DELAYED NA REGLA: ANO DAHILAN BAKIT HINDI PA DINADATNAN? SANHI NG LATE IRREGULAR MENS AT PAGHINTO

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Nakakabala kapag di pa dinadatnan ang babae o kapag delayed ang regla, lalo na kapag nakasanayan ng babae na regular magkaroon ng buwanang daloy, o kaya naman natatakot na baka siya ay buntis.
DELAYED NA REGLA: ANO DAHILAN BAKIT HINDI PA DINADATNAN? SANHI NG LATE IRREGULAR MENS AT PAGHINTO
Tatalakayin natin sa video na ito ang 10 posibleng dahilan kung bakit hindi ka pa dinadatnan.
Narito ang 10 dahilan ng paghinto ng regla:
10. Pagbawas ng Timbang
Kung ikaw ay nagdidiyeta ng labis, pwede ring magmintis o huminto ang iyong regla.  Nakakasanhi ng paghinto ng regla ang biglaang pagbaba ng timbang o pagkapayat. Dahil nakakapgdulot ng pagbaba ng hormone levels ang kulang sa timbang kung saan hindi na nagkakaroon ng regla ang babae.
Kapag napasin ang paghinto ng regla dahil sa pagbawas ng timbang, kailangan kumonsulta sa doktor upang mapayuhan kung ano ang mga bitamina at nutrisyon na kailangan ng katawan.
 
9. Katabaan
Katulad ng pagapekto ng mababang timbang sa regla ng babae, nakakadulot din ng paghinto ng menstruation ang labis na katabaan.
Senyales rin ng katabaan at paghinto ng regla ang sakit na PCOS, kaya’t mahalaga na kumonsulta sa doktor, upang masuri kung alin ang tunay na sanhi ng paghinto ng regla. Maaaring payuhan ng doktor na mag blood test o ultrasound upang makasiguro na walang problema ang obaryo na nagreresulta sa pagkawala ng regla.
 
8. Ehersisyo - Ang mga karaniwang gawain tulad ng sobrang ehersisyo ay maaaring makasanhi ng hindi pagkakaroon ng buwanang daloy, kaya subukan na balansehin ang trabaho, pagliliwaliw at pahinga. Ang labis na pag-ehersisyo ay makakadulot din ng pagbagal o paghinto ng regla. Ang tawag ng mga duktor dito ay exercise-induced amenorrhea, at ito ay karaniwang makikita sa mga runners at ballet dancers.
 
 
 
7. Problema sa Hormones
Ang iilang hormones tulad ng prolactin o thyroid hormones ay nakakasanhi ng pagmintis ng regla. Kapag hormonal imbalance ang problema ng pagwala ng regla, madaling matukoy ito sa pamamagitan ng blood test.
Kailangan na masuri ng doktor ang sanhi ng hormonal imbalance. Maaaring na sa lahi ang problema at minana sa magulang. O maaari ring mas seryoso ang sanhi. Kadalasan, kinakailangan ng gamot upang manumbalik sa dating pagkakaroon ng regla.
 
 
6. Maagang menopause o Perimenopause
Karaniwan naguumpisa ang menopause o paghinto ng regla ng mahigit isang taon, kapag humantong na ng mga 50 anyos ang babae. Ngunit maraming babae rin ang nakakaranas ng paghinto ng regla kahit mga 40 anyos pa lamang. Perimenopause ang tawag dito at indikasyon ito ng pagbabago ng bilang ng estrogen.
Ang paiba-iba o pagtaas baba ng bilang ng estrogen ay nakakpagbago ng buwanang dalaw ng isang babae, na nagdudulot ng perimenopause o pagkawala ng regla ng ilang buwan.
Kapag huminto ang menstruation sa isang babae na nasa edad na 45 pataas, malamang ito ay dahil sa menopause. Kung isang taon ka nang hindi dinadatnan at nasa edad 45 ka na pataas, masasabing ikaw ay nagmemenopause na.
 
5. PCOS
Pinaka karaniwang sanhi ng problema sa hormones ng babae ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome. Bagamat iba iba ang sintomas sa bawat babae, karaniwang may hindi normal na hormone levels ang mga babaeng may PCOS. Nagdudulot ito ng mga cysts sa may obaryo, mga tagyawat at buhok sa muka at katawan paglalagas ng buhok at labis na katabaan.
Ang irregular mens ay isa ring senyales ng pagkakaroon ng PCOS. Kailangan na magpatingin sa doktor kapag may hinala ka na mayroon kang PCOS. Ang pagpapabaya ng hindi pagkaroon ng regla sa mga babaeng hindi pa nagkaka-menopause ay maaaring magdulot ng endometrial cancer.
 
 
4. Birth control
Nakakadulot rin ng paghinto ng regla ang iilang mga birth control pills. Halimbawa, mayroong mga birth control na nakakapagbago ng antas ng hormones na nagresulta na hindi magkaroon ang babae. Kasama sa mga tinatawag na hormonal birth control ang mga pills, patches, shots, at implants.
Kadalasang hindi naman mapanganib ang paggamit ng mga ito, ngunit mas mabuting kumonsulta sa doktor mawala ang aalahanin.
 
3. Pagbubuntis
Maaari rin na buntis ka pala, kahit na gumagamit ng birth control. Kapag regular na nakikipagtalik ang babae, kailangan magpa-pregnancy test kung hindi dinatnan. Dahil walang birth control na 100% garantisadong epektibo. Kapag naman negative ang pregnancy test kinakailangan pumunta sa OB gyne, upang masuri kung bakit nagmintis ang buwanang daloy.
 
2. Pagpapasuso
Halos lahat ng mga ina na nagpapasuso sa kanilang sanggol ay hindi magkakaroon ng regla ng 3-6 na buwan, o mahigit pa. Lalo na kapag sa suso lamang ng ina nakadepende para sa pagkain ang baby. Lactational amenorrhea ang tawag dito. Ang madalas na pagpapadede ay nakakapaghinto ng paglabas ng hormones para maghanda ang katawan ng babae sa pagkaroon ng buwanang daloy.
 
1. Stress
Nakakaapekto sa buwanang dalaw ng babae ang matinding stress na maranasan ng ilang araw. Halimbawa, maaaring umiksi ang bilang ng araw ng regla o baka hindi pa nga magkaroon.
May iba naman ang nakakaranas ng pananakit ng puson kapag nagkaroon ng stress.
Ang pagiwas sa mga sitwasyon na nagdudulot ng stress at pagkaroon ng sapat na tulog ay nakakatulong upang mabawasan ang stress at magkaroon ng regular na buwanang dalaw.
Tingnan ang mga problema sa iyong buhay. Kapag hindi mo kayang bawasan ang iyong stress, humanap ng tulong mula sa kapamilya, kaibigan o iyong doktor.
 
 
Ang iba pang mga posibleng dahilan ng paghinto ng regla ay ang mga sakit sa thyroid or pituitary glands, sakit sa hypothalamus, ovarian failure at sakit sa uterus o bahay-bata ng babae.
 
Ang karaniwang babae ay mayroong menstrual cycle na ang haba ay 28 days, at ang karaniwang regla ay tumatagal ng 3-5 na araw bawat buwan. Ngunit ang kahabaan ng regla ay paiba-iba din sa bawat babae. Kaya, huwag kang mag-alala kung normal ba talaga ang regla mo o hindi. Sa halip, pagtuunan mo ng pansin kung nag-iba ba ang cycle ng regla mo o hindi. Tulad ng pagkakaiba ng personalidad ng bawat tao, paiba-iba rin ang menstruation. Ang ibang regla ay matagal habang ang iba naman ay maikli lamang. Ang ibang regla ay malakas habang ang iba naman ay mahina. Kung ikaw ay 25 years old pa lamang, hindi ito normal, habang kung ikaw ay 50 anyos na, malamang normal na ito sa’yo dahil menopausal age ka na.
 
Maging mapag-matiyag sa mga pagbabago sa iyong regla at isangguni sa iyong doktor ang mga katanungan. Palaging ilista ang panahon kung kailan ka nagre-regla at subukang ilista ang pagsisimula nito at kung ano-ano ang mga hindi mo gustong sintomas na naramdaman.
 

References:
National Institute of Child Health and Human Development. (2017, January 31). What causes menstrual irregularities? Retrieved from https://www.nichd.nih.gov/health/topics/menstruation/conditioninfo/causes

Office of Women’s Health. (2018, March 16). Period problems: Irregular periods. Retrieved from https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/period-problems

Cleveland Clinic. (2015, January 16). Abnormal menstruation (Periods). Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods

 

 

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)