Nagsampa ng illegal construction at no building permit ang byudo ng asawa ng namatay na may hati sa lupa

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kaya po ako sumulat ay gusto ko pong humingi ng advice sa inyo. Mayroon pong naiwan na lupa ang aking lolo at lola 169 sq meters. Iyon po ay nakalagay pa rin sa pangalan nila. Ang mga kapatid po ng nanay ko at ako po ang nakatira sa lupa na ito at may kanya kanya po kaming bahay.

Noong nakaraang taon ay nasunog po ang mga bahay namin. Noong nasunog po ay nagdesisyon kami na magpatayo ulit ng bahay pero may mga pagbabago na sa mga pwesto. Yun pong kuya ng nanay ko na tito ko, nasabi nya na walang karapatan yung byudo kong tito na asawa ng kapatid nilang namatay. Nasaktan po ang byudo sa sinabi at nagtanim ng sama ng loob. Isang taon po ang lumipas dahil dito at kasama na ang financial. Noong decided na po kami magpatayo, kinausap po namin si byudo at humingi ng tawad tungkol sa nasabi ng kuya ng nanay ko. Ang sabi po namin ay may karapatan sya pero iyung ibibigay namin sa kanya na pwesto ay nasa likod noong original lot pero pag mamayari pa rin po ng pamilya.

Noong una po ay na-invite namin sya sa barangay pag-usapan pero nag walk out po sya sa amin. At nung 2nd time hindi po sya um-attend sa barangay invitation pero kinausap ko po sya ng personal at humingi ng paumanhin ulit at ipinaliwanag ko po sa kanya ung ibinibigay namin sa kanya na pwesto. Since wala po kasi syang anak doon po sya nakapwesto katabi po ng pinsan ko doon po sa isang lote na katabi namin na pagmamay ari din naman ng pamilya. Pumayag naman po sya. Sinabi po namin ito sa barangay captain namin at okay naman kaya sabi nya po magpatayo na kami. Yung tito/kuya ng nanay ko ay nagpatayo ng march 5 at halos po matapos na sa ngayon. Ang nanay ko po ay nagpatayo naman ng may 28 kasi ngayon lang po kami nakaloan.

Eto po last June 18, may dumating po ng notice galing sa city hall ng stop ng construction. Si Byudo po ay nag file ng complain laban sa amin ng illegal construction at no bldg permit. Pumunta po kami sa bldg official dept at ipinaliwanag po namin ang nangyayari. Humingi po kami ng extension para sa pagpapagawa ng bahay na nasunog at sinabi po namain na mag process po kami ng bldg permit. Pinayagan naman po kami ng bldg dept/architect. Humingi po kami ng advice sa PAO at tinuruan po kami ng proper computation kung ano po ang nararapat sa kanya at ang lumabas po ay 12.07 sqm. Wala po kaming pambayad sa kanya since na nasunugan nga po kami.

Pwede po ba na ipagpilitan nya kung ano ang gusto nya? At saka po ung complain nya sa amin sa bldg dept, wala po syang iniwan na contact number. Gusto po namin sya kausapin para maliwanagan lahat at mag kaayos dahil po dati naman ay pumayag na sya verbally pero ngayon po ay why sudden change of heart. Pina aabangan ko po sya dun sa mga pamangkin ko at ibang pinsan dahil dumadaan po sya sa may amin pagkatapos ng sabong. Nagsasabong po kasi sya at nag aalaga ng mga manok. Pero hindi naman po namin makita. Nagkwento po ung engineer na nagserve ng notice sa amin na kasama po sya nung pumunta sa lote na pinagtatayuan namin kaya lang nagtago daw po sa loob ng sasakyan at hindi po nagpakita sa tito/kuya ng nanay ko. Bakit po ganun? Sa ngayon po ay patuloy naman ang construction namin kasi po pinayagan kami ng bldg dept na mag process ng permit at nagpagawa po kami ng consent at pirmado po lahat ng magkakapatid n buhay at representative ng mga patay na pinapayagan po kami magpatayo. Notarized po to at may personal appearance po ang lahat sa isang private law office. Sa ngayon po ay worried po ako kasi sa tingin ko po ay hindi titigil po yung byudo kong tito sa panggugulo sa amin hanggang hindi nya nakukuha yung parte nya o makakuha sya ng pera sa amin. At sa tingin po namin gusto nya yata eh katulad dati na malaki ang sakop nya nung buhay pa yung tita ko po na kapatid ng nanay ko. Pwede po ba nya kami kasuhan sa ngayon na nagpapatuloy kami ng construction? Ano po ung counter complain namin sa kanya? Magpapa prepare po ako ng extra judicial settlement at bibigyan naman namin sya ng nararapat para sa kanya kasi wala po kaming pambayad. Pwede po ba nya ipagpilitan gusto nya? Di ba po may karapatan naman po ung mga buhay at representative kung ano ung ibibigay sa kanya. Kasi po nagkakaisa naman kaming lahat at sya lang po ang may ayaw. 6 against 1 po. Lahat po ng buhay ay seniors ay nagko-cause po tuloy ng emotional distress sa family. Sa tingin lang po namin kaya malakas po ang loob nya ay may kaibigan po syang lawyer na kapwa nya po sabungero. Ano po pwede namin i-complain laban s kanya?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa tingin ko dapat mag usap kayo uli sa barangay for the last time na dapat you have to settle all this things extra-judicially otherwise, mapipilitan kayong magfile ng judicial partition sa korte dahil isa rin naman siya sa mga heirs ng kanyang asawa. Under the law dapat equal yong sharing ng mga anak ng mga magulang aside nalang if ang isang anak ay illegitimate which mean kalahati lang ang mana sa mga legitimate children. Since siya lang ang naiwang heirs ang tita ninyo he will represent the equal share of your deceased tita. May karapatan siyang magdemand ng kanyang nararapat na share sa property. Dapat kasi before kayo magtayo ng mga bahay sa lupang namana ninyo ay sigurado na kayo na ito na ang share na para sa iyo. You have to execute an extrajudicial settlement para walang gulo. Iyan ang magiging basis para sukatin ang lupa at iprocess ang kanya-kanya ninyong titulo.
Harriett Potter
is a employee in Holy See (Vatican City State)
Thank you po for replying. Ask ko lang po, pwede po ba nya kami i-complain directly sa court regarding this problem? Kung binibigay naman po namin ung karapatan nya at ang gusto nya ay bayaran namin sya, pwede po ba nya ipagpilitan yun na bayaran namin sya? wala po kasi kaming pambayad kasi nga po nasunugan kami at nag loan lang kami for the construction of the house.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.