DARK BROWN STICKY TO LIGHT BROWN STICKY DISCHARGE. WHAT DOES IT MEAN?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Dalawang bese po akong nagkaregla sa isang buwan. Ang una ay noong March 29-April 6 at and sumunod ay April 16 to 21. Normal lang po ba ito? 

Noong April 22 naman po ay nagkaroon ako ng dark brown sticky discharge at ngayon ay naging light brown sticky discharge. Ano po ang ibig sabihin nito? 

Posible po bang pagdadalang tao or may problema ako sa matres?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Aktibo din po kami sa sex ng partner ko. Nagcontact po kami ni partner noong March 16-17 at noong April 7 parehas pong unprotected pero hindi itinutuloy.
Mary Josephine Amit
is a Reproductive Health Nurse in the Philippines
Gaano po ba kalakas ang iyong regla nung pangalawang beses? gaya din ba nung una? Kung ang bawat pagtatalik po ay hindi protektado kayo po ay maaring mabuntis. Ang withdrawal ay hindi din epektibo dahil may tinatawag tayong precum ibig sabihin may lumalabas na na spermcell sa lalaki kahit hindi pa siya nilalabasan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Katulad pa din po nung una yung daloy ng mens ko. Malakas sa una at pangalawang araw hanggang sa pahina na ito ng pahina..
Mary Josephine Amit
is a Reproductive Health Nurse in the Philippines
May mga babaeng irregular po talaga ang menstruation minsan ay 2 beses magregla sa isang buwan. Kung gusto po ninyo magregular ang regla dapat komunsulta sa OBGyne para mabigyan ng paraan para maregular ito.