Cancer stage 4, ileostomy, low potassium magnesium sodium etc at pagkawala minsan sa sarili

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pwede po b nyo kami tulungan. yung kapatid ko po last 2 years ago nagkaroon po ng cancer sa ovary. naopera po sya natangalan ng ovary tpos pagkaopera nalagyan din daw po matris nya. ngayon ginawa ng doctor tinanggal yung buong matris nya, tpos pina radiation, chemo at braki sya. lagi po sya ct scan pagkatapos ng operation nya. lagi nman daw po clear yung ct scan nya after ng operation at radiation. tpos ngayon lang po dec 2017 bigla nlang sumakit yung tiyan ng kapatid ko. di sya mkakain lagi sya nagsusuka kahit konti lang kainin at tubig. dinala nmin sya s hospital at nung iendoscopy para meron nkabara s bituka nya daw. ngayon po inoperahan po sya nkita n nabaluktot lang bituka nya at tinuwid ng konti, tpos sbi ng doctor yung mga small intestine nya daw ay parang nasunog dahil sanhi ng radiation. pagkatpos po ng operasyon ng pag tuwid ng bituka ng kapatid ko. di parin po sya makakain sy nagsusuka parin po sya. di rin po sya mkapagdumi. ngayon ginawa ng doctor ileostomy yta twag s ginawa nya para maka labas yung dumi nya sa tiyan. bali yung ileostomy nya yta is inilagay dun s small intestine nya bago dun s may nasunog na parte ng small intestine nya. pagkatapos ng operasyon sbi ng doctor may nakita daw sila cancer at stage 4 n po agad. tanong ko po paano po nila hindi nkita yun kung lagi sya ct scan clear nman n daw po yung cancer nya nung 2 years ago. tpos ngayon naopera sya nkita na stage 4 n daw cancer nya ksi may mga nakita bilog bilog s loob nung naoperahan sya. di pa po jan nagtatapos.dahil po sa ileostomy nya 1 minute palang lumalabas na agad s bag yung kinakain nya at iniinom. dahil dun lagi parin sya nahohospital dahil nadedehydrate sya lagi. tpos after ilang araw. lagi na bumababa yung potassium, magnesium, sodium sugar etc nya. at dahil s pagbaba ng mga reading nya s blood test nya. masama pa dito bigla nlang sya nawawala sa sarili at nagsasalita ng salita ng kung ano ano n di nmn normal sinasabi. doc paki payuhan mo nmn po kami kung ano gagwin namin. ubos na ubos n po yung ipon at dami narin kami nautangan sa gastos sa pagbalik balik s hospital tpos di pa nga po natitreat yung cancer stage 4 ng kapatid ko. dahil s ileostomy nya bumababa pa yung potassium, sodium, magnesium, sugar etc nya. at dhil dun sinusumpong po sya bgla ng nagsasalita ng salita ng kung ano ano . ayaw nman po nmin sabihin n parang nababaliw kapatid ko pero pag tinanong mo sya alam nmn nya sagutin pero may mga iba iba pa sya sinasbi n di normal. parang awa nyo na po doc. sna matulungan po ninyo kami s problema namin. hangad lang po namin ay gumaling yung cancer stage 4 ng kapatid ko at the same time maibalik s dati yung ileostomy nya at mabalik sa dati katinuan yung sarili nya. maraming maraming salamat po. pasensya n po s mahabang message pero kailangan kailangan po namin ng tulong. salamat po ulit

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Hi! Thank you for trusting me with your story. I would like to express my sympathy with what you are going through.
Una sa lahat, noong sinabi na may nakita ng stage 4 cancer sa bituka ng iyong kapatid, maaring tinag ito as "stage 4" agad sapagkat iniisip nila na ito ay pagkalat or metastasis muka sa cancer nya sa obaryo. Any cancer na lumabas mula sa unang organ kung san nagmula ang cancer na malayo na mula sa primary irgan na ito ay usually stage 4 na. Not necessarily na matagal na ang bukol sa bituka at lumalala na hanggang maging stage 4. Sa oanahon pa lamang na ito ay kumalat na papunta sa bituka, ito ay stage 4 na. Maaring hindi agad nakita sa CT scan ang metastasis na ito sapagkat ito ay napakaliit lamang at hindi kapansin pansin agad sa scan. Ang mga derangement sa sa finding sa dugo ng iyong kapatid ay maaring sanhi ng lossess nya sa katawan. Kung ang pagkain na kinakain nya ay hindi na naiporoseso sa kanyang tiyan at directly lamang na lumalabas sa colostomy bag, it is best that you see your surgeon immediately. I also suggest that you have a sit down talk with your doctor upang am explain nya ang lahat lahat ng nangyayari. Maari nyo syang kausapin for updates at prognosis (kalagayan ng pasyente at future kalagayan ng pasyente). I am not in the right position to say anything about the pronosis ng iyong kapatid so it is best na ang doktor na ankakakt at nagmanage sakanya ang magpaliwanang sa inyo.
CG Eugenio
is in the Philippines Medical History
salamat po sa reply dr. lj. di na po namin alam ksi gagawin. ngayon po nadehydrate nnman po sya at nawawala sa sarili kaya nasa hospital nnmn po sya. maraming salamat po sa pagbasa ng aming problema sa aking kapatid.
1 person likes this

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.