Mga Dapat Abangan na Tablet, Phablet, at Hybrid Laptop Ngayong July-Watch out for these cool new tablets

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

(Source: Newsbytes.ph)

What are the new geeky tablets and phablets? Do you know? 2013 to 2016

Devant “D-Tab” Tablet - Check these out

Sino pa ba ang hindi nakakakita sa brand na Devant pagdating sa mga LCD at LED TV? Sa kanilang pagdiriwang ng pang-10 taong anibersaryo kamakailan, sinabay din nila ang pag-anunsyo ng plano na pumasok sa lumalaking merkado ng “tablets”. At magandang plano ito dahil ayon sa pag-aaral ng International Data Corporation o IDC http://bit.ly/12f5vQ2, ang kabuoang bilang ng mga iaangkat na Tablet ay lalampas na sa bilang ng mga inaangakat na “Portable PC” (laptop) ngayong 2013 sa buong mundo. Samantalang sa 2015 naman tinitignang lalampasan ng mga Tablet ang pinagsamang benta ng “Portables” at “Desktop PC” sa buong mundo. Pinapakita dito ang unti-unting pagkaphase-out ng mga conventional na computers patungo sa makabagong mundo ng mga Tablets.

(Source: IDC website)


Hindi pa inilalabas ng Devant ang magiging “specs” ng bagong tablet na ito http://bit.ly/12CI3VK. Subalit kung sa linya ng mga produkto nilang LCT at LED TV nakaya nilang palaguin ang average na benta kada buwan sa 10,000 units pataas, mula lamang sa 2,500 units noong 2008, hindi kaduda-duda na isang magiging malakas na pwersa din ang Devant na “D-Tab” sa merkado na ginagalawan ng mga mas mahal ngunit kilalang brand gaya ng Samsung (Galaxy Tab), Apple (I-pad), Acer (Iconia), at ang bagong labas lang na dual-core at Quad-core Tablets ng AOC (Breeze) http://bit.ly/19QGKMW. Ngunit kung gusto talaga ng Devant na makakuha ng malaking benta sa mga tablets, dapat siyang makipagsabayan sa ilan sa mga kilalang tablets na wala pang P5,000 na nauna nang lumabas ngayong 2013 gaya ng Coby, Skyworth, Cherry Mobile (Cherry Pad), at Starmobile (Engage). Sa tingin ko, sa mga 7.0” screen size na tablet magkakaroon ng matinding labanan ang mga kumpanya sa merkado dahil maganda ang posibilidad nitong tangkilikin bilang isang praktikal na educational tool sa mga kabataang edad 2 taon hanggang 7 taong gulang.


O+ 7.0” Phablet

Ayon sa nakausap ng TechPinas blogger na isang kinatawan ng American brand na O+ http://bit.ly/129ahaI, pina-plano ng kumpanya na maglabas ng isang “Phablet” (Phone+Tablet) ngayong buwan ng July. Ito ay magkakaroon ng 7.0” na touchscreen na kung tutuusin ay katumbas na sa laki ng ibang mga “Tablet” na nasa merkado. Ito ay magkakaroon ng isang mabilis na klase ng dual-core processor at hindi “quad-core” upang ang presyo ay maging abot-kaya ng karamihan. Sinasabing ang 7.0” na Phablet na ito ay direktang kukumpitensya sa Samsung Galaxy Mega 6.3 at ang palabas palang na waterproof at dustproof na Sony Experia Z Ultra http://bit.ly/12vb2iI. Ang O+ 7.0" rin ang sinasabing magiging pinaka malaking “Phablet” sa buong mundo sa paglabas nito ngayong buwan ng July. Siguradong magkakaubusan nanaman ng units kung sakaling lumabas ang phablet na ito sa presyong mababa pa sa P10,000 level.


Acer Aspire R7 Hybrid Laptop

Isa pang kumpanya na nagdiwang din kalian lang ng kanilang pang-10 taong anibersaryo dito sa Pilipinas http://bit.ly/10vtKpu ang nag-anunsyo ng bagong produkto na nakapag pataas kilay. Ang Acer Aspire R7 4-in-1 laptop na ginamit sa pelikulang “Star-Trek: Into Darkness”, ay hindi pangkaraniwan. Ito ay may kakaibang “hybrid form-factor” na nagbibigay daan upang mai-posisyon ang 15.6” Full HD touch-screen monitor nito depende sa kagustuhan ng gumagamit sa 4 na iba’t ibang paraan. Hindi rin nagpapahuli ang iba pang specs nito gaya ng Intel Core i5 1.8GHz processor, 6GB DDR3 RAM, at 500GB hard disk drive. Maari itong maging parang tablet kapag nai-setup sa nasabing konpigurasyon. Sa presyo nitong $1,000 sa U.S., medyo may kataasan pa ito pag dumating dito sa Pilipinas, ngunit dahil sa kakaiba nitong porma at magandang specs, hindi basta basta ang magiging dating mo pag ikaw ay nagmay-ari ng isa sa mga ito. Kakalabanin ng Acer Aspire R7 ang iba pang mga hybrid laptop (laptop+tablet) ng Dell (XPS 11) at Lenovo (Yoga 11) http://bit.ly/19CMp6t. Ngunit ngayon palang, ang Lenovo ay nag-anunsyo na ng mas bago pang hybrid-tablet na may keyboard sa kanilang linya, ang Miix http://bit.ly/13kQtr3 na lalabas sa August.

(Source: Yugatech)


Para sa isang propesyonal na mahilig sa gadgets tulad ko, ang Tablet, Phablet, at hybrid laptop ay ang bagong ideal na basic set ng mga modernong gadgets na pwedeng gamitin ng pamilya sa loob at labas ng bahay.


Kayo, ito rin ba ang ideal na set ng gadgets para sa inyo?


Tips for non-techie people

Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.

A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.

In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.

Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.

Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Melissa Pineda
is a PT in United States
Hmmm tablet palang gamit namin pero .. Di ko pa alam about phablet. Maganda itong report na nasabi mo. Makaresearch nga about phablet.
1 person likes this
Moryen Maquinay
is a Admin Asst. in United Arab Emirates
gusto ko yung acer p3 pero nung nakita ko tong r7 mas maganda pala ito. Mas gusto ko kasi ng may pinipindot na mga buton kesa puro screen lang kaya okay sakin tong r7 na ito hanapin ko yan dito sa dubai. Phablet narinig ko na ito pero hindi ko pa natry hanapin koo din yan dito sa dubai
1 person likes this