Pwede ba mabuntis kung nagtalik sa araw na dapat magkaka-regla?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Expected ko po ang mens ko na dumating nitong April 16-20 po, pero di po ako nagkaroon. Nagkita po kami ng asawa ko nitong April 20 from LDR po at nagtalik kami, dahil gusto na din po namin magkaanak. Hangang ngayon ay di pa rin po ako dinadatnan. Maaari po b akong mabuntis kahit di po ako nagkaron bago kami magtalik? From pervious months po kasi ay regular ang mens ko.. Salamat po

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring ikaw ay hindi buntis. Kung babasehan ang araw na ikaw ay nag-"ovulate" (kung saan naglalabas ang babae ng "egg cell").

Ang "ovulation" ay isang pangyayari kung saan ang isang babae ay naglalabas ng "egg cell" Ito ay karaniwang nangyayari sa ikaw-14 na araw ng 28 days na "menstrual cycle (bilang ng araw simula sa unang araw ng regla hanggang sa unang araw ng regla ng sumunod na buwan). Ngunit karamihan ng babae ay may iba't ibang bilangng mentsrual cycle kaya't ang pago-ovulate ay maaarinig mangyari apat na araw bago at apat na araw matapos ang kalagitnaan ng isang menstrual cycle.

Ang pagsasama ng sperm cell at egg cell ay tinatawag na "fertilization" kung saan maaaring mabuo ang isang sanggol. Mangyayari ito kung matagumpay na nakapasok ang sperm cell sa egg cell matapos ang pagtatalik ng isang babae at lalaki.

Maaari kang magpakonsulta sa isang OB Gynecologisto OB Sonologist upang mas malamng mabuti kung ikaw nga ba ay buntis at mapayuhan na sumailalim sa mga test na maaaring magsabi kunug ikaw nga ay buntis.

Narito ang isang artikulo na maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon sa iyong katanungan.

https://www.buhayofw.com/hi-may-ask-lang-ako-nung-21-22-24-nag-talik-kami-ng-boyfriend-ko-ang--6085fbd46dd09#.YIvOGrUzaHs

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.