Cancer Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Cancer Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Cancer

Ang pagkakaposisyon ng mga planeta sa iyong kapalaran ay magdudulot ng swerte sa usapin ng buhay karera at estadong pinansyal para sa iyo. Subalit, kasabay ng swerte na ito ay pag-aalala mo sa iyong buhay personal o sa sarili.

Ang mga Cancer ay magtutuon ang kanilang atensyon sa pagpapabuti ng kanilang pag-asenso, pag-unlad, at pagpapayabong sa buhay pinansyal. Ang mga planeta ay nakaposisyon nang maayos upang makamit ang iyong minimithi. Subalit, may mga balakid ang hahadlang sa iyo patungo sa iyong pag-unlad. Ang salarin nito ay pagpuwesto ng planetang Saturn sa ika-pitong bahay. Samantalang ang mga planetang Mars at Jupiter naman ay nasa tamang posisyon upang tulungan ka makamit ang gusto mong gagawin. Kailangan mo lang magkaroon ng puno ng motibasyon at habaan ang iyong pasensya upang ito ay makamit. Maganda rin ang taon para sa mga Cancer na magpayabong ng kanilang estadong pinansyal. Kailangan mo lang din maging mahinahon at panatilihing nakayapak sa lupa kung ikaw ay magbibigay ng desisyon. Sa mga Cancer na may-asawa, kailangan iwasan ang mga bagay na ikinaiinis ng iyong kapareha. Bigyang prayoridad upang maresolbahan ang mga isyu na namamagitan sa inyong dalawa. Kasabay nito ay ang pagkakaroon ng makabuluhan aktibidades na kapaki-pakinabang sa inyo.

Buhay Pag-ibig
Hindi maganda ang taong 2018 sa mga may-asawa na Cancer. Ang salarin nito ay angg pagposisyon ng planetang Saturn sa iyong kapalaran. Maaaring hindi kayo magkakaroon ng magandang pagsasamahan sa taong ito. Ang kinakailangan lamang ay magkaroon ng maganda at dekalidad na oras para sa isa’t-isa.

Para sa mga single naman ay maganda itong oportunidad upang madevelop ang iyong pakikipagrelasyon sa iyong iniibig na kapareha. Huwag hayaan na mawala ang pagkakataon na ito. Kailangan lamang na higitan o iangat kung anuman ang namamagitan sa inyong dalawa.

Buhay Karera
Hindi magiging madali para sa mga Cancer na propesyunal ang taong 2018. Palagian ang pagsubok at balakid sa pang-araw-araw na buhay ng mga Cancer sa kanilang trabaho. Kailangan din buhusan ng lakas ang anumang bagay na kailangan gawin upang matapos ito sa takdang oras. Kailangan mo din magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa iyong mga katrabaho dahil sa bandang huli ay maari kanilang tulungan sa oras na ikaw ay nahihirapan.

Kailangan mo lamang magkaroon ng kumpyansa sa sarili at lakas ng loob upang magtuloy-tuloy ang iyong swerte. Huwag paghinaan ng loob kung may mga bagay na hindi magiging paborable sa iyo. Ang huling bahagi ng taong 2018 ay magiging suwerte para sa mga Cancer lalo na para sa mga naghahanap ng magandang trabaho.

Buhay Pinansyal
Taon ng mga Cancer ang 2018 pagdating sa usaping pinansyal. Maliwanag at positibo ang pagkakaposisyon ng mga planeta sa mga ito. Ang planetang Jupiter ay siyang mamahala upang magkaroon ng puspos na salapi sa iyong mga palad. Subalit may pag-iingat na kinakailangan dahil baka masilaw ang mga Cancer sa mabilis na pagyaman dahil baka ito ay illegal o hindi karapat-dapat na gawain.

Kung hindi kaya ng Cancer na magdesisyon ukol sa pagpapayabong ng kanilang mga salapi, hanggat maaari ay komunsulta sa mga eksperto hinggil sa pagpapaunlad ng pera. Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril, maaari ka ng magsimulang bumili ng mga ari-arian dahil paborable sa iyo ang mga panahong ito.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po kung mag tatake ng board exam papasa po ba ako?
Recommend Reply Report abuse

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.