang features na wala sa Android. Isa na rito ang app na “Find my Iphone” na makakatulong para mahanap ang nawala o nanakaw na iPhone gamit ang ibang iDevices. Ayon sa Mcafee (http://cnet.co/o1IVJJ), isang sikat na Anti-virus company, ang iOS ay may mas magandang pamamaraan ng pag-iwas sa mga tinatawag ng “Malware” (malicious software) kumpara sa Android. Noong 2Q ng 2011, ang Android ay nakapagtala ng 44 cases ng malware attack samantalang ang iOS ay hindi pa napapasok ng kahit anong uri ng ganitong problema.

Mas gusto nyo rin ba ang Android kaysa iOs? Anong nagustuhan nyo dito?



Tips for non-techie people

Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.

A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.

In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.

Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.

Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

2 person likes this
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Melissa Pineda
is a PT in United States
Mas gusto ko ang android... Parang mas mura eh. Pwede bang next time eh give info of brand na highly used na android. Thanks,
1 person likes this
Rotti Pratta
is a Arki in Singapore
para sa akin apple prin.
Dr. Manuel IV See
is a Medical expert in the Philippines
iOS for me since i have been using Apple from the start.