Starmobile: Isa sa Pinaka-hot Na Local Smartphone Brand Ngayon? Electronic gadgets, coolest, geeky

Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States

(source: Yugatech)

What are the coolest electronic gadgets today? Sa unang pag-labas ng MyPhone, Cherry Mobile, at Torque, hindi mo aakalain na may puwesto pang natitira para sa isa pang local player: ang Starmobile. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pang-apat na local cellphone brand sa Pilipinas na naitatag para seryosong kumalaban sa mas sikat at mas mahal nitong mga multinational na counterpart gaya ng Samsung, Nokia, SonyEricsson, HTC, at iba pa. Noong nakaraang buwan lamang, nag-launch muli ng 11 na bagong gadget ang brand na ito na unang lumabas sa merkado eksaktong isang taon pa lamang ang nakakaraan.


Sa Davao nagbukas ang kauna-unahang concept store ng Starmobile, at noong katapusan ng nakaraang buwan, binuksan naman ang pangalawang eksklusibong store nito sa SM North Edsa, Quezon City para sa mas agresibo at mas malawak na pag-galaw nito sa merkado, lalo na dito sa Maynila. Ang sikat ngunit kontrobersyal na komedyanteng si Vice Ganda ang napili nilang endorser ng brand na dumalo din sa ribbon-cutting ng bagong Starmobile concept store.

(Source: HWZ Philippines)


Ang sumusunod ay ang mga bagong device na inilabas ng Starmobile sa event na inorganisa nila noong katapusan ng Mayo na sya namang lumabas sa maraming mga blog sites (http://bit.ly/15qg4MM, http://bit.ly/16rvKUD):


1. Starmobile Diamond V7 (estimated P13k-P14k)

2. Starmobile Knight (P11,290)

3. Starmobile Diamond V3 (P8,990)

4. Starmobile Icon (P9,890)

5. Starmobile Jump (P4,990)

6. Starmobile Engage 8 (TBA)

7. Starmobile Engage 7 (P4,390)

8. Starmobile Engage 7 3G (P7,490)

9. Starmobile Engage 7 TV (P5,290)

10. Starmobile FeatureSmart mini (P1,890)

11. Starmobile FeatureSmart T605i (P2,390)


Ang pinaka-napansin ng karamihan sa mga media at bloggers ay ang natatangi at pambihirang specs ng mga camera ng phablet na Diamond V7. Ito ay may malupit na 18MP camera w/ dual LED flash at may kasama pang 8MP naman na front-facing camera. Halos katumbas na nito ang ibang mga DSLR camera na available sa merkado. Para sa isang cellphone, isa itong pambihirang katangian. Ang Diamond V3 na mag-uumpisang maging available ngayong araw, June 25, (http://bit.ly/135Qdxp) sa lahat ng mga Starmobile kiosk at store, ay mayroon namang 12MP AF rear camera, at 2MP front-facing camera. Ang parehong modelong ito ay may 1.2Ghz na quad-core processor na siguradong ikatutuwa ng mga user na mahilig sa games at multi-tasking.


Tiyak na pagkakaguluhan ngayon ng bansa ang mga bagong smartphone, phablets, at tablets na ito at tulad din ng MyPhone, Cherry Mobile, at Torque, malaking bagay ang pagiging local brand ng Starmobile para ang presyo nito ay maging abot-kaya ng maraming praktikal na Pinoy. At kung abot-kaya ang isang bagay na in-na-in para sa lahat, tiyak na papatok ito sa masa.


Anong Starmobile model ang nagustuhan mo? Bibili ka ba ng brand na ito o mas pipiliin mo parin ang mga mas sikat ngunit mas mahal na international brands gaya ng Samsung, Nokia, at Sony Ericsson?


Tips for non-techie people

Some non-techie people just double click on ever button or hyperlink that they see and want to open. That includes links and buttons on the web browser. They would double click on the Google searches to open them too and it can be really annoying watching them using the computer at some point.

A lot of the tips people find for managing their personal budget involve using online banking or spreadsheets. If you’re not comfortable with technology, that can be difficult. Also, you may not have much gadgets or technology at home, purchasing a new computer or tablet might not be in your budget. But nowadays, laptops and tablets are getting cheaper and cheaper.

In the modern world, being at least somewhat technology competent is necessary. That is why, even if you are non-techie, creating a detailed business plan will help you set realistic deadlines and expectations. It would also make lining up potential teammates and future investors a lot easier. Finding a talented tech person or programmer who can make your business vision a reality. You could search within a college’s computer science program or, a computer association or ask a friend. Whether your team consists of two or ten people, it is important that everyone is compatible. You will be spending the next few months working together very closely.

Promoting a site is time consuming. The very second a blogger realizes this the first inclination is to go out and search for some form of paid promotion. In other words, go to Google or Facebook or some big website related to the topic you write about and pay the site money for advertisement space. Provided that your content is something people want to read, Facebook is an excellent and easy way to keep readers coming back to your blog. Maintaining a healthy blog is all about having a consistent readership.

Pictures do speak better and more than words. If one good illustration can explain something clearly instead of a whole paragraph, use the illustration.


Simple, low-tech approaches to managing a budget are easy and simple to implement, and often have a bigger long-term impact on spending habits than sophisticated software. The essential factor is to have a plan, not just spend and then act surprised when you run out of money.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Melissa Pineda
is a PT in United States
I think we should give star mobile a chance.. Teka sarilng atin ba ang gawang ito?
Jeremiah Licupa
is a OFW group representative in United States
All designed in the Philippines and manufactured in China ang products ng Starmobile. Ang President ng company ay ang Filipino-Chinese na si Michael Chen, na kumuha ng industrial design sa U.P. http://bit.ly/Qtqww0
Melissa Pineda
is a PT in United States
Tangkilikin ang gawang piny!
1 person likes this