Damage item?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.



Meron po akong nabiling computer parts sa online fb group, tapos po sinasabi niya sakin na working daw at walang problema. meet up lang din po kami kaya d nanamin natesting yung item. tapos pag uwi ko po sa bahay kinabukasan ko pa po sinusubukan tapos po may problema po yung item niya. ngayon po sinabi ko po sa kanya pero parang ako pa po yung sinisisi kung nabagsak ko daw po or baka daw sa pag handle ko ng item nung pauwi ako.. sinabihan ko po na sobrang ingat na ingat ako sa unit tapos po ngayon talagang nagloko na yung unit. tapos nagsabi po ako na ibabalik ko na lang sa kanya. kasi binigyan naman niya ko ng 2 weeks personal warranty. tapos nagagalit pa siya sakin kasi makulit daw ako. kasalanan ko po ba yun e siya yung seller. saka d rin po biro yung 5k na pinambili ko kasi pinaghirapan ko yun at malaking halaga na para sakin yun. ngayon po nahihirapan akong ibalik yung item na yun. ano po kaya pwede kong gawin. pwede ko ba siya ireklamo.. salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ito sana ay magsisilbing babala sa inyo kung makipagtransakyon po kayo through online for buy and sell na mga item lalo na if ito ay hindi registered dealer po. You are buying at your own risk po lalo na if hindi registered ang business or hindi accredited ng company. Ang magagawag mo langi f alam mo ang information sa tao na yan lalo na sa business address niya ng magpadala ng demand letter pwede po kayong magpagawa sa isang private lawyer or magpatulong po sa opisina ng PAO po. If registered dealer na man po ito pwede po kayong maghain ng reklamo sa office ng DTI kung hindi po talaga siya tutupad sa warranty na kanyang pinagbili po.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
maraming salamat po

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.