BULUTONG BAWAL NA PAGKAIN? ANO BAWAL SA BUNTIS KAININ? PWEDE BA MALIGO? Ilang araw bulutong tubig?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Kapag May Bulutong?
Ang mga bata ang madalas na dinadapuan ng bulutong sa kadahilanang ang mga mas nakakatanda ay karaniwang nagkasakit na nito at meron ng sapat na panlaban sa sakit na ito.

Ang bulutong ay sanhi ng virus na napakabilis makahawa at kumalat. Ang taong mahahawa nito ay makakaranas ng lagnat na may kasamang sobrang pangangati ng mga sugat na dulot nito. Sa kadahilanang ang mga bata ang mas madalas na dinadapuan nito, mas madali silang mairita sa mga simtomas nito. Ang mga nagtutubig na butlig ay nagdudulot ng sobrang pangangati sa pasyente kung kayat kapag ang bata ang magkakasakit nito ay sobrang mahihirapan.

Halos lahat ay maaring magkaroon nito pero may maliit na porsyento na mauwi ito sa nakakamatay na shingles. Ang shingles ay sanhi ng virus na nagdadala ng bulutong subalit ito ay nanatili  sa katawan ng pasyente kahit na nawala na ang kanyang bulutong. Sa kadahilanang ito, ang bulutong ay dapat gumaling ng maayos at magkaroon ng tamang panlaban ang katawan para dito. Ating talakayin ang iba’t ibang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin kung may bulutong.
 
Ano Mga Dapat Gawin? Ano mga pwedeng gawin kapag may bulutong tubig?
·       Unang una na dapat gawin kung bata ang apektado ay alagaan sila ng mabuti at iparamdam sa kanila ang pagmamahal at ipakita ang mahabang pasensya habang sila ay nagpapagaling.
·       Maaring maglagay ng oatmeal sa isang pares ng lumang medyas at ilagay ito sa kamay ng inyong anak. Makakatulong ang masustansyang pagkain na ito para makontrol ang ang pangangati habang siya ay natutulog.
·       Obserbahan at seryosohin ang mga simtomas na nararamdaman ng pasyente at wag balewalain ang pangangati nito.
·       Lagyan ng isang kutsarang baking soda ang maligamgam na tubig at hayaan na maligo ang pasyente dito ng 2-3 beses sa isang araw. Siguraduhin na tuyuin ito ng mabuti. Makakatulong ito para mabawasan ang mga butlig at pangangati.
·       Gupitin ang kuko ng bata at balutin ito ng medyas na may oatmeal para maiwasan na makamot ang mga butlig. Maiiwasan din nito na magpeklat ang sugat pati na rin ang pagkalat ng sakit.
·       Bantayan maigi ang pasyente kung sila ay manghihina ng husto dahil dito kung sila ay may mahinang resistensya. Kakailanganin ng bata ang maiging pagbabantay sa unang 3-4 na araw hanggang sa unti-unting mawala ang mga simtomas nito. Maari ding magdulot ng sobrang pagkairita ang pasyente dahil sa kanyang mga nararamdaman.
·       Uminom ng maraming tubig at siguraduhin na sapat ang iniinom na tubig ng pasyente.
·       Magsuot ng manipis at komportableng damit. Iwasang gumamit ng matingkad na kulay na kobre kama. Maari din magsuot ng mahahabang damit para dagdag proteksyon sa sugat para mabilis itong matuyo at maiwasan na pumutok ang mga butlig sa balat.
·       Maari din maglagay ng lotion sa katawan na nireseta ng doktor na espesyalista sa balat.
·       Iwasan na ihalo ang may sakit sa mga walang sakit.
·       Siguraduhin na maghugas mabuti ng kamay at labhan ang balot ng kama na ginamit ng pasyente ng sabon na may panlaban sa mga bakterya. 
·       Kailangan din na magpahinga ng mabuti ng pasyente upang mabilis na lumakas ang kanilang resistensya panlaban sa sakit.

Maaari bang maligo kapag may bulutong?
Pwedeng maligo kapag may bulutong, at maari makapagpaginhawa pa nga kapag malinis ang iyong pakiramdam. Ngunit wag kuskusin ang balat o kamutin. Tapik tapikin lamang ng mahina ang balat o kaya naman pwedeng magbabad ng saglit sa bath tub na mayroong halong isang tasang baking soda.

Masama ba sa buntis ang may bulutong tubig? 
Malamang o kadalasan hindi naman ito makakasama sa baby o sanggol, lalo na kapag sa first trimester ka nagkaroon ng chicen pox. Ngunit kapag sa 2nd o third trimester ka na nagkaroon ng bulutong, may kaunting panganib na maari magkaroon ang baby ng congenital varicella syndrome. Pinakamapanganib ang magkaroong ng chicken pox sa second trimester (sa ika-13 hanggang sa ika-20 na linggo ng pagbubuntis).

Ano mga bawal o Hindi Dapat Gawin?
·       Huwag magsuot ng masikip na damit. Ito ay maaring magdulot ng mas malalang iritasyon sa balat ng may sakit at mas magiging makati ang mga sugat.
·       Huwag na huwag ipapagamit sa iba ang anumang gamit ng pasyente para maiwasan ang pagkalat nito. Ang sinuman na gagamit ng mga bagay na ginamit ng pasyente ay may napakataas na porsyento na sila ay mahawa na magpapalala lang sa sitwasyon kung darami ang may sakit nito. Ihiwalay muna ang lahat ng gamit ng pasyente hanggang sa siya ay tuluyan ng gumaling.
·       Iwasan din ang pagkain o pag-inom ng malalamig. Ang pagkain ng malalamig ay maaring makatulong sa pangangati, subalit ang malalamig na pagkain ay maari ding mas magpababa ng resistensya. May posibilidad din na magkaroon ng sipon o iba pang sakit dahil dito.
·       Huwag kamutin ang mga butlig para maiwasan ang pagkalat nito sa ibang parte ng katawang at mag-iwan ng malalim na peklat.
·       Huwag iwanan ang pasyente lalo na ang bata sa unang mga araw ng sakit. Iwasan ng ihalubilo sila sa ibang tao dahil lubha itong nakakahawa.
·       Huwag gumamit ng sabon na may matatapang na sangkap habang hindi pa lubusang gumagaling
·       Lagyan lamang ng calamine lotion ang mga parteng apektado ng sakit. Huwag itong ikalat sa buong katawan dahil magiging sanhi ito na matuyo ang balat.
·       Huwag bigyan ng gamot na may aspirin dahil maari itong maging sanhi ng sakit na tinatawag na Reyes Syndrome sa kanyang pagtanda.  
·       Huwag basta dalhin sa doktor ang may sakit. Maaring makipag-usap sa doktor at humingi ng tamang oras ng pagpunta para makaiwas sa maraming tao.
·       Ang matatanda na maaring magkaroon ng shingles ay dapat ding umiwas sa may sakit.
 
Hindi madali ang pagkakasakit ng bulutong pati na rin ang pagaalaga sa batang may sakit nito. Ang mga simtomas nito ay magdudulot ng lubos na di magandang pakiramdam sa pasyente. Matinding pang-unawa ang kelangan. Kailangan din na pakainin ng masustansyang pagkain ang pasyente.  Siguraduhin na ikonsulta sa eksperto ang anumang ibibigay na gamot sa pasyente upang makasiguro na hindi ito magpapalala sa kanyang kondisyon.
(Last reviewed: March 28, 2019)

References

Kids Health. (2019, January). Chicken pox. Retrieved from https://kidshealth.org/en/parents/chicken-pox.html

American Pregnancy Association. (2017, Aril 27). Chicken pox and pregnancy. Retrieved from https://americanpregnancy.org/pregnancy-complications/chicken-pox-and-pregnancy/

 


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)