Capricorn Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Capricorn Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Capricorn

Magiging mabuti ang taong 2018 para sa mga Capricorn sa anumang aspeto. Mabuting taon din ito para sa mga nagnanais na paunlarin ang kanilang sarili. Nakikita din na may namumuong bagong relasyon at maaari maging panghabambuhay na ito. Lahat ng mga bagay ay naaayon sa gusto mo itong taong 2018.
May magandang oportunidad na magbubukas sa iyo hinggil sa iyong propesyon. Mas makakabuti kung kukunin mo ito. Huwag din maging padalos-dalos sa iyong mga gagawing desisyon at kailangan mo ring timbangin kung ano ang makakabuti sa iyo. Humingi ng payo sa iyong mga kamag-anak o sa mga malalapit na kaibagan kung maaari. Para sa mga Capricorn na may nobyo o nobya, magandang taon din ang 2018 para kayo ay magpakasal. Unahin muna ang paghingi ng basbas ng mga magulang sa bawat isa upang mas maging masaya ang mabubuong pamilya. Sa kabuuan, magiging banayad ang takbo ng taong 2018 para sa mga Capricorn.

Buhay Pag-ibig
Para sa mga Capricorn na may nobyo o nobya, magandang taon ang 2018 para kayo ay magpakasal. Siguraduhin na mayroon kayong basbas sa mga mas nakakatanda sa inyo upang maging masaya at tuloy-tuloy ang iyong pagsasama. Ihanda na rin ang iyong mga sarili dahil may pagsubok agad na darating sa inyo subalit ang mga pagsubok na ito ay kayang-kaya ninyong lampasan.
Para naman sa mga single na Capricorn, patuloy pa rin ang pagiging pihikan sa pagpili ng iyong makakapareha. Tandaan na huwag pilitin na ibagay ang sarili sa iba dahil ikaw ang mahihirapan sa huli at hindi magiging maganda ang inyong pagsasama. Upang hindi magkasakitan kayong dalawa, panatalihin na lamang ang mabuti ninyong ugnayan sa isa’t isa. Huwag mag-alala dahil may tunay na pag-ibig din na namumuo at maaari rin humantong ito sa mahabang panahon na pagsasama. Kilalanin maigi ang bawat isa at sulitin muna ang saya ng hatid ng buhay binata o dalaga.

Buhay Karera
Magiging abala ang mga Capricorn sa buong taong 2018. Nariyan din ang pangangailangan na magtrabaho na mas mahigit pa sa itinakdang oras. Ang iyong pursigidong pagtatrabaho ang maghahatid sa iyong inaasam na tagumpay.
Ang buwan ng Septyembre ay magandang buwan para sa mga propesyonal o may trabaho. Asahan na bibigyan kayo ng komplikado at importanteng gawain sa inyong kumpanyang pinapasukan. Tapusin ito at ibigay ang iyong buong husay dahil magandang oportunidad ito para iangat ang estado ng iyong karera.
May tsansa rin na mahahasa ang iyong kakayahan upang magampanan mo nang maayos ang iyong trabaho. Matutuwa ang iyong mga katrabaho o mga kliyente dahil sa taglay mong husay. Makukuha mo ang kanilang tiwala at titingalain ka na siyang magbibigay sa iyo ng saya at tiwala sa sarili. Tandaan na hindi mo kinakailangan na lumaki ang iyong ulo at ipagpatuloy mo ang pagiging mapagkumbaba.

Buhay Pinansyal
Ang kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang kalagitnaan ng buwan ng Mayo ay magiging magandang panahon upang ikaw ay kumita. Nariyan din ang ninanais mo ng agarang kumita nang malaki subalit binabalaan ng iyong kapalaran na huwag gawin ito bagkus dumaan ka pa rin sa tamang paraan at pagsikapan mo ito nang maigi. Huwag kang mag-alala dahil susuklian ka naman at magbubunga ang iyong pinaghirapan. Hindi man ito kalakihan, makakatulong pa rin ito sa iyong panggastos o hindi kaya ay makakadagdag sa iyong ipon. Mararamdaman mo ang ginhawa mula sa iyong pagtitipid sa huling bahagi ng taong 2018. Magiging doble ang kita mo sa mga panahong ito kung ipagpatuloy mo ang iyong kahusayan sa trabaho sa unang bahagi ng taon.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.