Maaari bang mabuntis kung nagka-regla after magtalik?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

May nang yari sa amin nung April 2 tapos dumating regla niya nung April 11yung last  mens niya March 11 .. tapos ngayon May d pa pa siya dinadatnan last contact namin nung April 2 .. maaring buntis ba siya ? Sana mapansin salamat

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Kung ganoon, delayed na ang kanyang buawanang dalaw. Maaari siyang magtake ng PT upang magkaroon kayo ng pangunahing ideya kung siya ba ay buntis o hindi.
Peim Prim
is a Qc in the Philippines
po tanong ko lang po nung April 27 po nag ka mens po ako hanggang May 2 pero June 5 na po di pa po ako nireregla nag kasakit po kasi ako ng 1 month impossible po bang na aprktado po don nawoworry po ako
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ano p ang naging sakit ninyo ng 1 month? Posible pong ang pagka-delay ng iyong regla ay dahil sa stress.
Aya Mhie
is a NA in the Philippines Medical History
Hi doc yung pinsan ko po kasi ay nakipagtalik sa bf niya habang meron siyang menstruation pero that time daw po is mahina lang. Pwede po ba siyang mabuntis kahit na kinabukasan non is nagkaroon na siya ng mens? Sana mapansin.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kamusta ka? Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.
 
May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.
 
Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay mabuti ang iyong kalagayan. Kapag buntis ka, tatanggapin mo kasi blessing yan ng Diyos. Magdasal at kausapin ang iyong partner o mga mahal mo sa buhay. Maaayos din ang lahat. 

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.