Nokia, Makakabangon Ka Pa Kaya? Hot new tech plans

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

Tips for non-techie people


Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.


A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.


In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.


Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.


Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

 

Naaalala nyo pa ba ang panahon ng kasikatan ng Nokia cellphone? Nasa high school ako nang magkaroon ako ng Nokia 5110 (http://www.gsmarena.com/nokia_5110-7.php), at nang mawala ko ‘yon sa kasamaang palad, nagkaroon naman ako ng Nokia 3210 – ang tinuring na pinaka-popular at pinaka-matagumpay na cellphone sa kasaysayan (http://en.wikipedia.org/wiki/Nokia_3210), na sumikat dahil dito unang tinanggal ang noo’y nakasanayang cellphone antena. Text at call lang ang pinaka importanteng magagawa sa mga ito bukod sa ilang simpleng games gaya ng “Rotation”, “Snake” at “Logic”. Mayroon din itong calculator at calendar at sa maliit na screen ng unit, makikita ang kulay gray na mga dots na tinawag na “monochrome graphic display”. Ang forwarded text messages noon ay kadalasang may kasamang graphics na gawa lamang sa pinagsama-samang regular at special na characters sa keypad na inayos upang makabuo ng halimbawa isang taong naglalakad o mukha na ngumingiti o nag-iiba ang anyo sa bawat pag scroll mo ng screen pababa. Sa gitna ay may maikling mensahe at kadalasang nagtatapos sa “Gud AM” O “Gud PM”. Bawat text na natatanggap ay nagpapangiti at bumubuo sa araw mo.

Sa matagal na panahon, sumikat at nanguna ang Nokia sa industriya ng mobile phone devices lalo na sa mga modelong pinapatakbo ng kanilang “Symbian” na OS, hanggang unti-unti itong matabunan mula nang ipakilala ang iPhone noong 2007 at ang madaming mga smartphone na may Android OS naman noong 2011. Sa gitna ng krisis ng kumpanya noong taon na ‘yon, nakuha pa ng CEO ng Nokia na si Stephen Elop na magpalabas ng memo sa lahat ng empleyado na naghahalintulad ng kanilang pagbagsak sa isang taong nakatayo sa ibabaw ng nasusunog na “oil platform” na ang tanging paraan upang mabuhay ay ang paglundag nito sa gitna ng karagatan para hindi malamon ng apoy (http://engt.co/hZ7RiO) … nakalimutan nya yatang itanong sa kanyang sarili: hindi naman kaya sya malunod sa ganong paraan? At yun na nga ang nangyayari sa Nokia ngayon sa nakalipas na dalawang taon mula nang ilunsad nito ang Windows Phone OS ng mga Lumia na model.

Kung dati-rati’y ang turing ng tao sa Nokia sa industriya ay parang Colgate pagdating sa mga toothpaste, makalipas ang dalawang taon mula ng ilabas ni Elop ang makasaysayang memo, ang kumpanya ay patuloy na naghihingalo at halos makalimutan na ng mga tao ang pangalan na dating nagpasikat ng maraming magagandang cellphone. Sa katunayan, tinawag ito ng isang analyst na pinakamalaking pagbagsak hindi lang sa industriya ng handset kung ‘di sa kahit ano pa mang industriya (http://bit.ly/11EAF29). Ang dati nitong kita na umaabot sa mahigit 8 Billion Euros noong katapusan ng 2010 ay bumulusok pababa ng 4 Bilion Euros na lamang noong 3rd Quarter ng 2012, at patuloy pang bumababa.

Sa isa pang bagong artikulo, itinuturing na ang makakapagsalba sa Nokia ay kung ikokonsidera nitong makipag-merge sa kumpanya gaya ng Huawei- (http://bit.ly/17jZTWl) na nagpakita ng interes na bilhin ang pabagsak na kumpanya. Isang malaking indikasyon ng pagkabigo para sa isang European company kung ito ay kinokonsidera nang mabili ng isang kumpanya mula sa China gaya ng Huawei. Ngunit hindi payag dito ang CEO nitong dating executive ng Microsoft. Ito narin malamang ang dahilan kung bakit patuloy parin nyang ipinaglalaban ang ugnayang Nokia-Microsoft para mapanatiling exklusibo ang Nokia para sa Windows Phone na OS.

 

Ganun pa man, may mga iba parin na positibo ang opinyon sa kumpanya. Isang manunulat ng Forbes (http://onforb.es/17GxDfJ) ang nagsabing nasisiyahan sya sa Lumia 920 at kailangan lang maipalam ng Nokia sa buong mundo na mayroon itong magandang klase ng smartphone para ito’y tangkilin sa merkado. At pag ito ay tamang naisagawa ng Nokia, makakabangon pa ito sa kanyang kasalukuyang pagkalubog.


Sa tingin nyo ba ay may pag-asa pa ang Nokia? Tatangkilin kaya ng mundo, lalo na dito sa Pilipinas ang mga bagong smartphones nito sa ilalim ng model na Lumia?

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Melissa Pineda
is a PT in United States
Believe it or not... Kahit na ang dami pang gumagamit ng iphone, nokia parin gamit ko. Super bilib ako sa tibay nila. At user friendly din kasi. Maganda nga lang ang wide screen for photos sa iphone.
1 person likes this